♣️ Kabanata 30 ♣️

758 179 0
                                    

| ZEIREN |

"Nakita ko siya pero pinagsawalang-bahala ko lang," mahinang anas ko habang nakatitig sa sariling repleksiyon ng salamin. Niyakap ko ang dalawang binti at sinubsob ang mukha sa tuhod. 

Nakaligtas sana siya.

Edi sana buhay pa si Dylan ngayon.
Pinagsawalang bahala ko ang nakita ko. Nakalimutan ko. Hindi ko kaagad naisip na babala 'yon para sa kaligtasan niya.

"Zeiren." Marahan akong nag-angat ng ulo matapos marinig ang boses ni Miera. Pinagmasdan ko ang nananamlay niyang mga mata. "Okay ka lang?"

Kayo, okay lang?

Noong oras na nakita ko si Dylan, para akong sinampal ng reyalidad. Kusang namuo ang kung ano-ano imahe sa utak ko na ang dalawa kong kaibigan ay posibleng mapunta sa ganoong sitwasiyon.

Inalala ko ang sarili ko, natakot ako na baka madamay ako pero nakalimutan ko ang pinakakinatatakutan ko sa lahat. Ang mawalan ng kaibigan.

"Yes, I'm alright." I faked a smile.

She looked away. "Let's have a lunch?" She asked, avoiding my gaze.

"Si Blaire?"

"S-susunod siya," sagot niya na hindi talaga alam kung paano ako titignan sa mata.

I just stared her making her more uneasy. It wasn't my intention. I was just thinking why its so hard for them to tell me the truth about the bloody shits that was happening. Pinapalayo nila ako. Ayaw daw nilang madamay ako. Nandoon na kame e pero bakit pakiramdam ko ay may iba pang dahilan.

Ngunit ano pa mang dahilan 'yon, may isa akong mas kailangang pag-tuunan ng pansin. Iyon ay ang kaligtasan nilang dalawa. Wala ng mas nakakatakot pa sa mawalan ng kaibigan kesa sa makakita ng kababalaghan.

Pero anong klaseng gulo ang pinasok niyo?

"Treat mo ko," nakangiti nang sambit ko. Duon lang niya ako tinignan ng direts'yo. Kahit ilang ulit pa akong magtanong sa kanilang dalawa, wala talaga akong mahihita. Malalaman ko din naman 'yon nang....... kusa.

"S-sure. Let's go."

Habang naglalakad papasok ng cafeteria lahat ng mga taong doon napapatingin sa direksiyon namin. Wala naman silang binabanggit pero nakikita ko sa mga mata nila ang paninisi.

I noticed Miera's hand shaking, she's nervous. I held her hand that made her glanced me. Umakto lang ako na parang wala lang, na parang hindi ko napansin ang panginginig niya.

"Oorder ako. Upo ka na," aniya matapos namin mahintuan ang pinakadulong parte ng caferteria.

"Ako nalang."

"No, it's my treat kaya ako na ang bahala." Tipid siyang ngumiti kaya inayahan ko nalang siyang maglakad papunta sa lane. Na-upo naman ako.

Itinuon ko sa lamesa ang paningin pagkatapos ay bumuntong hininga. Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip nang may naupo sa harap ko. Si Coreen.

"Hi." Boses palang halatang plastik na. Hindi ko siya pinansin. "Kamusta dalawa mong kaibigan?"

Umakto ako na parang walang naririnig at parang hindi siya nakikita. Kaso ang tatag ng kakapalan ng mukha niya at nakuha pa niyang dumikwatro at tatawa-tawa akong pinagmasdan.

"If I were you, I would stay way from them. You know para-----"

"Anong alam mo?" Duon niya lang nakuha ang interes ko. Akala ko ay pang-iinis lang ang ipinunta niya. "Tell me what you know."

She looked at me with disbelief look as if she didn't expect it to hear. "Did I heard it right? You seem... Clueless."

Pinakatitigan ko siya. Unti-unti na akong napipikon dahil nakuha niya pang itukod ang kaliwang siko sa lamesa at humalumbaba.

"Mmmm then let me tell you something that will surely------"

"Fuck up, Coreen!"

Napamaang ako sa biglang pag-sulpot ni Blaire. Masama ang tingin niya kay Coreen, nagbabanta.

"Heyyy. Masyado ka atang hot, Blaire?" Tumayo si Coreen at hinarap siya. "Busy kami ni Zeiren e, may sasabihin ka din ba?" Hindi mawala-wala ang pagkakangisi ni Coreen. Nakadagdag 'yon sa inis ni Blaire dahil nakita ko ang pag-kuyom ng kamao niya.

"Umalis ka na dito. Bago ko paduguin 'yang bunganga mo."

Tapang.

"Eh pa'no ba 'yan may tinatanong ang kaibigan mo. Kailangan ko pang sagutin 'yon." Nilingon niya ako. "She's obviously interested about it."

Napakurap si Blaire. "J-just go, Coreen."

"Hindi mo ko p'we----"

"Sinabi nang umalis ka na. Trust me, hindi ako magdadalawang ingud-god 'yang mukha mo."

Hindi makapaniwalang nag-iwas ng tingin si Coreen tapos ay natawa. "Why? Ayaw mo bang malaman ng kaibigan mo ang ginawa niyo? 'Yung dahilan kung bakit-------"

At wala sa sariling napatayo ako matapos hilahin ni Samantha na kakarating lang si Coreen at walang sabi-sabing sinampal ito. May naramdaman akong humawak sa braso ko at nang lingunin ko kung sino ay si Miera lang pala. Hinihila niya ako.

"Marami ka masyadong sinasabi!" Galit na sambit ni Samantha.

Inalis ko ang pagkakakapit ni Miera. Alam ko ang plano niya. Gusto niya akong ilayo dito para walang malaman na kung ano.

"Huwag na huwag kang mangingialam tungkol dito. At huwag mong idawit 'yon sa nangyayari ngayon!... Mas'yado kang makarunungan!" Dinuro ni Samantha si Coreen. Walang may balak mamagitan sa kanilang dalawa. Ang lahat ay nanunuod lang.

"And all of you!" Nilibot nito ang paningin  sa lahat ng nandirito. "Mind your all fucking businesses!"

Pinakatitigan ko siya nang mariin. Galit na galit siya at hanggang ngayon ay hindi pa nakakabawi si Coreen sa pagkakasampal sakanya.

Pero bakit gano'n?

'Yung ngipin niya....

Nangingitim.

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now