♣ Kabanata 12 ♣

1K 164 0
                                    

|| ZEIREN ||

"Tangina naman! Kayo lang 'yong magkakasama eh!" Galit na dinuro ni Wallen ang pwesto nila Zera.

Kasalukuyan na kaming nasa parking lahat lahat sa harap ng kotse ni Meylin. Naikot na namin kanina lahat ng sulok ng bar pero hindi namin siya nakita. Mag-pinsan si Wallen at Meylin, nag-aalala siya na baka may kung ano nangyari sa pinsan niya

Lahat naman kami ay nag-aalala pero sa amin niya binubunton ang galit. Bahagya din akong natatakot sakanya dahil sampid lang naman ako dito pero nadamay ako.

"Okey, kasalanan na namin! Masaya ka na?" Nauubusang pasensiyang sagot ni Zera. Tumalikod siya saka napasabunot sa sarili.

They all looked frustrated.

"Kumalma ka pare. Mahahanap din natin siya." Hinawakan ni Dion ang braso niya para kalmahin.

"How can I calm dre? We don't even know where to find her."

"Kaya nga pag-uusapan natin ng maayos. 'Wag mo daanin sa init ng ulo." Salubong ang kilay na komento ni Mark na nakasandal sa kotse ni Meylin.

"So what's exactly happened? She coudn't simply disappeared like that," Dylan asked, looking at Miera standing beside me.

Imbis na sumagot ay nilingon niya lang si Zera na parang humihingi ng tulong. Ang kasama kasi ni Meylin na gumamit ng restroom ay siya, si Ashley, Mixijane at Zera.

"Basta after namin ni Mixi mag-cr pinuntahan namin sila Venon sa dance floor," si Ashley ang nagpaliwanag.

"At kayong dalawa?" Tukoy ni Samantha kay Zera at Miera. Naramdaman ko ang pag-kapit ni Miera sa laylayan ng damit ko.

"Naiwan si Miera at Meylin sa loob. I was waiting for them outside. Sa may railings, pinapanuod ko sila Ashley sa dance floor then Miera suddenly appeared behind me asking where was her," paliwanag ni Zera.

"K-kasi paglabas ko wala na siya. Ako nalang mag-isa sa loob." Maikling paliwanag ni Miera.

"Eh What if may nag-aya sakanyang boy.. You know---."

"Shut up Venon. Hindi siya 'ganon," dipensa ni Rolen kay Zera.

"Eh sapilitan?" Opiniyon ni Mark.

Natahimik kami at parang napa-isip. Posible. Bar 'yun kaya may tendency na mangyari.

At dahil hindi namin alam kung saan hahagilapin si Meylin ay nagdesiyon nalang kami nila Blaire na mag-rent ng hotel para magpalipas ng gabi. Bukas na ng umaga kami babalik ng school. Hindi namin alam kung anong ginawa ng iba dahil nagkanya-kanya na kami.

Kinaumagahan ay maulan ulit kaya nakakapote kami nang pumasok sa entrada ng gate. Dumiretsyo kami sa dorm para magpalit dahil may klase pa kami.

"How's the night?" Muntik na akong mabunggo kay Yu nang biglang lumitaw siya sa harap ko. Mag-isa lang kasi akong naglalakad dahil naunang umalis 'yung dalawa.

"Pano mo nalaman?" Gulat na tanong ko dahil wala naman akong nabanggit sakanya.

"Invited din ako. Hindi lang ako pumunta."

"So kilala mo si Meylin?"

"Parang ganon---."

"Nawawala siya," napapabuntong hiningang pahayag ko.

Natigilan siya at tinignan ako. Hindi ko mabasa ang reaksiyon sa mga mata niya pero nakita kong hindi niya inaasahan ang balita ko dahil sa biglang pag-awang ng bibig niya.

"Excuse me? Sa daan talaga kayo mismo nagchichismisan?" Mataray na dumaan sa pagitan namin si Ashley.

Si Ashley nga pala 'yung tipo ng babaeng magpapaikli ng pasensiya mo. Lahat ng kaartehan sa katawan dalang-dala niya. Dahil 'wag mong tatangkaing hawakan ang katawan o alinman sa pag-mamayari niya kung hindi nakapag-alcohol ang mga kamay mo.

I remembered the time she confronted me saying that she doesn't like me. That's my first day of school. I don't know why she said that but it's okay for me 'cause I don't like her too. Mapapel siyang tao. Parang kontrabida gano'n. Isisingit at isisingit talaga niya ang sarili niya sa buhay ng kung sino kahit hindi naman dapat. Papansin kung baga.

Sinundan namin siya ng tingin nang pumasok siya sa storage room bitbit ang makapal na papel. Haharapin ko na sana ulit si Yu pero napaayos ako ng tayo nang makitang umaatras palabas ng storage room si Ashley.

We both move to go to her when she fell down to the ground. I watched how scared her face was. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa loob ng storage room.

"Ashley tumayo ka. Anong nangyayari sayo?" Rinig kong tanong ni Yu. Wala sakanila ang atensiyon ko. Nagsimula akong maglakad papasok sa storage room.

Napatakip ako ng ilong dahil sa masangsang na amoy at napalundag ng may magtatakbong mga daga.

Pinuntahan ko 'yung likod ng unang estante dahil 'dun nanggaling ang mga daga.

Bumagsak ang balikat ko at agad nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kinaya ang bumungad sa akin. It's Meylin's body full of her own blood. She's still wearing the dress she had on last night. Pero tadtad ng hiwa ang buong katawan niya. Pati ang mukha at leeg.

Naagaw ng nagkalat na pulang dice ang atensiyon ko. Balak kong dumampot ng isa pero muntik na akong humapas sa pader ng may humawi sa akin.

"M-meylin," mahinang tawag ni Wallen sa pinsan.

Lumingon ako sa likod at nakita ang ilan sa mga kasama namin kagabi. Gulat na gulat ang reaksiyon nilang lahat. Hindi inaasahan ang bumungad sa kanila.

Isa-isa silang lumapit. Doon ko lang din napansin si Blaire.

Lalapit sana ako sakanya nang may humila sa akin, si Miera. Hinila din niya si Yu na nakatayo sa pintuan. Dinala niya kami sa gilid ng storage room.

"P-promise me. You two won't tell this to anyone. Naiintindihan niyo ba 'ko?" Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nangininginig.

"H-hindi 'to pweding malaman ng kahit na sinong istudyante kaya p-please. Please Zeiren and Yu."

Naguguluhan kong tinignan si Yu dahil hindi ko naiintindihan kung anong nangyayari. Bakit? Bakit kailangang itago? Ngunit mas lalo akong naguluhan nang tumango lang siya, waring naiintindihan ang punto ni Miera.

"Z-zeiren." Muli kong nilingon ang kaibigan ko.

"Oh.. O-okay. Okay."

After no'n ay iniwan niya kaming dalawa. Napahilamos nalang ako ng mukha at nagbuga ng hangin. Hindi parin nag-iexist sa utak ko ang lahat ng nangyari. Masyadong biglaan.

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now