♣ Kabanata 14 ♣

889 159 0
                                    

|Zeiren|

"Zieren paturo naman about this?" Isa sa mga kaklase ko ang naupo sa harap ko at inilapag ang notes niya. Ngumiti ako at pasimpleng nilingon ang pwesto ni Miera na nasa tabi ko, nakayukyok siya. Si Blaire ay nilingon ko din at maging siya ay nakayuko sa lamesa.

Nag-aala na ako para sakanilang dalawa dahil simula ng mamatay si Meylin ay may kung ano ng kakaiba sa kanila. Natural lang naman siguro 'yon dahil malapit na kaibigan nila ang namatay.

And I until now I still didn't get the answer of my own question that why they needed to hide the truth behind of Meylin's death. I mean, it's not their fault. They seemed scared of something in unexplainable reason.

Hindi naman ako makapagtanong dahil pakiramdam ko ay iniiwasan nilang pag-usapan ang tungkol doon.

"Thank you," ana ng kaklse kong nagpaturo sa akin. Masaya siyang bumalik sa pwesto niya, sa tabi ni Blaire.

Naalis lang sakanya ang atensiyon ko nang mapansing naglalakad si Yu sa may hallway. Kakatwang huminto siya at nilingon ako na parang naramdaman niya ang presensiya ko.

She smiled at me.

It's not just a simple smile but a creepy one.

Bumagsak ang paningin ko kay Miera nang gumalaw siya at nang binalik ko kay Yu ay kasalukuyan na siyang naglalakad.

Anong trip ng babae 'yon?

"Cr lang ako," paalam ni Miera.

"Samahan kita?"

Umiling lang siya. Tumayo siya at naglakad paalis. Nang matapatan niya ang pwesto ni Blaire ay tinapik niya ang balikat nito. Nag-angat ito ng ulo at tinignan siya pagkatapos ay sumama ito sakanya palabas. Nakita ko din ang paghabol ni Ashley sakanila.

Weird.

Ngayon ay nasa roof top ako. Kumakain. Dito kasi tanaw ang buong Demin Academy pati na din ang iilang lugar na nakapaligid dito. Maganda ang view kaya naman palagi ako dito.

"Eating alone?" Someone said from behind. I didn't bother myself to look him back. I just felt him stood beside me.

Ipinatong niya ang siko sa may railings pagkatapos ay nilingon ako. Umakto naman ako na parang hindi ko siya napapansin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Ano kayang nakita sa'yo ni Yu?" Mahinang aniya.

Feeling close talaga. Hindi ba siya aware na hindi ko siyang gustong nandito? Sana ay makaramdam siya.

"Eh ang common mo lang naman." Doon ko siya hinarap. "What? I'm just stating the truth."

"May kailangan ka ba?" Naiinis man pero hindi ko 'yon pinahalata.

"Wala naman. Actually kakabalik ko lang kaya namiss ko ang lugar na 'to."

"Transferee?"

"Ah interesado." Wala sa sariling napairap ako sa simpleng pang-aasar niya. Hindi nalang ako umimik. Ibinato ko ang styrong pinagkainin ko sa basurahang malapit sa akin saka tumayo. "Eh? Where are you going?"

"Will you stop acting as if we're friends?" Imbis na ma-offend siya sa sinabi ko ay inilahad niya ang kamay.

"Haru Nicolo by the way."

"Zeiren Phiero," sambit ko pero hindi ko tinanggap ang kamay niya. Napatango naman siya ng ilang beses saka binawi ang kamay.

Tumalikod nalang ako para sana umalis pero nahinto ako sa akmang paghakbang nang may makita akong tao na nakasilip sa pintong bahagyang nakabukas.

Sinimulan kong humakbang. Marahan. Papalapit.

Ngunit napatalon ako nang malakas niyang isinara ang pinto. Gulat kong nilingon ang kasama ko na nakamaang habang ang paningin ay nasa pinto.

"Sumara."

Nakita ko nga.

"N-ng mag-isa."

"Ano?" Taka kong tanong. Ipinaling niya ang ulo pakanan bago ako nilingon.

"Walang tao." Napaayos ako ng tayo dahil seryoso ang pagkakasabi niya. "Wala akong nakita tao."

Nakita ko ang paglunok niya.

"Huwag mo kong paglaruan."

"What? I'm not!" Tumayo siya at tinuro ang pinto. "Wala talaga akong nakita."

Kesa pakinggan ang mga kalokohan niya ay tinalikuran ko lang siya saka naglakad papuntang pinto. Binuksan ko 'yon muli akong natigilan nang makita 'yong babae na pababa palang ng hagdan. Papalapit na sana ako sakanya pero ganoon nalang ang pagtataka ko ng bigla siyang tumakbo pababa.

Dinungaw ko siya at hayon! Nakahinto na siya at…

Nakatingala sa akin.

"Hey!" Gulat ako napatingin sa likod ko.

"What?!" Singhal ko kay Haru na ikinaatras niya. Pagbalik ko ng tingin sa babae ay wala na siya. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nagtatakbo ako pababa para mahabol siya.

Pagtapak ko sa 3rd floor ay nahinto ako dahil nakita ko siyang naglalakad sa may hallway. Mahaba ang buhok. Hanggang balakang.

"Sandali!" I shouted even though I don't know why. I don't even know her that's why I was wondering why I had to chased her. Basta lang...

Basta lang nagkusa ang mga paa at bibig ko.

Nagpatuloy siya sa paglalakad na parang hindi ako naririnig. At eto na naman ang mga paa kong naglakad para sundan siya. Nakita ko din kung papaanong unti-unting nalalaglag mula sa buhok niya ang suot na hairclip kaya ng tuluyan 'yong malaglag ay pinulot ko.

Ang kaso pag-tingin ko sa direksiyon niya ay nawala na naman siya.

Binaba ko ang paningin sa hawak na clip. Kulay itim siya na may butterfly na design at puti ang kulay no'n.

"Hera." Basa ko sa nakaukit na salita at kasabay no'n ang biglang panlalamig ng batok ko.

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now