NINETEEN

1K 78 13
                                    

Nakalabas na ako ng hospital. Two days lang naman ako dun. Kasi hindi naman masyadong critical yung condition ko.

Yun nga lang, medyo may nagbago sa sarili ko. Suot ko na kasi yung contact lense simula nung trahedya kasi nasira yung glasses ko. Natapakan ata nung isa sa mga Shrek na yun, at sabi ng magaling kong kapatid na pahiwatig na daw yun na magsuot na ng contact lense.

Tadhana raw na nangyari yun. Kaya eto, medyo naninibago.

Nathan spent his time just looking after me. Never na naming pinag usapan yung OPERATION SCARLET niya. Na isa sa dahilan kung bakit ginusto ko paring maging pretend girlfriend kabila ng lahat na ito, kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin sinasabi kay Nathan ang totoo. Humahanap lang naman kasi ako ng timing.

Ayoko rin namang manghimasok, kasi sa operasyong yun, si Nathan na ang bahala. Sabi niya eh. Kaya nandito lang ako para suportahan siya.

Nasa bahay kami ngayon at nag uusap usap kaming tatlo ni Angel kung anong balak namin gawin this CHRISTMAS VACATION. It's been a month na din since pinasok ko etong PRETEND RELATIONSHIP. At so far masaya naman ako kahit pagkukunwari lang.

"Bakasyon tayo bi. Mag out of town tayo or kung gusto niyo out of the country pa nga!" Pagsusuggest ni Nathan.

"Oo nga ate. Tapos we will go to the beach mag swiswimming! Di ba ang saya lang?" Pag aagree naman ni Angel. Naku lang nagkakasundo talaga ang dalawa.

"So tayo lang tatlo?" Tanong ko naman kay Nathan habang busy sa kakakain. Talgang namiss kong ngunuya ng chichirya. Eh puro prutas at gulay lang naman kasi ang kinakain ko sa hospital.

"Kung gusto niyong magsama ng iba sa outing okay lang naman. Pero syempre sila magbabayad para sa sarili nila. Kayo lang ni Angel ang ililibre ko."

"Realllyy Kuya? Wow naman! Ngayon na talaga ang tamang panahon na sasabihin ko kay Mama na may nanliligaw na kay Ate!"

"Hoy Angel naman ehhh! Huwag mo na nga lang sabihin kay Mama. Baka sabihin pa nun na hindi ako nag aaral ng mabuti." Naku lang! Baka patigilin ako sa pag aaral pag nagkataon. Naghihirap pa naman sila ni Papa sa kakatrabaho.

"Grabi mo naman bi. Ikinakahiya mo ba ako sa parents mo? Eh ikaw nga, pinakilala kita sa Mom ko!" So ganyanan na? Sumbatan nalang? At kasalanan ko ba kung napilitan siyang ipakilala ako sa Mama niya? Eh sino ba naman kasi ang gumawa ng eksena sa school? AKO BA? AKO BA, HA?

"FYI, hindi ko kasalanan kung bakit napilitan kang ipakilala ako sa Mom mo!"

"Kahit na bi. Dapat ipakilala mo rin ako!"

"Oo nga naman ate!" Sige pagkaisahan niyo lang ako! Yung totoo, ako yung kapatid? O si Nathan?

"Ewan ko sa inyong dalawa! Basta kung may isasama man tayo, sina Denice at Javier nalang. Sila lang naman kaibigan ko." Pagdadabog ko. Kasi galit pa rin ako dahil pinagkakaisahan nila akong dalawa! Dapat ako ang kinakampihan ng kapatid ko, di ba?

"Eh yung si Scarlet ate?" Tiningnan ko si Nathan ng ano-isasama-ba-natin-look. At ayon sa interpretation ko, binalikan niya ako ng aba-syempre-look. Kaya ano pa bang magagawa ko? Dapat naman talaga siyang isama kasi nga isa rin siya sa mga rason kung bakit ginagawa ko itong kalokohang ito! Bakit pa kasi kailangang pagselosin yun, eh mahal na naman talaga siya ni Scarlet. Urghhhhh, kung sabihin ko nalang kaya para wala nang gulo?

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon