THIRTY

814 66 13
                                    




I woke up inside our hotel room na nakahiga sa kama. Panaginip lang ba yung nangyari?

Panaginip lang ba yun lahat? Yung kamalasan ko, yung pagtatapat ni Javier, yung sweetness ni Nathan, yung muntik ko nang pagkalunod?

Akala ko pa naman totoo talaga yung mga nangyari. Sana pala hindi nalang ako nagising.

I looked around and I saw Angel looking at me with worry in her eyes.

"Oh, anong nangyari sayo? Bakit ganyan ka maka----."

"BI OKAY KA NA BAAAA?" Nagulat ako sa reaction ni Nathan. He jumped from his seat and ran to me.

So I guess hindi pala panaginip yung nangyari. Muntikan na nga talaga akong mamatay kanina. And everything that happened were real.

"Yup, I think I'm okay."

"Magbabayad talaga yung Scarlet na yun for letting you drown kanina. Buti nalang Kuya Javier was there!" I looked at Nathan and he is not smiling. Tahimik lang siya. He never said a single word.

"So, nasan na si Scarlet?"

"Kuya Nathan scolded her and let her went home by herself." I looked at Nathan again and he smiled a little.

"And Javier?"

"At his room siguro? You should thank her Ate. He saved your life."

"Angel, can we talk ng Ate mo?" Napatingin ako kay Nathan. He is not happy. May problema kaya? Malungkot kaya siya dahil wala na si Scarlet?

Ayun, Angel nodded and went outside.

"If you need me Ate, nasa kabilang room lang ako."

Angel closed the door at agad naman na umupo si Nathan sa tabi ko.

"I'm sorry I was not there when you needed me bi." Natawa lang ako. Kasi lately, ang cheesy chessy na niya. Naninibago lang talaga ako.

"Alam mo Nathan, ang OA mo."

"Galit lang ako sa sarili ko."

"Tse! Ano ka ba. Okay lang yun noh."

"I promised to watch over you, yet hinayaan lang kita dun. Tingnan mo tuloy."

"Nasaan ka ba kasi sa mga panahong yun?"

"Ahhhh. I was... Ahhmmm. Getting food for us. And.. Ah. When I looked back, Javier was running to save you. Sinubukan ko naman na malampasan si Javier so that I could be the one to save you. Pero nahuli ako."

"So ano naman ngayon kung si Javier ang nagligtas sa akin?"

"Para kasing pinamumukha sa akin ng kapatid mo na wala akong kwenta. Boyfriend mo ko tapos hindi ko magawang protektahan ka."

"Alam mo. Para kang ewan. Pretend boyfriend lang naman eh! Iiwan mo rin naman ako. Kaya okay lang yun." Masakit man sabihin, pero yun yung totoo. Kaya dapat kong tanggapin.

Natahimik lang siya.

"Oy Nathan. Okay ka lang?" Tiningnan lang niya ako.

"Paano pag sabihin ko sayo na I would change the contract." Natigilan ako sa sinabi niya. Change the contract?

"Ano naman ang babaguhin mo? Gagawa ka na naman ng bias na mga rules? Tapos ipapabasa mo sakin kung okay lang. Tapos kapag hindi okay, papalitan ko na naman tapos mag aaway na naman tayo tapos ano?"

"Ang dami mong satsat. Para kang hindi galing sa isang malalang trahedya!"

"Anong pake mo kung marami akong satsat? So ano na nga bang babaguhin mo? Iiksihan mo yung days sa contract? Dadagdagan mo? Ano?" Gusto kong sabihin niya na totohanin nalang ito.

"Bakit ba ang dami mong tanong, ha? Judge ka ba ng isang pageant ha?!"

"Hindi! Curious lang!"

"Alam mo ikaw ang pinaka full of energy na taong nakilala ko na kakalunod lang!"

"Magaling kasi yung nagligtas sa akin!" pang aasar ko sa kanya.

"Magaling talaga? Paano pag sabihin ko na he performed mouth to mo----.."

"WHAAAAAT?! HINAYAAN MO SIYA NA HALIKAN AKO?! AKALA KO BA POSSESSIVE BOYFRIEND KA!"

"Pretend boyfriend lang kaya ako!" nakaganti talaga yung mokong.

Gusto ko nang umiyak. Ang dami dami na nga naman talagang kamalasan sa buhay ko!

"Oy iiyak ka?"

"Ewan ko sayo!"

"Hahahahaha! Maypa okay okay ka pang nalalaman jan! Pero dahil mabait ako at mahal kita I went after him to give you mouth to----."

"Mahal mo ako?" Nagulat ako sa sinabi niya. Mahal niya daw ako?

"Ha? Wala naman akong sinabi na mahal kita ahh!"

"Hindi! Rinig ko! Sabi mo mahal mo ako! Mahal mo ako eh! Sabi ko na nga ba eh!"

"Bingi ka lang. O talagang assuming ka!"

"Okay! Fine. Hindi na kita kukulitin. So ano na nga ba?"

"We have to talk later. May pupuntahan muna ako. And by the way. Tonight, meet me at the restaurant."


Umalis agad siya. At kitang'kita ko ang pamumula niya. Haaay, worth it yata yung pagkalunod ko.

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon