FORTY-THREE

823 60 12
                                    


"Sino ka?" Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko toh inexpect. Pero baka nagbibiro lang naman siya, di ba? Hindi naman niya kasi akong magagawang kalimutan, right?

"Bi naman. Huwag ka na ngang magbiro ng ganyan. Sorry if nasaktan kita. Alam ko na hindi madali yun. Pero nandito na ako ulit oh, and I promise you na I won't leave you this time. Pero please huwag mo naman akong pagbiruan ng ganyan."

"Seryoso ako. I don't know what you are talking about. I don't know who you are. And him, ikaw. Sino ka?" tinanong niya si Kevin. Bakit siya ganito? Gusto kong umiyak. Ang sakit kasi.

"Hey why the hell are you crying?!"

"Hoy ikaw ha! Huwag mo masigaw sigawan bestfriend ko ha!"

"Kevs, it's okay." pinahiran ko yung luha ko and turned to face Nathan na galit na galit yung mukha.

"I am Jura Courtney Ferris. Girlfriend mo."
Tumawa siya ng tumawa at tiningnan ako ng masama.

"Ako? May girlfriend na kagaya mo?! Sigurado ka? Or are you one of the girls I've f*cked before?" I just couldn't believe it.

"Hey! Sumusobra ka naman ata pare. Babae toh oh. Huwag mo naman pagsalitaan ng ganyan. She is telling you the truth."

"Sino ka ba? Bakit ang lakas ng loob mong pagtaasan ako ng boses?" galit na tanong niya kay Kevin. Tiningnan ko si Kevin at sininyasan ko siya na not to get hot tempered baka kasi mapano si Nathan. Kakagising pa naman niya.

Pero Kevin just stared at me na poker face yung dating. Then he turned to face Nathan again.

"I am Kevin James Stewart. Her bestfriend. Sorry kung napagtaasan kita ng boses, I just don't like Courts getting hurt. And by the way, Courts means Courtney. Nakuha ko sa second name niya. Baka lang kasi naguguluhan ka." talaga lang? Kailangan talaga mag explain? Eh hindi naman ata bobo tong si Nathan.

Tiningnan niya kaming parang baliw at tumawa. Anong nangyayari sa kanya?! Is this really true?

"Okay. To make things clear. Gusto ko lang sabihin sa inyong dalawa na I don't know the both of you. Never seen your faces nor heard your names anywhere. And please, stop saying that you're my girlfriend cause honestly, nakakasuka. And you Mr. Stewart, huwag masyadong maangas hindi bagay sayo. And please, if you know my parents please do call them or Scarlet perhaps. Gusto ko na kasing umuwi." tumango lang ako and left the room. Sumunod sa akin si Kevin and hugged me.

Bakit ganito? Akala ko magiging okay ang lahat. Sabi niya kasi hindi niya ako kakalimutan kasi his heart will forever recognize me. Then why this?

He even thought na isa lang ako sa mga babaeng ginamit niya noon.

"Do you think that he is just making fun of me?" tanong ko kay Kevin. Kasi feeling ko, gumaganti lang siya sa ginawang pang iwan ko. Alam ko hindi niya ako kayang kalimutan eh. Kasi mahal niya ako, di ba? Kasi nangako siya na hinding hindi niya ako kakalimutan, di ba?

"Courts, let's talk about this tomorrow. You need to take a rest." tumango ako and as we walked papuntang elevator. I took one last look at Nathan. I caught him staring at me.

I waved, smiled and mouthed 'I Love You' to him. Pero he did not answer back. Instead, he closed his eyes and went back to sleep.

Pagkarating namin sa bahay. Mugtok pa rin ako. Kasi hindi ako makapaniwala sa nangyari. Kasi hindi ko matanggap na kinalimutan niya ako. Na nakalimutan niya ako.

"Courtney, you need sleep. Kaya you go to your room. I'll make milk for you. Ihahatid ko lang sa room mo." umakyat ako sa room ko at humiga sa kama. Bakit hindi niya ako maalala, yet he remembers his mom and dad. And even Scarlet. Pero bakit ako na girlfriend niya, nagawa niyang kalimutan? Am I that irrelevant sa buhay niya?

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon