THIRTEEN

960 79 19
                                    

Lutang na lutang lang ang lelang niyo.

Para na ata akong siraulo eh. Kung anu ano nalang ang pumapasok sa isip ko.

Well, niyaya ako ni Nathan na mag lunch sa KFC.

Ginamit ni Nathan yung motorcycle niya.

Naku lang. Ayaw na ayaw ko pa naman sumakay sa ganito. Pakiramdam ko kasi ikakamatay ko ang pagsakay ko ng nito. Sino ba naman kasi ang nag'imbento nito?

At bakit ba may bumubili rin? Hindi ba sila nanunuod ng mga balita sa TV? Ang dami'dami ng nadidiagrasya ng dahil dito.

"Ahhh, bi. Pwede mag taxi nalang tayo. Takot ako sumakay sa ganyan eh!" Pagmamakaawa ko kay Nathan. Kahit na maglakad nalang ako hindi lang ako sasakay jan!

"Bi, subukan mo kaya. It's not that bad. Promise dahan dahan lang akong magmamaneho." Hinawakan niya yung kamay ko habang binibitawan yung mga salitang yun.

IS HE DOING THIS FOR REAL or FOR PRETEND?

Haynaku.

Kaya kahit ayaw na ayaw kong sumakay, sumakay pa rin ako. Kasi ba naman, tanga ako! Di joke lang, talagang I felt assured na magiging safe ako kapag siya ang kasama ko.

Ewan ko ba pero bigla nalang akong napapasubok sa mga bagay na noon ay ayaw na ayaw kong gawin.

"Bi, hawak ka dito ha." Kinuha niya ang dalawang kamay ko at ipwenesto niya na parang naka back hug ako sa kanya.

Ang bango naman niya.

"Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang bibitaw. Alright?"

"Yep." Talagang hindi ako bibitaw. Syempre, takot ko lang malaglag dito.

Ayun umandar na yung motor niya. Naku lang. Nakapikit lang ako the whole time.

Takot na takot na talaga ako!

"Bi, kumalma ka nga lang. Ramdam ko yang heartbeat mo mula sa likod ko eh. Ang higpit pa ng hawak mo."

Kung ikaw kaya kabahan! Tingnan natin kung anong gagawin mo!

Hindi lang ako kumibo. Niluwagan ko ang pagkahawak ko sa kanya. At sinubukan ko na kumalma.

Ayun, puro inhale at exhale lang ang ginawa ko hanggang sa dumating kami.

Pagbaba ko, para akong nasusuka. Sinasabi ko na nga ba at walang magandang maidudulot itong pagsakay ko sa motorcycle na ito! Talagang nauto lang ako ni Nathan eh. Bakit nga ba talaga ako pumayag?

"Bi, punta lang ako nang CR ha. Sumama pakiramdam ko eh." Agad agad akong pumunta sa CR.

Ayun, binuhos ko na ang lahat. Ang sakit ba naman ng lalamunan ko. Lalabas na sana ako ng I heard a familiar voice.

"Scarlet, nakita mo ba yung post ni Nathaniel sa twitter? Inlove na inlove pala yan si Nathan sa Jura na yun."

"Kayo talaga. Pinaniniwalaan niyo agad yung nababasa ninyo sa social sites. Hindi nga ninyo alam kung ano yung story behind the posts."

"So anong ibig mong sabihin?"

"Sorry, pero its a secret kasi. Baka pagalitan pa ako ni John."

"C'mon Scarlet. Kahit clue, wala?"

"Okay fine. Hint ko nalang ha.bNagpapanggap lang silang dalawa na magjowa."

HINT PA BA YAN?! EH PARANG SINABI NA NGA NIYA ANG BUONG KATOTOHANAN!

Pero hindi. Hindi posibleng sinabi ni Nathan kay Scarlet yung contract. Kasi nga di ba? Okay na kami. Masaya na ako kahit pretend lang.

Hindi totoo ang sinasabi ni Scarlet. Gumagawa lang nang storya si Scarlet para maisalba yung sarili niya mula sa kahihiyan. At nagkataon lang na magkatugma yung gawa gawa niyang kwento sa totoong pangyayari.

Tama. Yun nga ang tama. Pero hindi talaga eh. Nathaniel broke the rule.

Hinintay ko muna silang mawala bago ako lumabas.

Paglabas ko ng CR, nakita ko si Nathan na lumabas rin mula sa boy's CR.

I faked a smile. At alam ko na napansin niya yun.

Tahimik lang kami habang naglalakad papuntang KFC. At nang dumating kami hindi na niya napigilan at nagsalita siya.

"Bi, what's wrong?"

"Pwede ba Nathan, stop being sweet to me. Just be the Nathan who I first met. Yung mainitin ang ulo, perv, selfish at mayabang!"

"Bi, ano ba ang problema ha?"

"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA NATHAN! ANG GALING MO TALAGA UMARTE EH NOH?!" Lumabas ako ng KFC at tumakbo patungo sa exit ng mall. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. Disappointed lang talaga kasi ako. Sasakay na sana akon ng taxi nang inabutan niya ako.

"Jura, ano ba ang problema ha? Okay naman tayo kanina di ba?"

"HUWAG KA NGA UMARTE NA WALA KANG KASALANAN NATHAN! ALAM KO NA, OKAY? ALAM KO NA NA ALAM NA NI SCARLET ANG TOTOO! AKALA KO PA NAMAN SINCERE KA TALAGA. AKALA KO YOU REALLY CARED FOR ME. YUN PALA PURO LINTEK NA KASINUNGALINGAN ANG LAHAT! YOU MADE ME BELIEVE THAT YOU WOULD PROTECT ME OVER ANYONE NA GUSTO AKONG SAKTAN AT SIRAAN, PERO EVERYTHING WAS NOT REAL, YOU PLANNED IT. GINAGAGO MO YATA AKO EH! ALAM KO NA LAHAT NANG PINAGGAGAGAWA MO AY PURO PAGKUKUNWARI LANG! YUNG PAGIGING SWEET MO SAKIN. YUNG PAGIGING MABAIT. YOU NEVER DID ANY SINGLE THING NA GALING JAN SA PUSO MO."

"EH DI BA NGA PRETEND RELATIONSHIP? KAYA I AM PRETENDING. ANO KA BA NAMAN JURA, HINDI MO ALAM KUNG PAANO MAGLARO!"

"Pero hindi naman ata tama na pinaglalaruan mo yung feelings ko! Why can't you just be the true you? Hindi yung pinapadama mo na mahal mo ako, kasi nadadala ako. Kasi nagiging totoo yung akala ko. Kasi nababaliw na ang utak ko. Hindi ko alam kung ano ang hindi totoo sa totoo. Pati puso ko nababaliw na rin, kasi kahit alam kung pagkukunwari lang tong relationship na meron tayo, umaasa ang puso ko na yung mga simpleng pagpapakilig mo sakin ay totoo. Umaasa ang puso ko na baka sakali mahal mo rin ako!"


********************************

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon