ELEVEN

1K 82 17
                                    

"Nagsimula ang lahat noong. Drum roll please." Sira na yata toh eh? Anong drum roll ang pinagsasabi niya?

"Hoy! Walang drum dito!"


"Pwede naman toh ah!"

"ARAY KO NAMAN!" Sira na nga talaga ang kokote ng lalakeng toh! Ginawa ba naman niyang drum yung ulo ko! Baka maalis lahat ng pinag'aralan ko dahil sa ginawa niya.

"HAHAHAH! Nakakatawa kayong dalawa ate. Kinikilig ako!" Isa pa tong kapatid kong ito.


"Simulan mo na nga lang ang pagkwekwento bi!"


"ATE! ANONG BI?! AYEEEEE ANG SWEET MAY ENDEARMENT SILA!"

SERIOUSLY?! May tama ba itong kapatid ko?


"Ano ka ba Angel. Mamaya na ang mga reaction mo, okay? Magkwekwento na si Kuya Nathan mo."


"Okay po." Naku lang, ang lapad pa ng ngiti.


"Okay. Magsisimula na ako.

A long time ago, in a faraway land there lived a handsome boy and a nerdy giARAY KO!"

"Sabi ko sayo ayusin mo ang pagkwekwento! ADIK KA ATA EH!"

"Ate Jura, patapusin mo muna si Kuya Nathan. Mamaya na nga yang mga reactions mo!" Naku lang, nakabawi tong batang ito. Naisahan tuloy ako.

"Okay so ayun. There lived a handsome boy and a nerdy girl. Patapusin mo muna ako bi ha. Huwag ka muna mag react.

Bagong dating nun si handsome boy sa school ng nerdy girl. Si handsome boy ay anak ng may ari ng school kaya lahat ng tao sa campus ay kilala siya maliban nalang kay nerdy girl.

Nagkatagpo silang dalawa nang pinili ni nerdy girl na pumunta sa classroom niya keysa sa hintayin si handsome boy sa gate ng campus. Pero dahil alam na ni handsome boy na pagkakaguluhan siya pag dumaan siya dun sa front gate ng campus dumaan siya sa back gate. At dumeretso si handsome boy sa unang classroom na nakita niyang bukas at nagkataon na ang classroom na yun ay ang room ni nerdy girl.

Pagkapasok ni nerdy girl sa room ay nakita niya si handsome boy na may ginagawang masama. Kaya pinagtaasan niya ito ng boses at nagtangkang isumbong siya sa dean who is mommy ni handsome boy. At sa pagkakataon na yun ay humanga si handsome boy sa tapang ni nerdy girl.

At ayun, gumawa siya ng paraan na mapalapit siya kay nerdy girl kasi gusto niya itong mas makilala pa. Kaya nakiusap si handsome boy sa mommy niya na kunin ang same course at schedule na kinuha ni nerdy girl.

At ayun, naging magkaklase sila at seatmate pa. Isang araw dumating yung kaibigan ni handsome boy na 1st crush rin niya.

At sa mga panahong yun nagkaroon ng feelings crisis si handsome boy. Pero sa huli pinili niya pa rin si nerdy girl ang lakas kasi ng tama niya dun.

At dahil sa lakas ng tama niya, inaway pa niya yung kaibigan niya dati via twitter, alam mo ba yung twitter? Basta, eh kasi ba naman binash si nerdy girl kaya ayun.

One afternoon, nakita ni handsome boy si nerdy girl na malungkot sa park. Kinwento ni nerdy girl kay handsome boy ang storya niya. Kung bakit napadpad siya sa bagong pamilya niya.


Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon