THIRTY-FOUR

926 58 10
                                    

Namasyal kami sa kung saan saang lugar. Para bang field trip. Yun nga lang kami lang dalawa. Ayaw kasi sumama ni Angel kasi nga daw it's our time ngayon kasi nga, naudlot yung special moment namin sa vacation. Kaya ang mokong na si Nathan ay ang saya saya kasi daw wala akong bantay.


"Bi, alam mo. I never thought na I would ever fall in love with you."

"Dahil panget ako, yun ba yun?"

"Hindi! Pero slight rin yan ang reason! HahahahahaARAAAY KO NAMAN!" Sinapak ko siya ng todo. Huminto kasi kami sa isang park para makapagpahinga tong mokong na toh sa kakamaneho. Baka mabundol pa kami pagnagkataon.

"Umayos ka nga, pwede?" Tumawa lang siya at tiningnan ako.

"Oh, may dumi ba sa mukha ko?" pinahiran ko yung mukha ko.

"Wala. At kung meron man, tatanggalin ko naman eh. Ang panget mo na nga tapos hahayaan ko pa na may dumi sa mukha mo, eh mas lalo kang pumanget pag nagkataon!"


"Ewan ko sa iyo! Ang sabihin mo, maganda lang talaga ako kaya tinititigan mo ako ng ganyan!"


"HAHAHA! Joke lang, napansin ko lang kasi na iba ka ngayon."

"Ha? Ako? Iba? Bakit?"

"Oo, ikaw, iba. Kasi kung nung una kitang nakilala hindi masyadong lumilitaw yung kagandahan mo, tapos ngayon. Mas masyadong hindi lumilitaw." At talagang tumawa lang siya ng todo.

"Bakit ba trip na trip mo akong pagdiskitahan? May problema ka ba sa akin, oh ano?"

"Wala naman. Naaaliw lang talaga ako kapag nagagalit ka."

"Heh! Inaaway mo ko palagi eh!"

"Tampo ka na agad niyan?"

"Hindi naman. I'm cool about it. Kasi alam mo, I don't like relationships na sobrang sweet. Yun bang every minute nakikita mo silang naghaharutan o nakatingin sa isa't isa habang nagsasabihan ng mga cheesying linya. Yung gusto ko yung parang bestfriend at brother yung boyfriend ko. Yun bang pwede kong awayin, bugbugin in a good way at yung hindi ako matatakot na sabihan sa lahat ng problema ko. Di ba, mas better?" tumango lang siya.

"Oh anong problema?"

"Wala naman. Halika, uwi na tayo." tinulungan niya akong tumayo. Bakit siya biglang naging matamlay? May nakain kaya toh?!

"Nathan, are you okay?" tanong ko sa kanya sa loob ng sasakyan.

"Do you know how to drive?" Ha? Ako? Drive? Bakit?

"Drive? Ako? Slight? Kasi matagal tagal na rin since the last time I dro---.."

"Can you drive right now?"

"Ha? Why? Is everything alright?"

"Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Everything is blurry. And my head hurts like hell."

"I'll bring you to the closest hospital."

"Nope. Dalhin mo ako sa hospital ng Daddy ni Scarlet, sa SDC hospital. My Tita works there."

"Okay." OMG! Feel na feel ko na yung heart beat ko sa lalamunan ko. Grabeh toh. It's been more than a year nung huli akong nagdrive para sa sarili ko. Oh my geeee. Paano pag nabundol kami netoh?! Pero ano ba ang problema kay Nathan.

"Bi, please start the car."

And poof pinaandar ko na yung car and I drove really really slow. Pero hindi pwede, Nathan needs immediate attention. Kaya increase speed at a time. Naku naman eh!!

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon