EIGHTEEN

985 70 16
                                    

Pagkagising ko nasa loob ako ng hospital. May mga ikinabit na kung anu ano sa katawan ko.

I examined the room at nakita ko si Angel at si Nathan na nakahiga sa sofa.

Pumikit ako ulit at sinubukang alalahanin ang nangyari sa akin.

"WAAAAH!"

"Bi/Ate?" Sabay na sabi ni Nathan at Angel. Lumapit silang dalawa sa akin at tiningnan ako ng maigi kung may problema ba sa kinalalagyan ko. Hindi ko kasi mapigilang sumigaw at maiyak sa naala ko.

"Bi, may masakit ba sayo?" Walang masakit sa akin!

MAY NAWALA SA AKIN!

"Ahhh ehhhh Angel, pwede ka munang lumabas?" Dapat ko talagang palabasin si Angel, ang pangit naman kapag maririnig niya yung lintek na revelation tungkol sa nangyari sa akin, di ba? Alam kaya ng mga magulang namin ang nangyari sa akin?

"Sige Ate." At nginitian naman niya ako ng nakakaloko. Naku lang. Nahawa ata kay Nathan. Kung anu'ano na naman ang iniisip nun.

Pagkalabas ni Angel, tiningnan ko si Nathan agad. Nangungusap ang mga mata ko sa mga mata niya.

"Bi? What's wrong?" Ramdam ko ang pag'aala niya. Sana nga nag'alala talaga siya.

"Ahhhh. Nathan, may nangyari ba sa akin. May nangyari bang hindi maganda?" Umupo siya sa gilid ng higaan hinawakan ang kamay ko. Alam ko naman na hindi talaga maganda yung nangyari kasi nga nandito ako sa hospital pero sana man lang buo pa ang pagkababae ko.

"Bi, wala ka namang kasalanan sa nangyari. Kasi hindi mo din naman yun ginusto."

"Nathan, ibig sabihin?" Kung deretsuhin nalang niya kaya ako.


"Ikaw naman bi, wala ka bang tiwala sa akin? Syempre hindi ko hahayaang may makagalaw sayo. Muntik na sana, pero dumating kasi itong gwapo mong boyfriend kaya, walang nangyaring masama." Nabuhayan ako ng loob. Alam kong pinagtripan niya ako ngayon lang pero sobrang saya ko.

"THANK YOU NATHAN!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko si Nathan. Nakakahiya lang yung ginawa ko.

Dahan dahan kong linuwagan yung pagkayakap ko. I am supossed to break the hug nang he hugged me back even tighter.

"I am glad you're okay." The softness in his voice gave a chill sa buong katawan ko.

Kaya para maging safe kaming dalawa, at hindi sa kung saan humantong ito, sinubukan ko ulit na kumawala sa yakap niya pero hindi niya ako binibitawan.



"Ah ehhh Nathan?" Sobrang nakakailang na ang kalagayan naming dalawa.


"Let's just stay like this for awhile."


*dug dug*

*dug dug*

"HEY!" Dali dali kaming naghiwalay ni Nathan. Sabi ko na nga ba't nakakailang itong yakapan na ito eh!

Pumasok si Denice, Scarlet at si Javier.

Lumapit naman agad si Nathan kay Scarlet at hinila niya palabas. Kanina lang maypa sweet sweet pang nalalaman, dumating lang yung crush ay este yung mahal niya iniwan na ako?!

Pagkalabas nilang dalawa nilapitan agad ako ng dalawang naiwan. Maya maya pumasok na rin ang kapatid ko.

"Ate Jura!" Napalingon kaming tatlo sa kanya.

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon