EIGHT

1.2K 72 15
                                    

Wala nang mas magiging awkward sa situation na ito.

Pagitnaan ba naman ako ng dalawang toh!

Wala akong ma isipang gawin kaya nakipag usap ako sa taong nasa harapan ko.

Si Denice.

"Ohy Denice." Pabulong kong pagtawag sa kanya.

Hindi niya ako liningon.

Kaya nagkuha ako ng papel at dun ko isinulat yung mensahe ko.

Denice palit tayo ng seats, please. Kahit ngayon lang.

*poke*

*poke*

Lumingon siya and I smiled while handing the paper.

Kinuha niya yun pero di niya binasa.

Hindi niya ako pinansin.

Kaya wala akong nagawa. May problema ba kami?

Gumawa nalang ako ng doodle sa likod ng notebook ko. Wala rin naman kasi akong makakausap, bored pa ako sa pinagsasabi ng prof.

"Ano yan?" Nagulat ako nang biglang nagsalita si Javier.

Pinasa ko yung notebook ko sa kanya.

"Sino si Andrew?"

"Papa ko." Tumingin siya sa akin at sinauli niya sa akin yung notebook.

"You must love your family so much."

Hindi ko siya sinagot.

Bigla ko lang naalala yung Dad ko.

Hanggang sa natapos ang class. Si papa lang ang laman ng isip ko.

I remember how he used to love me, at alam ko rin naman na hanggang ngayon mahal niya pa rin ako. Naaalala ko lang kung ano kami dati.

May mga bagay talaga na kapag nawala, dun mo lang makikita ang halaga.

Nauna akong lumabas ng room. Kahit ni isa walang pumansin sa akin. May kasalan na naman kaya ako?

Nevermind. Mabubuhay naman ako kahit hindi nila ako pansinin. For how many years naging loner ako, kaya this is not new for me. Mas masaya nga ako kasi I got to have a time for myself ulit. Yung ako lang.

Hindi ako umuwi agad. Pumunta ako sa park kung saan kami huling nag usap ni Nathaniel.

Nandito ako para magdamdam. At ilabas ang lahat ng sama ng loob. Gusto kong pakawalan lahat ng emosyon na sasabog na.

Grabi lang ang pinagdaanan ko ngayon. Napaka intense. Yun bang hindi mo masasabi kung anong mangyayari sa susunod. Atnatatakot ako kasi hindi ko kontrolado ang takbo ng buhay ko ngayon. My routines are ruined. Lahat ng pinagagagawa ko ay bago.

If only dad's here, I am 100% sure na hindi ko mararanasan ang kamalasang nadatnan ko these past days. Yun lang naman ang hiling ko, bring him back, please.

I really really wanted to bail sa contract. Kasi parang feeling ko, something bad will turn out kapag pinagpatuloy pa ito.

Umupo ako sa isa sa mga benches. Tutal maaga pa naman. Kaya magpapalipas muna ako ng oras dito.

At nang nasa kalagitnaan na ako ng pag dadamdam ko, biglang may naramdaman akong tao na nakatayo sa likuran ko. His smell. The way his steps sound, kilala ko siya.


"Oh, bakit ka nang iwan? Hindi moko hinintay." Kumulo yung dugo ko nang narinig ko ang boses niya. Napaka-kapal naman talaga ng sikmura netong lalakeng toh. But I kept calm.

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon