FIFTY-SEVEN

852 51 9
                                    

NATHANIEL'S POV

You can or can't blame me for what happened and for what I have done. I may look so dumb sa ginawa kong yun. But, I was planning to tell her everything. Naghahanap lang ng timing. Pero tingnan mo naman ang nangyari, mukhang ang timing nalang mismo ang siyang naghanap sa amin. Ni hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na buong ipaliwanag yung side ko kung bakit ko yun nagawa. Pero naiintindihan ko rin naman si Jura, nasaktan ko kasi siya. At alam ko, na kapag nasaktan ang isang tao, walang matinong bagay ang pumapasok sa isip.

Ngayon, pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Kasi, galit na galit na si Jura sa akin ngayon and dahil dito, I may lose here completely.

Oo, I am so stupid at naisipan kong gawin kay Jura yun, gusto ko lang sana makaganti man lang. Pero I never expected na hahantong sa ganito. Pero honestly, acting like I don't know her? Talagang ang hirap. Kasi, everytime na nakikita ko siya, I wanted to come close to her, gusto ko siyang yakapin ng sobrang higpit. Gusto ko siyang kausapin, asarin o kumustahin man lang.

Yes, alam ko na malaki ang kasalanan ko kay Jura. Gumuho ang mundo ko nung iniwan niya ako. You may think na ang selfish ko for doing that to her, wala lang talaga akong maisip na gawin nung nakita ko siya. Yun bang ang saya saya ko pero biglang naaalala ko yung sakit ng pag iwan niya sa akin. Every detail ay bumabalik. At hindi maganda ang nangyaring yun. Hindi talaga.



******************************

I was alone. I was left alone crying and crouching. Iniwan ako ng babaeng minahal ko ng totoo. I watched her leave. I watched her disappear. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga panahong yun. Tatayo sana ako at handang habulin yung sasakyan nina Jura when a man kicked me hard. Tiningnan ko siya and I immediately recognized him. Hinding hindi ko makakalimutan ang lalaking toh. The ugly bastard who hurt Jura. Siya yung lalaking inutusan ni Scarlet na pagsamantalahan si Jura and I saw him bringing a knife with him. At malakas ang kutob ko na if he was here, he was planning to hurt Jura, napangiti nalang ako knowing that she is safe now. Bahala na na ako, hindi lang siya.

I pleaded. I begged. I asked him na kung ano man ang plinaplano niya ay sana huwag niyang ituloy. Nagmakaawa ako sa kanya kagaya ng pagmakaawa ko kay Jura. Kasi isa lang naman ang nasa isip ko nun, I needed to chase and get my Baby back. Kailangan kong tumayo at habulin ang Jura ko. Umiyak ako sa harapan ng lalaking yun para lang huwag niya akong saktan. Para magkaroon pa ako ng konting lakas para mahabol ko si Jura. I asked forgiveness for sending him to jail. Yet, I saw rage in his eyes. Hindi niya ako pinakinggan, binaliwala niya lang ang pagmamakaawa ko sa kanya, just like what Jura did to me. He stabbed me, and every wound na meron ako, hindi man lang pumantay sa sakit na naramdaman ko nung unti unti kong nakita si Jura papalayo sa akin. Kasi, sobrang sakit nun. Pinaniwala niya ako na kakayanin namin lahat basta't magkasama kami. She promised me she'll love me forever. Ni hindi man lang niya ako pinaniwalaan na kakayanin ko para sa kanya.

A day after the operation, nakakagising na ako, pero ayaw kong imulat ang mga mata ko sa mundong wala si Jura. Sa mundong ako lang mag isa. Pero everynight when everyone would go home, I always wake up hoping that may be she'll come back for me, and before I went back to sleep, parati kong tinitingnan ang litrato namin. Parati kong pinaglalaruan ang singsing na simbolo ng panghabangbuhay naming pag iibigan. Parati kong hinahawakan ang kwintas na nagdadala ng bawat ala ala ko kay Jura. I arrange them neatly sa drawer ng hospital ko after I cry over them.

Until one night, she came. I heard her call my name. Ang saya ko, kasi she finally came back. I was just going to mess with her nun. Pero nung dinilat ko ang mga mata ko and saw her, bumalik ang galit ko. Kasi naalala ko siya nung iniwan niya ako. The way she said that she doesn't love me anymore. The way she told me na akala niya hindi ko kakayanin yung operation that is why she is leaving me. At mas lalo akong nagalit when I saw her with some other guy.

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon