SIX

1.2K 76 13
                                    

All this time. Wala akong nagawang productive.

Ni hindi nga ako nakasagot sa mga tanong nang prof.

Eh sino naman kasi ang makakapag concentrate kung ang mga katabi mo ay puro extremes.

Yung isa SUPER CRUSH ko.

Yung isa ANG SARAP EH CRASH!

At isa pa, puro death glares ang natatanggap ko sa lahat ng babae dito sa room.

Naku lang, nakakainis na ang pangyayaring ito sa buhay ko!

"Hoy gusto makipagkita nang Mom ko." Ha? Ang dean? Ang may ari ng school? Ang taong nagpapaaral sa akin? Bakit? May nagawa ba ako?

"Ano?! Bakit raw?"

"Nakarating sa kanya yung nangyari kanina."

"Kasalan mo toh eh!" Naku nga naman. Paano kapag umabot toh sa point na ipapatawag na yung parents ko? Ano nalang ang sasabihin ko sa kanila?

Bakit pa naman kasi ako pa ang nakakita nung pinag gagawa nila. Eh sana pala nakiusyuso nalang rin ako sa mga tao na nag aabang sa pagdating niya nun. Eh di sana, hindi ako napasok sa ganitong sitwasyon.

"Kasalanan mo kaya, ginalit mo ko."

"Matuto ka rin na mang umintindi! Ano ba kasi ang pinagpuputok ng buchi mo. Nag'uusap lang kami. At isa pa, kaibigan mo yung tao. Bakit ang sama ng iniisip mo?!"

"Parati nalang babae ang iniintindi, paano naman kaming mga lalaki? Palibhasa ang selfish ninyo! At mind you Jura, wala kang alam sa nangyayari. Kaya pwede, shut your fucking mouth and just do what I say!"

"Umiintindi naman kami ah! Hindi ka lang kasi karapat dapat intindihin kasi ni minsan, hindi ka umintindi! At FYI, who are you para sundin ko? Eh kung sabihin mo nalang kasi ang rason kung bakit galit na galit ka sa ginawa ko?! Then maybe, maintindihan kita!" Ayun, tumahimik siya hanggang sa nagsiuwian na. Mabuti nalang rin at naisipan niya talagang manahimik.

I arranged my bag nang biglang lumapit si Javier sa akin. Naku naman.

"Jura?" Kanina ko pa kasi siya hindi pinapansin. Malamang, baka sa susunod na kausapin ko siya ipapagulpi na ako nung Nathaniel na yun.

Actually, nauna pa nga siyang lumabas. Wow naman di ba? Napakasweet lang nang boyfriend ko!

At dahil ayoko na lalong gumulo ang pangyayari, hindi ko kinikibo si Javier.

"May problema ba?" Hinawakan niya yung kamay ko. Kaya, napatingin ako sa kanya.

"Jura, please kausapin mo na---..."

"Kent, bitawan mo girlfriend ko." Lumingon ako and I saw Nathan. Galit na galit siya. Why is he acting this way? Ano nga ba talaga ang problema niya? Magkaibigan sila, di ba?

"Bi, halika na." Sinubukan kong bumitaw sa hawak ni Javier pero hinigpitan niya ang pagkahawak niya sa braso ko.

"Kent, ano ba! Sinabing bitawan mo ang girlfriend ko!" Sumugod si Nathan at nag akmang suntukin si Javier. Kaya bigla ko nalang tinulak si Javier papalayo kay Nathan at bigla nalang akong napayakap sa kanya na para bang pinipigilan siyang sumugod kay Javier.

Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa. I just felt na its the right thing to do.

"Bi, tama na. Alis na tayo." Naramdaman ko ang pagkalma ni Nathan. He relaxed his body and sighed.

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon