FIFTY - NINE

880 54 14
                                    

Well, graduation ko na. And guess what, pinauna nalang ako nina Mom sa venue eh kasi hindi pa daw sila tapos mag ayos. Ewan ko ba kung bakit naisipan pa nilang magpasalon. Eh graduation ko lang naman toh. At isa pa, para namang engradeng engrade ang graduation ko, daig pa ata nila ang aattend sa kasal at sa isang debut. Pero di bale na, kung saan sila masaya, masaya na rin ako.

Bago ako pumunta dito sa school, I left a message sa email ni Kevin. Syempre, nagtatampo ako sa kanya. Kasi he never contacted me again. Nag alala tuloy ako, pero kung may nangyaring masama man sa kanya, his Mom would have called us by now. Pero wala eh, I guess he is just damn busy that he already forgot about me and his promise. Lintek nga naman oh.

Pagkalabas ko ng bahay, napag isipan ko na silipin for tha last time ang bahay ni Nathan. Nagbabakasali pa rin naman ako na baka pupunta siya, na baka babalik siya. Na baka balikan niya ako para ayusin kung ano mang gulo ang nabuo sa pagitan ng mga buhay namin. Pero kagaya sa ibang araw, wala si Nathan, ni anino niya hindi ko nakita. I tried stalking the three of them nina Scarlet sa mga social sites, baka kasi may malaman ako kung nasaan na siya, pero wala eh. No posts since that night.

Siguro nga they went for good. They will never come back again. Maybe hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Kaya eto, nakaupo lang ako sa upuan sa loob ng coliseum na kung saan nakasulat ang pangalan ko.

Jura Courtney Ferris (FIRST IN RANK-SUMA CUM LAUDE)

At least I still graduated on top sa class ko. Nakatingin lang ako sa mga taong nag dedecorate pa ng venue. Well, may handaan at may mga balloons and flowers all over the place. At as usual, wala pa ang mga batchmates ko. Pero hindi ko rin naman sila masisisi, there is still 1 hour bago magsimula ang program.

Tumayo ako kasi naisipan ko na gusto kong libutin ang school. Kasi, gusto kong balikan ang mga masasayang ala ala ko dito. Ang mga masasaya at makukulit na araw namin ni Nathan. Kasi, dito nagsimula ang lahat. At dito ko na rin ito tatapusin at dito ko na rin din iiwan ang mga ala alang binuo naming dalawa.

Syempre, una kong pinuntahan yung classroom namin. Eh dito ba naman kasi ang lugar kung saan kami nagtagpo ni Nathan. Kung saan ko nakita ang NATHAN BITTER na nagawa ko sanang baguhin. I opened the door and I saw Javier na nakaupo sa upuan niya just beside my seat.

He looked at me and I don't know what I am gonna do. Kasi, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kung galit ba, pagkamiss o pagpapatawad.

He smiled at me and walked straight sa direction ko. He stopped nung enough na ang space. Not too close and not too far.

I just stared at him. Shiiit, anong sasabihin ko?

"Hey Jura, Congrats." He extended his hand para makipag shake hands pero tinitigan ko lang ito. Para bang I am frozen na hindi ko magawang gumalaw. I just plainly stood there and stared at him.

Binawi niya yung kamay niyang nakalahad and just placed it sa pocket niya.

"Look, Jura alam ko na malaki ang kasalan namin. Alam ko na sobra ka naming nasaktan. Pero I swear, we never intended to hurt you. Maybe Scarlet does, pero si Nathan, he never wanted to hurt you."

And poof! Bigla nalang ulit akong nagalit. TALAGA BANG BINIBILOG NILA ANG UTAK KO? ANONG HE NEVER WANTED TO HURT ME? EH GINAWA NGA NIYA YUN DI BA PARA PAGHIGANTIHAN AKO? PARA MARAMDAMAN KO RIN ANG SAKIT NA NARAMDAMAN NIYA NUNG INIWAN KO SIYA?! TAPOS SASABIHIN NI JAVIER SA AKIN NA NATHAN NEVER WANTED TO HURT ME? SO ANO TOH, LARO LANG, HA GANUN?

"YOU KNOW WHAT JAVIER, F*CK YOU!" tumalikod ako at aalis na sana nang may bigla siyang sinabi.

"Nathan lied to you." huminto ako and just stood, my back facing him. He lied to me? Really? He lied to me again? Puro nalang ba talaga kasinungalingan lahat?

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon