FIFTEEN

958 67 22
                                    

Nathan picked us up at exactly 8am. Magkasama kaming tatlo.

Ako, Nathan at si Angel. Dinala ni Nathan yung car niya. Mabuti naman. Kasi kung yung motorcycle ang dinala niya, naku mag tataxi nalang kami ni Angel.

Ayun, ang ingay lang nang kapatid ko sa loob ng sasakyan. Nasa backseat kaming dalawa samantalang si Nathan ang nagmamaneho.

"Ate bakit kita katabi? Dun ka sa harapan oh! Tabi kayo ni Kuya!" Pagpupumilit niya.

"Oy Kuya. Bakit dito siya nakaupo? Di ba dapat magkatabi kayo?"

"Angel, umaandar na ang sasakyan. Kaya pwede ba ha? Dito nalang ako sa tabi mo." Irita kong sagot. Ang awkward ba naman kasi!

"Pwede naman akong huminto para makalipat ka bi." Napatingin ako bigla kay Nathan. Is he really serious?

"AYEEEEEEEEEE!" Nabaling ang atensyon ko kay Angel kasi pinaghahampas'hampas ako. Sa susunod, babatukan ko na talaga toh. Or ipapadala ko na toh ulit sa states!

Tumingin ako kay Nathan para siguraduhin kung okay nga ba talaga. Nang biglang nag vibrate yung phone ko.


(bzzt..bzzt..)

From: Mr. Bitter

Umarte kang ayaw moko katabi kasi ayoko rin. Special ang upuang ito!


Sabi ko nga eh. Dapat kong itatak sa kokote ko na this is all PRETEND!

"Huwag na Na--ay este bi. Comfortable na ako dito."

"Ay? Ate naman eh."

"Angel, tumigil ka na ha. Or ibabalik kita sa states!" At ayun. Tahimik lang silang dalawa ay este kaming tatlo hanggang sa dumating na kami sa simbahan.

Himala nga at etong mokong pa na toh ang nag aya na magsimba. Eh may lahing pagka demonyo kayo toh.

"Hoy lalake! Baka umapoy ka't masunog pagkapasok mo sa simbahan. May lahing demonyo ka pa naman!" Tiningnan niya ako ng masamang masama.

"Hindi lang ikaw ang pwedeng manglait eh noh!" Nakakatawa talaga ang itsura ng mukha niya pag naiisahan ko siya. Para bang bata na kinuhanan ng laruan.

"Humanda ka pag nakaganti ako!"

"Kung makakaganti ka! Bleeeh!"

"Ate, Kuya? (gusto kong kape. Joke lang.) Anong nangyayari sa inyong dalawa? Ba't kayo nagbubulungan jan?"

"Wala lang Angel." Sabay naming sagot.

Ayun, we solemnly listen sa priest sa mga pulong niya. Ang gaan nga naman talaga sa feeling.

"...Let us show each other the sign of peace..."


Nagkatinginan kami ni Nathan at bigla bigla nalang may dumampi sa labi ko.

SHIT! HINALIKAN NIYA AKO!

HINDI LANG SA CHEEKS KUNG DI SA LIPS KO!

MAY GAHD! YUNG 1ST KISS KO! KINUHA NIYA! NAANGKIN NIYA!SHET SIYA!


"AYYEEEEE ATE AND KUYA. NAGMAMADALI NAMAN KAYO EH. HINDI PORKET NASA SIMBAHAN KISS AGAD? NAKU HA."

BWESIT NA NATHAN ITO! Di ba dapat kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay? Eh bakit binato niya ako ng isang sakong bato sa ginawa niya? Hindi talaga magpapatalo 'yong kumag na ito eh!

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon