ONE

2.6K 88 26
                                    

"Omo! Nandito na siya!" - girl 1

"Omg! Ang gwapo siguro niya sa personal noh?! Kyaah! I can't wait to see him!  " - girl2

"ARAY KO NAMAN!" Naku haaaa. Ano ba ang nangyayari at nagsisitakbuhan tong mga babaeng toh? Namamangga pa. Hindi ba nila nakikita na may tao ditong naglalakad papunta sa kanyang classroom para makapag'aral? Naku naman. Inayos ko nalang ang salamin ko at nagsimulang maglakad ulit.

"Ahh excuse me, pwede po ba magtanong? Anong nangyayari?" Hindi ko na kasi mapigilan eh. Iilang babae na kasi ang nakikita kong nagtatakbuhan. Baka naman kasi may sunog o ano, tapos ako lang ang hindi nakakaalam. Baka mamatay pa ako. Paano nalang ang pag'aaral ko di ba?

"ANO KA BA? SAANG PLANETA KA BA NAKATIRA?! HINDI MO BA ALAM KUNG ANONG MERON?" Hindi ba obvious na hindi ko alam? Nagtatanong nga ako di ba? Pero dahil mabait ako, hindi ko nalang ako sasagot. Baka masangkot pa ako sa gulo.

"DUMATING NA SI NATHANIEL JOHN TOLENTINO!" Ahhhhhh. Si Nathaniel John Tolentino. Sino siya? Naku ha, isang uknown stranger lang naman pala ng dumating, bakit ang hyper lang nila? Haynaku, palibhasa kasi, puro chismis lang ang inaatupag. Kailangan ata nilang umattend ng seminar at orientation kung anong ginagawa sa school. Para kasing nakakalimutan na nila na ang lugar na ito ay isang paaralan kung saan ka nag'aaral at natututo. Parang ginawa nila itong rampahan ng mga Victoria Secret Angels sa mga suot nila eh. Dinaig pa nga nila ang The Buzz sa pakikichismis.

Pero kung sino man yung Nathaniel na yun, and sosyal lang naman niya. Dinaig pa ata niya nung bumisita dito si Mayor. Haynaku nga naman.

Well, punta nalang ako nang room. Tutal hindi ko naman siya kilala. Tsaka wala akong plano madisgrasya pag magkaroon nang stampede noh. Baka mabagok pa ulo ko at maging kagaya ako ng mga tao dito na walang pakialam sa pagiging MATINONG estudyante. Inayos ko ang mga dala kong libro, ang damit ko at ang salamin ko. Haist! Makalakad na nga lang papunta sa room.

"ARAY KO!" Aray ko naman eh! Nakakarami na sila ah. Suking'suki na ako sa banggaan. Ansakit na ng braso ko sa kakabunggo ko sa kung sinu'sinong tao dito.

"Sorry Miss." napatingin nalang ako sa lalaking nagsasalita. Pati ba naman lalaki interesado sa Nathaniel na iyon at namamangga rin? Wow ha.

"Ah miss? Miss?" bigla nalang akong nabalik sa uliran ng makaramdam na ako ng intense na pagkayugyog sa braso ko. Jusme! Napatulala ata ako. Agad ko namang inayos ang sarili ko. Naku nga naman, baka tulo laway ako kanina.

"Ha? May sinasabi ka?" nakakahiya! At isa pa, bakit ako naging bato kanina? Wala naman akong napansing ibong Adarna na pwedeng naging dahilan nun. Aish!

"Wala naman. Tinatanong ko lang kanina kung okay ka lang ba. Para kasing hindi eh, kasi bigla ka nalang natulala." omg! Nahihiya na talaga ako. Napansin pala talaga niya ang tulalang pagmumukha ko?

"Ay sorry. Kasi, kasi ano, naalala ko na may assignment pala kami tapos hindi ko pa nagawa. Salamat sa pagbundol mo ah, ng dahil dun makakagawa na ako ng assignment. Hehe." jusko naman. Anong klaseng palusot ito? At isa pa? Kailan pa ako naging sinungaling? Bakit hindi ko nalang sinabi sa kanya ang totoo na nabighani ako sa kagwapohan niya kaya ako natulala kanina?

Oo na, inaamin ko sa sarili ko na ang gwapo niya. Iba siya sa mga lalaking nakita ko dito. Yun bang fresh from the states yung aura ng kagwapohan niya. Hindi yung kagaya ng mga lalaki dito na mga GGSS lang, Gwapong Gwapo Sa Sarili. Tapos kapag tiningnan naman ang  grades, nangungulelat. Magaling sa porma. Ew!

"Ah ganun ba? Pero teka, ikaw lang ata napansin kong nandito pa ah. Lahat ata kasi ng tao,  maliban sa'yo ay nandun na sa entrance ng school para abangan ang pagdating ni Nathaniel." eh sino ba naman kasi 'yang Nathaniel na yan? Hindi ko nga siya kilala. Isa ba siyang known scientist? Or researcher? Historian? Ano? Kasi kung isa siya sa mga nabanggit ko, aba aarangkada na ako dun para magpa autograph.

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon