TWENTY-FIVE

834 65 11
                                    

"Angel naman oh. Ano na ang gagawin ko?" Kanina pa ako sa loob ng room. I locked the door at ang mga loko kong kaibigan nasa labas ng pintuan at katok ng katok at nagtatatanong kung okay lang ako.

Kung kayo nasa sitwasyon ko, magiging OKAY kaya kayo?!

Naku lang! Kung hindi ko lang talaga kapatid si Angel. At kung hindi lang talaga siya bata.

Mangiyak ngiyak na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Bi, what's wrong with you? Open the door." bahala kayo jan! Hinding hindi ako lalabas hanggang wala akong makitang matinong maisusuot!

Isip isip. Ano nga ba talaga ang gagawin ko?

Searching for answers..

Loading...

Scanning...

"Alam ko na!"


********************

NATHAN'S POV

Lagpas isang oras na kami dito sa labas ng room. Ayaw ba naman buksan ni Jura yung pintuan?!

At ang hotel staff naman. Ang arte, ayaw ibigay ang spare key?! Kasi daw privacy! Kasi daw nagsisigaw pa sa loob kaya daw walang emergency! Eh kung nagpakamatay yun sa loob?! Naku nga naman talaga.

Si Angel naman tawa lang nang tawa sa kinihahatnan ng ate niya. Magkapatid ba talaga itong dalawang ito?

"Bi, what's wrong with you? Open the door."

At no answer pa rin.

Hanggang kailan kami maghihintay dito?

"We should leave her there. Mabulok siya jan sa kwarto niya. Ang drama eh, para bang anong nangyari sa kanyang masama! Kulang lang ata yan sa pansin!" I turned to face Scarlet at sinamaan ko ng tingin. Mahal ko tong babaeng ito pero sobra naman ata.

"Hey you! What's your problem?! Kanina ka pa ah! Why are you so rude sa Ate ko? Akala ko you are friends with her? Is that how you treat a friend? Kung wala kang sasabihing maganda, huwag ka nalang magsalita." grabi talaga itong si Angel. Walang kinatatakutan.

"Oh, I like you."

"Well, ako, I don't!" like baby like ate itong dalawang toh.

I just kept quiet. At nag antay na buksan ni------.... "JURA?!"

"ATE?!"

"OMG!!!"

"NEW FASHION?"

"NAIWAN MO BA DAMIT MO?"

"Bi, why are you wearing my clothes?!" Gulat lang ang binungad niya sa amin. She is wearing my shirt and my shorts. Ang laki sa kanya tingnan. Lalong lalo na yung shorts.

"Kasi, SOMEONE PLAYED A JOKE ON ME! SOMEONE CHANGED THE CLOTHES I PREPARED!" We all looked at Angel na nagpipigil ng tawa.

"Okay, it's my fault. Pero I was just doing it for you." sagot ni Angel habang nagpipigil ng tawa.

"Do you think it's funny, Angel?! Do you think na nasasayahan ako sa ginawa mo?!" this is entertainment. Jura the Proper nagagalit rin pala?

"I'm sorry ate." nakayuko lang ang ulo ni Angel habang binabanggit ang mga salitang yun.

"Sorry?! Ano pa ang magagawa niyang sorry mo? Will that bring back what was being taken away?!"

"Bi, kalma lang. I would lend you my clothes if you want." mangiyakngiyak na si Angel. Tinaasan ba naman kasi ng boses ni Jura.

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon