TWENTY - TWO

907 69 14
                                    


"HOY NATHANIEEL! GISING!" haynakuuu. Natulog kasi si Nathan sa bahay. Dito kasi kami magkikita para sabay kaming lahat pumunta sa Tagaytay.

6:30 am daw kami magkikita. Eh etong mokong na toh. 6:15 na hindi pa rin gumigising. Ano ba ang akala niya sa sarili niya? Si The Flash?!

"HOY MISTER TOLENTINOO! GUMISING KA NA NGA SABI EH!" Inalog alog ko siya ng todo. Ang tulog mantika nitong lalaking ito!

Tumayo ako para tawagin si Angel at magpapatulong sa pag gising kay Nathan ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Napalingon ako sa kanya. He is crying. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pag iyak niya. Ang babaw naman kung dahil lang sa pag gising at pag alog alog ko sa kanya, di ba?

I faced him and I tried to let go of his grip nang nagsimula siyang magsalita.

"Scarlet bakit siya pa?" Nagising ako sa sinabi niya.

"Why is it have to be my bestfriend? Binigay ko naman lahat sayo di ba? I've loved you the way he never did. Pero bakit siya pa rin?" I held back my tears. Kasi masakit marinig mula sa kanya na mahal niya si Scalet. Naiiyak ako kasi masakit tanggapin ang totoo. Na kahit anong mangyari, hinding hindi niya ako magugustuhan.

Kasi sabi nga niya, I am a HARD TO GET NERDY GLASSES ang layo ko kung ikokompara kay Scarlet.

Pagkatapos niyang magsalita. He let go of my hand. Tumayo ako at bigla siyang nagsalita na naman.

Yung totoo, gusto niya talaga may audience pag nagdradrama siya?

"I like you Bi." napalingon ako sa pagsabi niya nun. He opened his eyes and hugged me.

Naku lang parang kanina lang puro Scarlet ang laman ng bibig niya. Eh ba't may pa I like you pa siyang nalalaman?!

Nagulat ako. I tried to break the hug pero mas hinigitan niya pa.

"Bi naman. Bakas sa pagmumukha mo ang pagkakadismaya mo sa narinig mo kanina. Ang galing ko talaga umacting eh noh?" Sinapak ko siya ng todo.

"Ewan ko sayo! Parati mo lang akong pinaglalaruan!" sinipa ko siya at tumakbo agad para hindi niya ako mahawakan ulit.

Sa pagtakbo ko sumigaw siya.

"BASTA! I LIKE YOU!" Napahinto ako and I heard him laugh.

"Naniwala ka naman?" I looked at him again at tinapunan ko siya ng tsinelas. Umilag siya habang tawang'tawa sa ginawa niya.

"Bi naman. Totoong like kita. As a friend! Assuming ka naman!" inirapan ko siya at nagdabog papalayo.

"SIYA NGA PALA MISTER TOLENTINO, MALIGO KA NA. TULO LAWAY KA PA NAMAN!"

Maya maya lang dumating na si Denice. Ito ring isang ito. Ang dami daming dala. Yung totoo, outing toh o lipat bahay? Naku nga naman.

"Oh Jura, aga aga parang wala ka na naman ata sa mood."

"Subukan mo kayang pakisamahan yung Nathaniel na yun. Tingnan natin kung gaganahan ka pang sumama sa outing. Kakainis ba naman." Grabi talaga. Puro paasa lang yung lalakeng yun. Alam ko naman na wala na akong pag-asa sa kanya, kailangan talaga ipamukha sakin yun, ha?

Alam mo yung feeling na feel na feel mo na talaga na may chance na maging kayo kasi yung mga actions niya nagpapahiwatig na may kakaunting chance pa?

TAPOS MAYA MAYA LANG, BABAWIIN YUNG CHANCE NA YUN AT PAGTATAWANAN KA NG TODONG TODO!

Naku lang, ang sarap naman talaga iuntog sa pader.

Maya maya lang dumating na si Javier. As usual ang gwapo pa rin niya tingnan. Kung hindi ko lang sana ito pinasok eh, baka naging kami na ng mokong na ito!

Nasa sala na kami lahat at ang hinihintay nalang namin ay ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo.

"Yung totoo, wala bang relo sa bahay niya?" inis kong tanong. Naku lang. Feeling important naman ata ng babaeng yun. Akala mo kung sino.

"Impatient mo naman bi." Tiningnan ko siya ng masama. Ako pa ngayon ang impatient?! Hindi ba pwedeng iniisip ko lang ang kapakanan nating lahat?

"OO IMPATIENT NGA AKO. KAYA KAYO NALANG MAGHINTAY SA KANYA. MAUUNA NA AKO." Nagdabog ako palabas ng bahay ng sinundan ako ni Javier at ng kapatid ko.

"Ate naman. We are supposed to make this outing happy. Don't be angry na. I'll tell Kuya Nathan to go check on that silly girl, okay? Just go back inside." Kung hindi ko lang mahal tong batang ito eh.

"Your sister's right. Halika na. Pasok ka na ulit sa loob." Javier offered his hand and I grabbed it.

He ushered me inside at ang mokong na si Nathaniel natutulog lang sa sofa.

Seryoso ba ito? May utang na loob at kahihiyan pa ba tong lalaking ito?!

Naku nga naman. Ang sarap talaga paslangin!

"CAN SOMEONE JUST CALL SCARLET AT TANUNGIN KUNG HANGGANG KAILAN PA NATIN SIYA HIHINTAYIN?! BAKA SA NEXT CHRISTMAS PA TAYO MATULOY!" Grabi! Nakakabwisit ito to the highest level talaga.

Nagising si Nathaniel sa pagsigaw ko and he looked at me na parang kakainin na niya ako anytime.

Tumayo siya and grabbed me at kinaladkad ako. Javier was shouting at Nathan to stop what he's doing. Pero hindi nagpatinag yung mokong. Hinila niya ako and warned Javier not to interfere.

Dinala niya ako sa room ko at sinamaan ng tingin.

"What the hell is your problem Jura? Kanina ka pa ah!"

"My problem is you at yang babaeng dahilan ng pagiging misirable ng buhay ko! Why can't you see na hindi siya ang babaeng para sayo?! Bakit mo pa kailangang ipilit ang sarili mo sa kanya, ha?! Pati ako dinadamay mo. Sana pala pinutol nalang natin tong contract kasi alam mo, mas lalong lumalim tong nararamdaman ko para sa iyo. Alam ko naman na sa huli, wala lang ito. Isa lang itong laro para sa iyo. Pampalipas oras at isang kasayahan lang. Nathan naman, if you are really planning to win her after this set up? Please, just stop this now. You start winning her now! And stop making my life miserable! Alam mo nakakainis na eh! Gustong gusto ko na tong itigil." Pinigilan ko ang luha ko sa pagtulo habang siya nakayuko lang.

"So, you are giving up on me?" Bigla akong napatingin sa kanya.

"Jura, I need sometime to sort things out. I need you. I need us. Sorry if I make it hard for you. Pero hindi lang naman ikaw ang nasasaktan, ako rin." Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. Kung magagalit ako o kung maaawa ako sa kanya.

"Are you kidding me? Ba't ka naman masasaktan! Eh ang saya saya nga ng buhay mo. Makukuha mo na nga si Scarlet after this, may libreng yaya ka pa!"

"Nasasaktan ako kasi habang patagal ng patagal. I am starting to like you. Hindi ko na alam kung ang nararamdaman ko para kay Scarlet ay totoo. I am getting confused. At kahit anong gawin kong pagpigil sa sarili ko na hindi maging malapit sayo, hindi ko magawa. Nasasaktan ako kasi alam ko na dahil sa pinaggagawa ko, nasasaktan kita."

"Jura, I think I like you."

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon