FIFTY-SIX

906 55 12
                                    

OMG! Tapos na ang kalbaryo ng buhay ko! Tapos na rin sa wakas ang lintek na exam na ito.

Well, we only spent half day para sa buong subjects. We only have more or less 80 items for each subject then 1 hour lang ang time for answering. At since I have 6 subjects, 6pm na ako natapos.

Pero yung mga minor subjects ko, itatake ko pa bukas, eh hindi naman kailangan pag aralan yung mga subjects na yun.

Kaya, ang saya ko lang. Kasi malapit na ako grumaduate. Di ba, ang saya lang?

Palabas na ako ng school ng biglang may kotseng huminto sa harap ko. Tiningnan ko ng maigi yung tao sa loob ng kotse pero grabi lang, tinted na tinted talaga.

Nanatili lang akong nakatayo nang biglang lumabas mula sa sasakyan si Scarlet.

Great! Siya lang talaga ang parating panggulo sa mga magagandang mood ko. Kaya, hindi ko siya pinansin,dali dali akong naglakad papalayo sa kotse niya.

"Jura! Huminto ka nga muna." patuloy pa rin ako sa paglalakad.

"I have something important to tell you."

Napahinto ako and I turned to face her. Ano na naman kayang kahibangan toh.

"What is it?"

"You might want to get in the car, here is not the right place." Ayun, sumakay ako sa sasakyan niya and I texted Kevin.

To: Kevs

nasa loob ako sa sasakyan ni Scarlet. kng sakaling hndi na ako makarply sayo, humingi ka ng tulong baka naman kasi may masamng plano tong babaeng toh.

I hit send and just placed my phone sa pocket ko.

"Saan tayo pupunta?"

"Can you just be quiet at maghintay ka na lang kung saan tayo dadalhin netong magandang sasakyan ko!?"

Sungit talaga. Nakakainis.

I checked my phone pero hindi naman nag reply si Kevin.

Maya maya lang, huminto kami sa isang cottage house. Saang parte ng lugar ba toh sa planeta at hindi ko man lang toh nakita noon pa.

"We are here." obvious kaya. Hihinto kaya tayo dito kung hindi?!

Bumaba kaming dalawa at dumungaw sa amin si Javier. So eto pala siguro ang plinaplano nila at nagawa pa nilang umabsent kahit may final exams.

"So what exactly are we gonna talk about here?" tanong ko nung nakaupo na kami sa mga couches sa loob ng cottage.

"We want you out of his life." Talaga lang? Out of his heart and mind na nga ako, hindi pa ba OUT OF HIS LIFE ang tawag dun?!

"Seriously?! Siguro mga abnormal kayo, I am totally out of his life simula nung kinalimutan niya ako. We are never gonna be like before. Kaya pwede, stop assuming na may kami pang mangyayari. Let's just say na, good friends nalang kami."

"You just don't get it do you?"

"Ano nga ba?"

"The more you stay close to him, mas napapadali yung pagrerecover niya. He is starting to remember things na hindi niya dapat maalala at kapag tuluyang nangyari yun, my Dad will not be happy seeing his daughter get hurt."

"Alam mo, ang babaw mo. Papayag ka na lang na makasama ang taong hindi ka mahal? Papayag ka nalang na maging bahagi ng isang pinagkasundong kasalan? Bakit ba ayaw niyo nalang pabayaan si Nathan, ha? Iniisip niyo lang ang kapakanan ninyo, pano naman siya? Papayag lang kayo na mabuhay siya sa kasinungalingan? Ganun ba yun? Magpapanggap lang kayo na okay ang lahat? Na mahal ninyo ang isa't isa? C'mon Scarlet, grow up!"

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon