TEN

1K 71 15
                                    

Nasa bahay ako. At ang kapatid kong toh. Ang kulit kulit ba naman!


"Ate! Kwentuhan mo ko kung kailan kayo nagkilala ni kuya Nathan! Sige na." Naku lang, dinadaan lang ako sa pa cute cute ng batang ito.


"Angel, si Kuya Nathan mo nalang ang tanungin mo niyan ha?" Ayoko naman magkwento.


Alangan naman sabihin ko sa kapatid ko na naging kami dahil nakita ko siya na nakikipaghalikan sa isang babae pagkatapos ay binalaan niya ako na mapapatalsik ako kapag hindi ako pumayag na maging girlfriend niya. At ngayon naging cupid niya pa ako. Wow naman di ba? Ang saya lang ng buhay pag ibig ko?


"Okay, you call him and I'll talk to kuya Nathan!"


"Bakit ba gustong gusto mo nang malaman ha?"





"Kasi gusto ko lang malaman talaga!" Haynaku napaka chismosa naman ng babaitang ito.


I texted Nathan.

To: Mr. Bitter

Hoy!


I waited for his reply.


"Oh Angel, hindi ako nireplyan ng Kuya mo. Bukas sasabihin ko sa kanya na gusto mo makipag usap."

Kahit nilubayan na ako ni Angel, hinintay ko pa rin na mag reply siya.

Pero wala ehhh.

Nakatulog nalang ako ngunit wala pa rin.


Pag gising ko, 2am pa.


I checked my phone pero wala pa ring reply.


Haynaku. May pa sabi pa na, he will try his best to always be there for me


Heh! Puro kasinungalingan lang talaga ang lalakeng yun.


Hindi ako makatulog kasi naman. Iniisip ko kung paano ko kakayanin tong pinasok ko.


I have to pretend to be two boys' girlfriend?! Naku lang naman.


Paano ko toh gagawin? Bakit pa nga ba ako pumayag? Ano ba naman Jura!


Paniguradong machichismis na naman ako nito.

Ano nalang ang gagawin ko di ba kung makarating ito sa dean?



Pero di ba sabi naman niya na he will protect me, di ba? Kaya Jura Courtney Ferris, TIWALA LANG.


Ni hindi ko nga rin alam kung bakit ko pa tinanggap na maging cupid ni Nathan. Ahhh bahala na, I gave my word kaya kailangan kong panindigan.


Ano ba! I need to concentrate sa studies ko tapos ngayon nahahati na ang attention ko.


Bakit ba ako ang binigyan ng ganitong klaseng parusa.


Hindi ko na ata kaya.


Mabuti na nga lang at wala kaming pasok ngayon kasi ginamit na venue yung school namin para sa examination ng mga courses na in demand sa ibang bansa.


At kung sino ang makapasa, libre lang ang lahat pati pamasahe at tirahan dun sa states. May trabaho pang nakareserve para sa kanila.


Sana pagdating ng panahon matanggap ako jan. Pero mukhang naging malabo ata ang pag asa ko kasi napasok ako sa gulong ito.

Kung kailan pa ako gragraduate dun pa nagkandaleche leche ang buhay ko.


I checked my twitter account kung anong bago ngayon.

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon