THREE

1.4K 81 35
                                    

Nasa bahay kami ngayon.

Yaya ko lang ang nandito. Nasa school pa kasi ang baby sister ko.

"Goodmorning iha, napaaga ata uwi mo? At sino yang koyang kasama mo?"

"Ahh, wala kaming pasok ngayon yaya, may event kasi yung school. Si Nathaniel po. Anak ng may ari ng school." Lintek na. Hindi pa naman ako nagpapapunta ng mga lalaki sa bahay namin. Tong kumag na ito kasi, ginagamit ang pagiging anak niya ng may'ari jusme!

"Boypren mo iha?" Hindi naman masyadong echosera tong yaya namin eh noh?

"HINDI PO! / OPO!" Naku naman talaga.

"Eh, nalilito ako. Mga bata talaga oh, denedeny pa."


"Hindi po talaga! / Kami po talaga!" Last na talaga, babatukan ko na toh. Wakong pake kung kaninong anak siya!

"Oh siya sige. Mag meeting muna kayong dalawa nang maging pareho yang mga sagot niyo. Ipaghahanda ko lang kayo ng makakain."

Hinila ko kaagad si Nathaniel sa sala. Makakatikim talaga toh sakin.

"HOY NATHANIEL! ANO BA!WALA BANG RESTRICTIONS TONG PAGPAPANGGAP NATIN, HA? DAPAT LAHAT ALAM ANG KAGAGUHANG TOH?"

"Jura, pwede ba. Kumalma ka? Alam kong bahay niyo toh at pwede kang sumigaw nang sumigaw. Pero kasi dapat maging totohanan tong pagpapanggap na toh. Kaya as much as possible dapat lahat nang mga kakilala natin alam na tayong dalawa na." Hahayyyyy anu ba. Hindi ata ito yung dream kong relationship. Kakainis. Pero hindi rin naman ito totoo, kaya give chance nalang. Alam kong somewhere, out there, naghihintay lang ang prince charming ko.

"Okay. So ano nang plano?" Tiningnan ko siya at tumingin din siya sa akin. Yun nga lang, evil grin.

"Oy ano na naman yang iniisip mo?" Naku lang talaga!

"Dun tayo sa kwarto mo bi." Naku lang ha! Ang landi netong lalaking toh!

"Hoy mister! Huwag mokong daanin jan sa BI mo ha! Magtino ka nga, pwede? Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na bawal pumasok ang isang lalaki sa kwarto ng babae lalong lalo na kung hindi ka ano ano?!"

"Eh boyfriend mo naman ako ah!"

"Excuse me, PRETEND boyfriend lang noh. At kahit totoo pa kitang boyfriend, hindi pa rin pwede, baka may gawin ka!"

"Hoy assuming mo rin noh?! Hindi kita type! Ang gusto SEXY EASY LADIES hindi HARD TO GET NERDY GLASSES. Too boring!" Aba ang kapal lang talaga nang sikmura netong lalaking toh. Akala mo kung sinong gwapo! Mas gwapo pa rin yung Javier ko noh!

Speaking of Javier.

"Oy Nathaniel. Kilala mo ba si Javier?"

"Javier who?"

"Si Javier Kent Torres." Naku naman ang ganda lang naman talaga ng pangalan eh.

"Yeah. Bakit?"

"Wala lang. So, ka ano ano mo siya?"

"Kaibigan." Napakatipid naman netong kausap. One liner lang!

"Ahhhh, so matagal na kayo magkakilala?"

"Oo."

"So, mabait ba siya?"

"ANO BA, BAKIT BA ANG DAMI MONG TANONG TUNGKOL SA KANYA?!" Naku. Galit agad?! Bakit, siya lang ba pwede magtanong?! Eh kahit nga inip na inip na ako kanina sa mga tanong niya sumagot pa rin ako. Naku lang talaga.

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon