FIFTY

728 48 10
                                    


Kevin's POV

Sa tinatagal tagal ko sa mundong ito. Iisang babae lang ang minahal ko ng ganito.

I even completed the, INLABABO STAGES.

Inlababo is the term na ginagamit namin ni Courtney nung nasa states kami.

At ang mga stages ng inlababo ay ginawa rin namin based sa observations na nakikita namin sa mga taong may karelasyon. Wala lang talaga kaming ibang trip dun sa states kaya kung anu ano nalang ang ginagawa namin.

At isa nito ay ang pag gawa ng stages sa mga lovers dun.

1st: Who you stage

Bago pa si Courtney dun sa states iba na ang tingin ko sa kanya. Para siyang babaeng puro salamin ang mukha. Ang laki ba naman kasi ng salamin niya. Mas malaki pa nga sa mukha niya. Naka braces pa. At ang isa pa dun, ang lampayatot lang naman niyang bata.

I was staying sa states one year longer than her. I've seen her sa Pinas kasi my Mom and her Mom were good friends. Kasi magkaklase sila when they were in elemenentary. Pero Courtney and I never had the chance to talk to each other. Kasi, tahimik lang siya parati. At books lang ang lagi niyang kaharap.

My Mom and I went to their house nung araw na lumipat sila para daw eh welcome sila.

Linapitan ko si Courtney na nagbabasa pa rin ng libro.

"Hi!" sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ako and said.

"Sino ka?"

And then I said.

"Who you too?"

Iwan ko nga kung bakit sinabi ko yun sa kanya eh kilala ko naman talaga siya.

At ayun. Na observe kasi namin na ang mga taong may gusto sa isang tao ay nagpapanggap na hindi kilala yung taong yun para hindi mahalata na may gusto.

Pero I never thought na like ko na pala siya nun. I just really wanted to make friends with her nang hindi siya mahirapan pag pasok niya ng school.



2nd: Friends?

Ayun. Since bago pa si Courtney at since nerd ang hitsura niya. Walang gustong lumapit sa kanya. Kaya tinabihan ko siya sa class, sinasabayang kumain, sinasamahang umuwi at pinagtatanggol.

Kaya isang araw, I asked her to be my friend. Dahil naaawa ako sa kanya. Pero hindi ko naman napansin na gusto ko lang talagang mapalapit sa kanya.


3rd: Best friends?

Ayun, hanggang sa naging matalik ko siyang kaibigan. Araw araw pagkatapos ng klase, tumatambay ako sa kanila.

Nagkwekwentuhan, nagtatawanan. Minsan nga ginagawa ko siyang tutor ko para lang palaging makapunta sa kanila.

We did a lot of things together. Some of my 1st time experiences was with her.

I thought what I was feeling was normal for friends. Pero hindi pala.


4th: In denial

Nung narealize ko na talaga yung nararamdaman ko, hindi ko magawang tanggapin. Kasi alam ko na kapag magtatapat ako, magiging iba ang lahat.

Kaya pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na I am not into Courtney.

I'd rather have her as a friend than completely lose here.

Pero dahil sa sobrang pagpilit ko sa sarili ko na pigilan ang nararamdaman ko, I said hurting words to her.

Sinabi ko na nahihiya akong kasama siya kasi isa siyang nerd at weirdo.

I broke our pink promise.

Kaya she left me and went back sa Philippines.


5th: Acceptance

And when I realized how stupid I am for doing that to her. I tried my very best to make contact with her. Because I was ready to take the risk.

Pero fate was so cruel to me.

Her mom never gave me her number kasi daw baka awayin ko ulit.

His dad was so protective kay Courtney, kaya takot ko lang na baka paslangin ako nun.

Her social sites were all private. Kaya hindi ko matingnan kung ano na ang nangyayari sa kanya.

She seldom posts on her twitter and insta account. Kaya wala talaga akong alam. Tumigil ako sa kakahanap sa kanya sa kung ano anong sites.

Instead, nagsimula akong mag ipon para naman pag dumating ang panahon na magkita ulit kami, I can give her all she wants.

And when I heard she was going to visit nun sa states.

Inipon ko lahat ng lakas ng loob. Kasi I don't want to lose her the second time.

And when I saw her. Nagulat ako nang nawala yung glasses niya. She became so beautiful.

I was planning to court her. Kaya lang, my mahal na pala siya.

Kaya hindi ko tinuloy. I don't want her to get herself be turned into two people.


6th: Manhid na Martyr paaaaa!

Kaya eto, tinutulungan ko nalang si Courts na bawiin yung mahal niya. Kasi, okay lang na iba mag may ari sa kanya basta't masaya lang siya.

Hindi naman kasi ako selfish na gugustuhin ko siyang maging akin. Siguro kung hindi kami, there is someone out there na para sa akin.

But for the mean time, I am not going to give up and let her go. Kasi hindi pa naman siya kasal, single nga siya eh.

Kaya hanggang hindi pa legal kay God, may pinanghahawakan pa ako.

At ayun, I completed the six stages. Kaya ito, I look like a 60 year old man na walang kasama sa buhay.

If only Courtney will give me a chance. If only hindi ako naging torpe. Kung sinabi ko nalang sa kanya noong una pa, siguro masaya kami ngayon. Baka nag iba pa ang ikot ng tadhana.

Ang daming sana. Sana sinabi ko nalang sa kanya ang totoo. Sana hindi nalang ako naging g*go noon para hindi ko siya nasakatan. Sana mas naging pursigido pa akong makuha siya ulit.

Siguro nga, everything happens for a reason. Kasi nga, sa storya ni Courtney, extra lang ako. Lumilitaw lang ako kapag may kailangan siya. Napapansin lang ako kapag may problema. Pero kahit alam ko na kung anong papel ko sa buhay niya, I wanted to make her feel kung anong papel niya sa buhay ko.

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon