THIRTY-SEVEN

838 65 19
                                    




Nasa hospital na kami. And we are waiting for Nathan's operation. Nakahiga lang siya dun na natutulog at ako, this is my last day of being with him. Kaya kahit antok na antok na ako, ayokong matulog kasi sayang yung mga oras na hindi ko siya makikita kapag ipipikit ko yung mga mata ko.

Sayang ang mga iilang segundo na hindi ko nakikita siya nang malapitan. Mga minutong hindi ko siya mahawakan. I'll miss him so much.


Nung una naming pagkikita, I thought na he is the worst person in the world. Kasi nga wala siyang pake sa buhay niya. Puro babae, lakwatsa at pagiging bitter lang ang alam niya.

At nang nagsimula na ang pagpapanggap, yung nasa isip ko, ako na ang pinakamalas na babae sa balat ng lupa. Kasi ba naman, sa lahat ng kabaitang ginawa ko, pinarusahan ako dahil naging girlfriend lang naman ako ng isang walang kwentang lalaki.

At after a few days sa pagpapanggap, I realized nga dapat nga pala talaga akong maniwala na malas ako. Kasi, he made fun of me nung dumating si Scarlet. Parati niya akong iniiwan na nasasaktan. And then I analyzed the situation.. Bakit naman ako masasaktan? Eh wala naman akong nararamdamang iba para sa kanya.

And as time goes by. Para na akong loka loka. Kasi nadadala ako sa mga sinasabi niya. Kasi hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Kasi ba naman, parati kong nahuhuli ang sarili ko na iniisip siya. Parati kong nahuhuli ang mga mata ko na tinitingnan siya. At parati kong nahuhuli ang puso ko na parang isang drum na kabog ng kabog kapag nanjan siya.

And when I found out na baka mahal ko na siya. I became hysterical. Kasi, I can't possibly fall in love with a guy like him. He is the total opposite sa kung anong gusto ko. He made my life miserable at ayoko na baka pag talagang mahuhulog na ako ng bongga bongga, masasaktan lang ako.

I kept my feelings from him. Kasi nasa contract na bawal kaming ma inlove sa isa't isa. Kaya ayun, I kept my mouth shut. And then bigla lang akong nagising na parang feeling ko, mahal niya rin ako. Kaya I never told him about the truth sa feelings ni Scarlet para sa kanya. Kasi gusto ko na magtagal kami kahit hindi forever. Kasi, alam ko na sa sarili ko na mahal ko talaga siya. At mas pipiliin ko pang masaktan para lang manatili akong nasa piling niya.

And now, mahal na nga namin ang isa't isa. Masaya na sana kaming dalawa. Kaso, nagkaroon ng malaking problema.

Kasi, may sakit lang naman siya na pwedeng ikamatay niya. At ang tanging paraan lang upang mailigtas siya, ay kung lalayo ako sa kanya, kung iiwan ko siya at kung bibitawan ko siya.



Ngayon, iniisip ko na mas hindi siguro kami masasaktan kung sinabi ko sa kanya ang katotohan about Scarlet's feelings. Siguro, everything would be so much better.

Pero, I think I made the right decision to keep it. Kasi I was given the chance to feel and to experience love. I was given a wonderful memory with a man I used to hate so much. I was given the most beautiful love story that I could tell and retell to my grand grand children, syempre kung may magkakagusto pa sa akin.

But nonetheless, I would just have to deal and end this.


All this time I was just fixing my gaze at Nathan. Kasi, mamimiss ko siya ng sobra. I am trying to familiarize at itatak sa isip at puso ko ang bawat detalye ng mukha niya. Ang kislap ng mga mata niya sa tuwing masaya siya, ang ngiti ng mga labi niya sa tuwing nakikita niya akong asar na asar sa kanya.



Kasi, ayokong malimutan siya. Kasi, malaki ang naging bahagi niya sa buhay namin ni Angel. Gusto ko na pagdating ng panahon na magkita kami ulit, I can still remember him. Nang pwede pa akong makatakbo para pagtaguan siya. Kasi alam ko na after this day. He will hate me for life.



Habang nakatingin ako sa kanya, biglang pumasok yung Mom niya. Oras na para iwan ko ang lalaking pinakamamahal ko.

"Jura, it is time to let him go." tumango ako at tumayo. I held Nathan's hand and kissed his forehead. I'll miss you bi. Take good care of yourself.



"Thank you for taking care of him." Nginitian ko lang yung Mom niya at dumiretso sa pintuan para lumabas.


"Bi?" Napahinto ako sa paglalakad. Bakit pa ba siya nagising?!

Ayokong lumingon, kasi feeling ko kapag makikita ko siya, hindi ko mapipigilan ang sarili ko, baka hindi ko magawang iwanan siya.


"Bi, saan ka pupunta?" Sa lugar na malayo dito, sa lugar na malayo sa iyo.

"Ahh.. Pu..punta lang akong CR bi." ginagawa ko na ang lahat dito para hindi maiyak. Shett. Ang hirap palang iwan ang kaiisang taong minahal mo ng sobra.

"Bumalik ka nga dito. Wala ba akong hug? Hihintayin kitang bumalik bago ako pupuntang operating room."

"Ahh. Hindi. Malalate ka sa sched mo niyan."

"Bakit ka ba nakatalikod sakin?" Kasi, I can't afford to see you na umaasang babalikan kita.

"Iho, hayaan mo na si Jura na pumuntang CR. Hindi naman yan magtatagal."

"Okay Mom. At Jura, dalian mo pwede? Alam mo naman na mamimiss agad kita." I enhaled deeply at hinawakan na ang doorknob nang naisipan kong lumingon at tumakbo sa kanya pabalik.



Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Mamimiss ko toh. Mamimiss ko siya.


"Kayanin mo ha?" Sabi ko sa kanya habang nakayakap pa rin.

"Yes bi. And promise me na when I wake up, ikaw ang unang taong makikita ko. Para my new life would be wonderful kasi ikaw ang unang taong makikita ko." Humiwalay ako sa yakap at hinalikan siya.

"I love you Nathan." Tumayo ako, wiped my tears and walked away and then I heard him shout nang sinira ko na ang pintuan.

"I love you too! Hihintayin kita Ms. Proper! Hindi ako gigising kung wala ka! Dapat kang bumalik!"


"If only I could." I muttered habang naglalakad papunta sa mundong wala nang Mr. Bitter na makulit.

Sa mundong wala nang Nathaniel John Tolentino.





***********************

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon