FORTY-SEVEN

817 56 11
                                    





"IHA, ANONG NANGYARI SAYO?" Kalalabas ko lang galing sa kwarto ko. At pagkababa ko, gulat na gulat si Yaya. Samantalang si Kevin, tawang tawa sa gilid. Naku lang. Anong problema?


"What's so funny Kevs?"

"Alam mo, bagay na sana eh. You just have to have a taste about colors."

"Ha?" nilapitan niya ako and grabbed me paakyat sa room ko.


"Akala ko ba matalino ka, eh basic drafting skills hindi mo ma apply."

"Can you just tell me what's wrong?"

"Eh kasi Courts, para kang Christmas Tree na nakakalakad. Buti nalang maganda ka." Imbis na magalit sa panlalait niya, napangiti ako sa sinabi niya.


Hindi ko alam kung pinagtritripan lang niya ako o kung nagsasabi siya ng totoo.


Seldom I hear that comment eh. Kasi nga, sabi nga nila, baduy, weird and nerd ako.


"Hoy bakit ganyan ka makatingin?"

"Wala. Just making sure lang kung binobola mo ako oh totoo ang sinabi mo."

"Na mukha kang Christmas Tree?" Pwe! Nagpipigil pa ng tawa yung mokong. Ang sarap lang hampasin.


Kaya, tinalukiran ko siya and went inside my room. Naku lang. Nakakasira ng mood.


Nang isasara ko na ang pintuan, tumakbo siya at hinarangan ako.


"I am not making fun Courts. You are beautiful." He smiled at me and from that moment on, alam ko na he is truly my bestfriend. Ang sweet lang naman kasi ng mokong. Ang swerte talaga ng magiging girlfriend netoh.


"Alam mo Kevs, ang swerte talaga ng magiging girlfriend mo. Alam ko na maraming beses ko na inuulit tong linyang toh. Pero totoo, your girl would be so lucky." At naalala ko tuloy yung plano niyang paibigin si Scarlet. Naku nga naman. Huwag sana.


"Ikaw naman ang nambola. Sige na, I have things to do." Dumiretso siya at pumasok sa kwarto ko. At sinimulang halungkatin ang mga damit na pinamili namin.


Ayun, he helped me pick and match my dresses and shoes. My jeggings, and blouses. My skirts, and my shorts to my varied tops.

Nagdududa tuloy ako kung tunay na lalaki ba tong si Kevin. Kasi he knows so much about this kind of stuff. Naku nga naman talaga.


"Ayan, your clothes are all set. After you wear all these, I'll match them again with another set of clothing."

"Thanks Kevin."

"Anything for you." Aalis n asana siya ng I thought of something wonderful.


"Kevs, bike tayo?"

"Bike? As in bicycle? Where?"

"Uh-huh! Just around the subdivision."

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon