FORTY-TWO

748 59 11
                                    


Wohoooo! It is nice to be back! Nakakamiss yung bahay, kahit sandali lang ako nawala, miss ko na agad ang house, ang simoy ng hangin at si Yaya Siling.

It's been a week na rin simula nung nagbalik ang pasukan kaya sobrang catch up ang kailangan kong gawin.

Nasa sala kami and Yaya is preparing dinner for us. Para sa akin at kay Kevin. Hindi nga talaga sumama si Angel. Susunod nalang daw siya kasi nga daw she is still enjoying the Canadian Atmosphere. Naku lang. Iniwan ba naman ako. Ayan tuloy, solo ko lang ang pag babysit sa mokong na toh.

"So dito pala nakatira ang bestfriend ko." Tawa niyang sabi.

"Ay hindi Kevs. Kaya nga wala tayo dito ngayon eh. Actually, stop over lang toh." Pambabara ko sa kanya.

"Eto naman. Kailan ka pa natuto maging mapangbara?"

"Ngayon lang. Instinct ko na kasi maging ganito pag ikaw kasama ko." Tawa ko namang sabi.

"Alam ko. Cause I am special."

"Yeah you are special. Special child! Wahahahahaha!" Tumakbo ako kasi tinapon niya ang unan. Naku lang. Baka maheadshot pa ako. Siguradong wendang ang peg ko pag nangyari yun.

"Mga anak itigil niyo na yan." Napahinto kami sa kakatakbo ni Kevin nang dumating si Yaya.

"Handa na ang pagkain dun sa mesa. Kumain muna kayong dalawa." Sabay naming nginitian si Yaya at naglakad papunta sa hapag kainan.

"Iha, hindi mo pa yata ako napapakilala jan sa bago mong boypren." Nagkatinginan kaming dalawa ni Kevin at sabay na tumawa.

"Naku manang. Hindi ho ako papatol sa lampayatot na batang toh. Hahahahaha! Magkaibigan lang ho kami."

"Tse! Lampayatot ka jan. Ang sabihin mo, sexy! And yes Yaya. We are just friends, bestfriends actually. He is Kevin James Stewart. Half Filipino half Canadian. Pero fluent po yan magsalita nang Filipino kasi puro Pilipino naman kasama niya dun sa states. And they use Filipino language there. Kaya kahit mukhang foreigner yan, Filipino at heart pa rin."

"Ah, akala ko bago mong boypren eh. Mahilig ka pala sa mga gwapong lalaki. Hehehehe." Nagulat naman ata ako. Parang ang lagkit lang nang tingin ni Yaya kay Kevin. Naku lang, may asim pa si lola. Hehehehe. Ang sama ko lang.

Ayun, after naming kumain I asked Kevin na samahan ako sa hospital. Sabi kasi ni Javier na nandun pa si Nathan sa hospital kasi hindi pa daw siya nagigising simula nung operation. Kaya, titingnan ko muna siya.

Nagtaxi lang kami kasi Dad confiscated my car kasi narealize niya na baka dahil may car na ako, puro gala nalang atupagin ko. Kaya eto, kawawa ako ngayon.

"You really love this Nathan guy, huh?" Seryosong tanong ni Kevin habang nakasakay kami sa loob ng taxi.

"Yeah. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ko nalang siya kamahal." Sagot ko without looking at him.

"So tell me, what is it like to be in a relationship?" Napatingin ako sa kanya and tumawa.

"Naku ha. Dapat ako nga magtanong sayo niyan eh. Kasi I bet you had hundreds of girlfriends na." Ngumiti lang siya at umiiling iling pa.

"I never had one."

"TALAGA?! NAGULAT NAMAN AKO!"

"Yeah. Kasi I am waiting for someone. I am waiting for the perfect girl I guess."

"Eh yung dinate mo nung grad ball?"

"As what I've said 6 years ago. She was not my girlfriend. Maganda lang yun pero panget nang ugali."

"Naku Kevs! Huwag kang mag alala darating rin yung perfect girl na hinihintay mo."

"I've waited for so long, sana nga I took the risk nalang nung wala ka."

"Sira ka ba? Bakit naman kasi nagpaka single ka."

"Cause I fulfilled our pinky promise. And that is to never get involved in a relationship without each other's consent." Yumuko ako. Shet na guilty ata ako.

"Sorry Kevs."

"Hahahaha. It's okay Courts." Tahimik lang kami hanggang sa narating namin ang hospital. Nahiya tuloy ako kay Kevin. Nagalit pa ako sa kanya dahil sa hindi niya pagtupad nang pinky promise namin nun eh ako rin pala.

It's 9:36 pm na sa watch ko. At umakyat kami sa 9th floor at dumiretso sa room 419 kung saan nandun si Nathan.

Nakahiga siya at nakapikit ang mata. May mga ikinabit pa rin sa katawan niya. Mangiyak ngiyak na ako sa nakikita ko ngayon. Kasi bumabalik yung panahon na itinakwil ko siya. Naaalala ko kung paano siya nagmakaawa para lang hindi ko siya iwanan.

"Courtney naman. You are gonna cry over him again?"

"You just don't understand."

"Eh kasi you cried because you miss him. And now, umiiyak ka na naman kahit na nakita mo na siya. Nalilito lang kasi ako. I am gonna tell you this short story para maintindihan mo kung bakit ako ganito." Tiningnan ko siya at tumango na nagpapahiwatig na ipagpatuloy niya ang kwento.

"A man cracked a joke in front of the crowd. The crowd laughed so hard that tears escaped their eyes. Then, the man cracked the same joke he said earlier, there was laughter still but not as loud as the first. After that he cracked the same joke and the crowd started to whisper at each other. Then the man said to them 'Why did you stop laughing over the same old joke, yet you keep on crying over damn things again and again?' The crowd went silent and the man jusy walked away."

Tiningnan ko ulit si Nathan. Kevin has a point pero hindi tama eh.

"Kevs, if it is not right to cry over the same damn thing again and again, then why do you pray over the same God again and again? Why do you wake up and breathe the same damn air again and again? Why do you love the same people again and again?"

This time tiningnan ko si Kevin and he is looking straight at Nathan.

"You got me on that one. Matalino ka nga." Tiningnan niya ako at nginitian. Ngumiti lang ako pabalik and we both look at Nathan. Kawawa naman yung Bi ko. Walang nagbabantay. Paano pag may mangyari sa kanya dito?

We stared at him for almost 2 minutes nang bigla siyang nagising.

"Courts he is awake. Puntahan natin?" I looked at Kevin and nodded. Dali dali kaming pumasok sa room niya.

At least I kept my promise. I will be the 1st person he'll see.

"Bi?" Mahina kong sabi pagkapasok ko.

Naglakad ako papalapit sa kanya and he looked at me blankly.

"Nathan?"

"Sino ka?"

***************

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon