SEVEN

1.1K 77 26
                                    

Ako lang mag isa ang pupunta sa school ngayon.

Kasi galit ako sa mokong na yun!Urghhhhhh! Ang hangin lang din naman talaga!

Kahit ipagsama ang lahat nang malalakas na bagyo, walang makakatalo sa kanya.

Pumasok ako nang maaga. Kasi wala lang rin naman akong magagawa sa amin. Pumasok na kasi si Angel, syempre, maaga pasok niya eh.

Pagkarating ko nang school, dumeretso agad ako sa library. I'll just spend my time here. Para naman magkaroon ako ng peace of mind di ba?

Pumasok ako sa library at lahat nang mga babae sa loob ay tiningnan ako. Tinitingan ako ng masama.

Hindi ko alam kung bakit ganun sila makatingin. Pagkaupo, I checked myself sa front cam nang phone ko.

Wala namang bago sa akin ah. I am the same old Jura. Wala rin namang dumi sa mukha ko.

Di bale na nga lang. Wala rin naman akong pakialam kung anong pananaw nila sa akin.

It won't define me after all.

Naghanap nalang ako nang book sa shelves nang may narinig akong pag uusap sa kabilang side ng shelf.

"Talaga bang fiance siya ni Nathaniel?" - girl 1

"Ofcourse not, I don't believe any single thing about that rumor." -girl 2

"Eh bakit naman? Si Nathaniel pa nga daw ang mismong nagdeclare sa harap nang classmates nila." -girl 1

"Alam ko lang na hindi yan totoo. I've known John since bata pa kami. Him, Kent and I grew up together. I know his type and that nerd, weirdo girl is last on his list." - girl 2

Naku ha, grabi lang ang panlalait. Magkaibigan nga talaga sila nung Nathaniel na yun!

Ang bilis naman ata kumalat ng balita. Siguro nakarating na sa lahat ng sulok dito sa campus ang tungkol sa nangyari kahapon, kaya naman pala ang sasama ng tingin ng mga babae sa akin. Wow lang. Ano na ang nangyayari sa tahimik kong buhay?!

Thoery ko rin na baka kasama nilang lumipat dito sa school ang babaeng mapanlait na yun. So bff pala silang tatlo. Kahit saan magkasama.

Lalapitan ko sana ang babaeng mapanlait na yun at kakausapin para biglang liwanag ang mga pinagsasabi niya nang biglang nag ring yung phone ko.

SHEEEEET LANG HINDI KO PA NAMAN NA SILENT YUNG PHONE KO!

AT TAKE NOTE, NASA LOOB AKO NG LIBRARY! SA LIBRARY! SA LIBRARY NA SOBRANG TAHIMIK NG LUGAR!

Pinagtitinginan na ako nang mga tao sa loob.

Gahd! Mag earthquake sana at lamunin na ako ng lupa!

Nagmamadali akong lumabas at tiningnan ko kung sino yung tumatawag sa akin.

Missed Call: Mr. Bitter

Ano na naman kaya ang kailangan netohh!

I called back. Nang may babaeng sumagot sa kabilang linya.

You do not have enough load to complete this transaction.....

blah blah blah

Pag sinuswerte ka nga naman.

Dali dali akong pumunta sa canteen para magpaload nang nakasalubong ko si Javier.

Naku lang. Ang swerte ko naman talaga ngayong araw na ito. Sana talaga nilamon na ako ng lupa kanina eh!

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon