TWENTY-THREE

861 63 13
                                    


"Jura, I think I like you."

Nakatulala lang ako sa pagsabi niya yun.

Totoo ba ito?

"Totoo ba yan?" I asked him.

"Of course.." Tumingin ako sa kanya at.


"Of course NOT! Naniwala ka naman!" KUNG HINDI LANG KASI KASALANAN PUMATAY!!!! Tumalikod ako sa kanya at bababa na sana nang bigla na naman niya akong hawakan. Nakakainis na eh, hindi ba niya nakikita na nasasaktan ako?!


"Hey Jura, huwag ka na ngang magalit."

"Alam mo Nathan, talo na naman ako eh. I broke the rule. I fell in love with you, di ba? Bakit hindi nalang natin itigil toh?! Kung akala mo joke lang yung confession ko sayo, pwes nagkakamali ka. Mahal kita at kahit anong gawin ko upang pigilan tong nararamdaman ko, hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit sa dinami daming lalaki dito sa mundo, ikaw pa. Ikaw pa na kahit kailan man, hinding hindi ako mamahalin." Pinunasan ko ang luha ko at lumabas sa room ko. Scarlet is already in the living room. A pissed look on her face ang nakita ko pagkababa ko.

"If you and your boyfriend, would like to make out, sana hinintay niyo na lang na makarating tayo sa Tagaytay. May mga taong naghihintay dito oh!"

Seryoso siya?!

Siya pa tong may ganang magalit?!

Ang sarap naman talagang pag umpugin ang ulo ng mga tao dito!

Hindi ko siya pinansin. Dumeretso ako sa labas at sumakay sa sasakyan.

"HEY JURA!" Lumingon ako kay Scarlet.

"What's your problem?" Again hindi ko siya pinansin. Kakapagod rin eh.

"May hinihintay pa ba tayo?" Nagsitakbuhan silang lahat papunta sa kanikanilang sasakyan.

Nathaniel's driving. Kasama ko si Angel sa car. We brought 2 cars. Yung isa, si Javier ang driver. Tapos nakasakay doon sina Denice at Scarlet.

Tahimik lang kami sa kotse nang itong kapatid ko. Hindi maisara ang bibig.

"May nangyari bang hindi ko alam?" Ito na naman tayo sa opisina ng lawyer kong kapatid.

"Angel, there are just some things that are better kept than said."

"Ate Jura naman. I am your sister. I deserve and I need to know what's going on."

"I'll tell you when the right time comes, okay?"

She looked at Nathan this time.

"Why does Ate Jura lang ang parating sumasagot sa mga questions ko? Is there something you wanna say, Kuya?"

"I don't wanna talk about things right now. Pagdating nalang natin sa Tagaytay, okay?"

At again, tahimik lang kami. Why is it have to be like this? Okay na sana kami, pero dahil na naman kay Scarlet nasira kami.

I guess dapat ko na talagang sabihin kay Nathan ang totoo.

Ang totoo na Scarlet feels the same way. Na there's no need for us to pretend anymore kasi magiging masaya na silang dalawa. Na itong plano niyang pagselosin pa si Scarlet ay hindi na uubra kasi naman gusto na talaga siya ni Scarlet simula pa noon. And he does not need to be with me para ma realize niya ang totoong nararamdaman niya para sa babaeng yun, kasi kitang kita naman talaga na mahal niya si Scarlet. Kasi kahit ano mang kasalanan ang gawin ni Scarlet, pinapatawad siya ni Nathan. Kahit nga muntik na niya akong ipagahasa, Nathan still likes her. Kaya ano pang kailangan iparealize jan?!

Maya maya lang, nakatulog na si Angel. Ang layo naman pala talaga ng travel.

I was just listening to the radio na pinatugtog ni Nathan. Ang boring naman kasi.

I checked my phone and I received a text from him.

From: Mr. Bitter

      bi, peace na tayo.

Hanggang ngayon ba naman? Yung totoo. Manhid ba talaga siya? Hindi ba niya nararamdaman na nasasaktan yung isang tao? O talagang makapal lang ang apog neto at nakukuha pa niyang magtext!

"Yung totoo Nathan. Manhid ka ba o talagang makapal lang yang mukha mo?"

"Jura, I am sorry. This time, totoo na tong sorry kong toh. I'm sorry kung I take you for granted. Sorry kung I am too blind not to see na you are hurting dahil sakin. I'm sorry if I let you think na pinapaasa kita. I just can't put into words yung mga bagay na gusto kong sabihin sayo. Oo, minsan I also wonder na anong mangyayari kung magiging tayo talaga. Minsan, iniisip ko kung mahal ko nga ba talaga si Scarlet. Kasi minsan pumapasok sa isip ko na baka pwede tayo. I always convince myself na gusto kita as a friend. Kasi yun lang yung alam kong tama. Kasi hindi ko alam kung gusto nga ba kita as someone na kagaya ni Scarlet. It's hard for me to decide kasi ngayon ko lang na realize na unti unting nawawala yung iritang feeling ko kapag nanjan ka. I am starting to feel comfortable. Even much comfortable than when I'm with Scarlet. At hanggang ngayon hindi ko alam kung I just like you as a friend or I like you more than that. Kasi hindi ko magawang tanggapin na I am letting go of Scarlet, kasi she's been my everything. Kaya, I get confused a lot of times. Pero trust me Jura, I think I like you."

Wala akong ibang magawa kung hindi ang makaramdam ng magaan na feeling.

Pero.

"How can you say na you like me. Eh hindi mo pa nga alam kung anong totoong nararamdaman mo para sa babaeng yun."

"Let's not think about her first. I want you to just focus sa ating dalawa. Let's forget about the contract and the operation kahit ngayon lang."

I smiled at alam kung gets na niya yun.

So I guess na dedelay muna yung planong pagsabi ko ng totoo sa kanya. Malay mo mahalin na niya ako, so no need na niyang malaman yun. Di ba?

For once naman, gusto kong may gawin ako para sa sarili ko.

Kahit ngayon lang, hayaan ninyo akong saktan ang iba para naman sa kaligayahan ko.

***********************

NATHANIEL'S POV

Hindi ko ba alam pero habang patagal na patagal toh hindi ko na mapaliwanang ang nararamdaman ko.

Kasi noon, isa lang naman talaga ang goal ko, to be free from my mom at sa demands niya.

Tapos when Scarlet arrived, nadagdagan yung goal ko, aside from being free from my mom, I wanted Scarlet to be mine.

Pero ngayon, I feel a different kind of feeling with Jura. Kasi I started to care, to feel, to say sorry, to admit my mistakes. And I feel genuine happiness kapag kasama ko siya.

Hindi ko maipaliwanag kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga nararamdaman ko.

Ni hindi ko nga narealize na I am doing everything para lang hindi maputol yung pagpapanggap namin. Minsan parang feeling ko totoo na, pero impossible naman kasi may nararamdaman pa rin naman ako kay Scarlet,right?


Kung anu ano na nga lang ang mga pinag iisip kong deal at ipapagawa sa kanya para lang tumagal kami. Pero hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang tunay na agenda ko, kasi nga, nalilito ako.


Pero sa bakasyong ito, I am going to fix this.


Dapat kong siguraduhin ito. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari. Ang gulo na ng mga mundo namin.


**********************

Mr Bitter meets Ms ProperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon