Everything went so fine for Ethan and for Sophie. Ethan and Hope are getting along so well. Tuluyan ng nakabalik ng Pilipinas si Hope pero hindi pa niya nakita ito dahil hindi daw ito mahilig bumisita sa opisina ni Ethan. Ang sabi pa nga sa kanya ni Ethan ay tila mas sweet si Hope ngayon kesa dati. Mukhang magiging masaya na ulit si Ethan pagkatapos ng mga nangyari. Pero sa tuwing tititigan niya ang mga mata nito ay hindi niya nakikita ang kasiyahang iyon. Pero baka naman imagination lang din niya iyon. Basta ang importante masaya ito at masaya siya para rito.
Pero masaya nga ba ako? Siya mismo ay nagulat sa sarili niya. What was wrong with her again? Minsan ay may mga pagkakataon na pakiramdam niya ay hindi siya totoong masaya. Hindi siya masaya para kay Ethan kahit na alam niyang masayang-masaya na ito. O hindi siya masaya sa piling ni Owen. She just can't understand herself. And she doesn't know the reason why. For all of her life, she's always sure of everything until she met Ethan. Pakiramdam niya ay nagiging makasarili na siya. Dapat ay masaya siya para kay Ethan pero hindi niya magawang maramdaman iyon sa kadahilanang hindi niya alam. Kung tutuusin ay ang misyon niya ay ang mabawi ni Ethan si Hope. Now that Ethan already won Hope back. She's still not happy for him. Pero lagi niyang sinasabi rito na masaya siya para dito. Kay Owen naman, ngayon na nagtapat na ito at sila na ay hindi pa rin siya kuntento. Hindi rin niya alam kung bakit. She always feels that there is still something missing and she doesn't know what is that missing part is.
Nag-out siya ng maaga para sorpresahin si Owen dahil ngayon ang kaarawan nito. Bumili siya ng cake para dito at dadalhin niya iyon sa paboritong restaurant nito. Ang sabi kasi nito sa kanya ay hindi ito makakapag-celebrate kasama siya dahil may ka-meeting daw itong importanteng kliyente kaya naman maghihintay siya sa restaurant hanggang sa matapos ang mga ito.
Pagdating palang niya sa restaurant ay naghanap na agad siya ng mauupuan na hindi pansinin. Nakita na rin niya na papasok si Owen kasama ang isang magandang babae. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit nakaakbay ito sa babae. Teka, may mag-business partner na bang magkayakap ngayon? Hindi lang iyon pati ang titigan ng mga ito ay napakalagkit. At ang babaeng kaakbayan nito ay pamilyar sa kanya. Hindi naman niya maisip kung paano o saan niya ito nakita. But that's not the point; the point is Owen is cheating on her. At malinaw na malinaw iyon sa sikat pa ng araw.
No one in this world could do this to her. Wala itong karapatang gaguhin at paasahin siya. At hindi tama ang ginagawa nito. Akala pa naman niya ay ito na ang lalaking nakatadhana para sa kanya. Hindi pa pala at ang tanga niya para paniwalaan iyon. Tumayo siya at lalapitan niya ang mga ito para sitahin si Owen. Kailangang maturuan niya ito ng leksyon. #9. A bastard beast is out of the list. Nagagalit siya sa mga lalaking manloloko.
Nakatalikod ang mga ito sa kanya kaya hindi siya napapansin ng mga ito. Nakatayo ang mga ito at mukhang may hinihintay lang.
"I will break up on her."
Huminto siya ng marinig iyon mula kay Owen. Siya ba ang tinutukoy nito?
"You should, honey." Anang babae dito. "I'm already here. I won't leave you again." Siniko ito ng babae. "Nawala lang ako ng ilang buwan pinagpalit mo na agad ako." She was teasing him.
"Hindi kita pagpapalit kahit na kanino. Napansin ko kasi na type na type niya ako kaya naman sigurado ako na sasagutin niya ako. At hindi nga ako nagkamali. She even told me that she has this checklist of her The One and I was overqualified. It's ridiculous. Can you believe it?"
Sabay pa siyang pinagtawanan ng mga ito. Lalo namang umusok ang mga butas ng ilong niya dahil sa sinabi nito. Napakalayo nito kay Ethan. Hindi si Ethan ang beast kundi ang kulugong ito. Akala pa naman niya ay hindi siya pagtatawanan nito kapag sinabi niya ang tungkol sa checklist niya. Iyon pala ay pinagtatawanan siya nito sa kaloob-looban nito. Napakaplastic niya.
"Minahal mo ba siya?"
"Of course not. Ikaw ang totoong mahal ko at past time ko lang siya. She's just an answer to my boredom when you were away. Pero dahil nandito ka na ay hindi ko na siya kailangan."
Nanggalaiti siya lalo ng marinig ang mga sinabi nito. Paniwalang-paniwala pa man din siya nito na totoong mahal siya nito. At siya namang tanga ay naniwala rito. She was just so brainless to believe this brute. At bakit naisip niya na ito ang lalaking nakatadhana sa kanya? Bakit hindi niya naisip na manloloko ito? How stupid she was. Pero hindi na ngayon dahil sisiguraduhin niyang magsisisi ito sa panloloko na ginawa nito sa kanya.
"Excuse me." Kinilabit niya ito. Nang paharap na ito sa kanya ay agad niyang sinabuyan ng cake ang mukha nito. At umarte siya na hindi niya sinasadya iyon. "Oh, sorry." OA na sambit niya. Hindi pwedeng ipakita niya rito na naagrabyado siya nito. "Sinasadya ko."
"Sophie?" tila nakakita ito ng multo pagkakita nito sa kanya.
"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo? Do I look like a ghost?"
"Did you hear everything?" kinakabahang tanong nito.
"Oo." Matigas na sambit niya. "At hindi ako aalis ng restaurant na ito hangga't hindi ako nakakaganti sa iyo."
Pumagitna naman ang babaeng kasama nito sa kanila ni Owen. "Why don't you just accept the fact that he doesn't love you?"
Ngiting-aso ang ginanti niya rito. "Why don't you just get out of there? Dahil baka sa iyo ko ipakain ang cake na ito." may natira pa kasi na cake sa lalagyan niyon.
Pagkakita nito sa cake ay umalis agad ito sa harap niya. "Ngayon ay tayo naman ang mag-uusap." matatalim ang mga tingin niya kay Owen.
"Huwag kang mag-eskandalo dito, Sophie." at ito pa ang may ganang magalit samantalang hindi niya mararamdaman iyon kung hindi din dahil dito.
"Are you kidding? Kung si Ethan nga na walang kasalanan sa akin ay nagawa kong ipahiya sa maraming tao. Ikaw pa kaya na maraming kasalanan sa akin." dinuro niya ito. "Ito ang tatandaan mo, wala sinuman ang pwedeng paglaruan ako. Naniwala ako sa iyo na totoong mahal mo ako pero pulos kasinungalingan lang pala ang lahat ng iyon. Pero huwag kang mag-alala dahil siguradong makaka-move on ako agad kasi walang kwentang lalaki naman ang minahal ko." nagmumukha siyang walang pinag-aralan dahil sa ginagawa niya pero ano pa nga ba ang magagawa niya? She has to let her anger and hatred burst and this is the onle way to do it.
Iniba niya ang reaksyon ng kanyang mukha. "Sayang naman ang cake na dala ko. Surprise ko pa mandin ito sa iyo. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman masasayang ito dahil may ibang kakain. In the meantime, ito ang para sa iyo." sinuntok niya ito ng pagkalakas-lakas kaya naman napaupo ito sa sahig. Lahat ng hinanakit at sakit ng kanyang loob ay ibinigay niya sa suntok na iyon para mabawasan ang sakit ng kanyang loob. "Iyan ay para pasalamatan ka. Thank you for making me realized that you are the one who is nothing but a jerk." Ramdam niya ang mga tingin ng mga tao sa kanya. Pero wala siyang pakialam kung anuman ang sabihin ng mga ito sa kanya. Hindi siya magpapaapekto sa mga ito dahil kailangan niyang turuan ng leksyon ang lalaking ito. Wala itong karapatang paglaruan siya.
Hinarap naman niya ang babaeng kasama nito. May kasalanan din ito sa kanya dahil alam na nitong may kasintahan ng iba si Owen ay pinatulan pa rin nito ito. Sana hinintay na lang nito na mag-break sila. At pinagtawanan siya nito dahil sa checklist niya at insulto iyon para sa kanya. "At salamat sa pagkakalat mo ng tungkol sa checklist ko sa babaeng ito." isinaboy niya rito ang cake na natira sa kanya. "O, di ba, hindi nasayang."
Nanggagalaiti naman ito sa galit dahil sa ginawa niya pero nakalayo na siya rito. Siguro naman ay magtatanda na ang Owen na iyon at maiisip nito na hindi tama ang ginawa nito.
"Buti nga sa kanila." anang isang babae na nasa loob din ng restaurant.
"Kung ako iyon ay hindi lang iyon ang gagawin ko." sagot naman ng mga nasa kabilang mesa.
"Tama lang ang ginawa niya dahil hindi tama na basta na lang tayong magpaloko sa mga ganyang klaseng lalaki."
She smiled when she heard what the people said. Kahit papaano naman pala ay may kakampi pa rin siya.
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
