Part 21

3 0 0
                                    

Paglabas niya ng restaurant ay agad niyang tinawagan si Payton para kahit papaano ay may makaramay siya ngayon. Pero nakailang missed call na siya rito ay hindi pa rin nito sinasagot iyon. Sinunod naman niyang tinawagan si Hannah pero ganoon din ito. Ano kayang nangyayari sa dalawang iyon?

Bagaman nakaganti siya sa mga ito ay hindi pa rin siya masaya. Siguro nga ay hindi ganoon kalalim ang naramdaman niya para kay Owen pero kahit papaano ay nagkaroon siya ng feelings dito kaya masakit pa rin ang ginawa nito sa kanya. Siguro nga ay hindi totoo ang destiny, soul mate, The One o happy ending sa totoong buhay. Tama si Owen, ridiculous nga siya. Masakit din na malaman na umasa ka na na nakilala mo na ang lalaking para sa iyo pero hindi pa rin pala.

Hindi niya namamalayan na nakalayo na siya ng restaurant.

Naglakad-lakad siya bagaman hindi niya alam kung saan siya pupunta. Bahala na si Batman kung saan man siya dalhin ng mga paa niya. Ayaw pa niyang umuwi. Kailangan ay bago matapos ang araw na ito ay wala na siyang dinadalang mabigat sa dibdib niya. Tumingin siya sa langit. "Lord, where is the one?"

Wala na bang lalaki diyan sa tabi-tabi na pwedeng magmahal sa kanya ng totoo? Nagkaroon nga siya ng mga manliligaw pero wala ni isa sa mga iyon ang totoong nagmahal sa kanya. Pagkatapos niyang i-bastedin ay susuko na agad ang mga ito. Wala ni isa sa mga ito ang gumawa ng effort para suyuin at mapa-oo siya. Siguro nga ay walang lalaking nakatadhana sa akin. Kung lahat ng tao ay may destiny ay wala sanang matandang dalaga at binata sa mundo. At siguro, magiging isa ako sa kanila.

"Ma'am Sophie?"

Nagulat siya ng tawagin siya ni Manong Guard. "Manong Guard?" hindi niya akalaing nakarating siya ng Divero Investment Company. Paano nangyari iyon?

"Ma'am, ano pong ginagawa ninyo rito?"

She inhaled. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Dito na muna siguro siya hanggang sa maisipan na niyang umuwi. Isa pa, wala pa siyang lakas para umuwi. Pasalamat siya na dito siya nakarating. Kung sa ibang lugar siya nakapunta, mas delikado. "Manong Guard, dito na muna po ako."

"Sige po, ma'am."

Umakyat siya ng 2nd floor dahil nandoon ang opisina nila ni Ethan. Pag-upo niya ay saka niya inilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya. Kanina pa niya iyon pinipigilan. No one should see her crying. Ayaw niyang isipin ng iba na mahina siya. Kailangan niyang mailabas lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon dahil hindi na siya pwedeng umiyak bukas lalo na kung si Owen ang iiyakan niya. He doesn't worth it. Okey lang naman sigurong umiyak siya ng umiyak doon dahil wala naman siyang naiistorbo.

Ginawa niyang unan ang mga kamay niya at yumuko. Parang napapagod na siya sa paghahanap ng lalaking hindi naman darating.

"Sophie, what happen to you?"

She saw Ethan coming closer to her. She saw the concern in his eyes. Tumayo siya at lumapit dito. She hugged him and he hugged her back. All she wanted now is a shoulder to lean on and it was Ethan's. "Ethan, niloko niya ako." Aniya habang humihikbi. Para siyang batang nagsusumbong dito.

"Owen cheated on you? I knew it." galit na sambit nito. "He doesn't have any right to hurt you."

Kumawala siya sa pagkakayakap dito. She looked him in the eyes. "Ethan." Gumaan ang pakiramdam niya dahil sa mga sinabi nito. She saw an enraged in his eyes. Nagagalit ito sa pinsan nito dahil sa ginawa nito sa kanya.

Muntik na siyang matumba ngunit nasalo naman siya agad nito. Iniupo siya nito sa kanyang upuan. "You're not okay." Lumuhod ito sa harap niya.

"I thought he was The One. I thought he really love me. I thought he will be the man that I'll be with for the rest of my life. Akala ko siya na iyong itinakda ng diyos para sa akin. Iyon bang lalaking matagal ko ng hinihintay." Humikbi siya. "Okey lang sana kung kahit papaano ay minahal niya ako pero hindi. Pampalipas oras lang niya ako at ako namang si tanga ay naniwala sa kanya. May iba siyang mahal."

Pinahid nito ang mga luha niya. "Don't waste your tears on him. He doesn't deserve it."

Ngumiti siya. "Alam mo ba kung anong ginawa ko sa kanya? Isinaboy ko iyong cake sa mukha niya at dun sa girlfriend niya. Tapos.." iniumang niya ang kamay niya. "sinuntok ko siya ng pagkalakas-lakas. Pero hindi pa rin ako masaya na nakaganti ako. May masakit pa rin." malungkot na sambit niya.

"You are a very strong woman, Sophie."

"Syempre naman. Nasaktan na nga ako papa-agrabyado pa ba ako?" aniya. Ngumiti ito sa sinabi niya. "Bakit kaya ganoon? Iyong ibang babae ang daming nagmamahal sa kanila samantalang ako isa lang ang hinihiling ko pero hindi pa iyon maibigay sa akin." Tinitigan niya ito at ang mga kamay niya ay awtomatikong hinaplos ang pisngi nito. "Bakit kaya hindi na lang ikaw iyon Ethan?" Dahil sa sobrang pagiging frustrated niya ay hindi na niya naiisip ang mga sinasabi niya.

Hinawakan nito ang kamay niya na nasa pisngi nito. "Sophie." sambit nito sa pangalan niya.

Binawi niya ang kamay niya na hawak nito. "Oo na. Alam ko naman na hindi ikaw iyon. Pero sana katulad mo siya."

"I'm sure he will come into your life."

"Sinabi mo iyan, ah!" bakit ba kapag si Ethan na ang nagsabi ay maniniwala siya agad? Hindi pa rin niya inaalis ang mga tingin niya rito, "Kung darating siya. Ano kayang itsura niya? Gwapo din kaya siya katulad mo? Paano kaya siya tumawa? Brown din kaya ang mga mata niya kagaya ng sa iyo? Alam kaya niya na matagal ko na siyang hinihintay?" Ineksamin niya ang mukha nito. Bakit kaya hindi siya nagsasawa sa pagtitig dito? Pati ang mga mata nito ay memoryang-memorya na niya.

"Sophie." tawag nito sa kanya. Walang pasa-pasakalyeng sinakop nito ang mga labi niya. She closed her eyes to feel his kisses. She can feel no pressure at all. It was a chill coming from Ethan's kisses but he was giving her heat to an inadequate degree. She never felt that this feeling was possible.

Now she knows the reason why many people close their eyes when kissing, praying, crying, and dreaming because those beautiful things in life aren't seen by the eyes and only felt by the heart.

Napamulagat siya. By the heart? "No, hindi pwede." Sambit niya.

"What's wrong?"hinawi nito ang buhok na naligaw sa mukha niya. "Oh!" tila nagulat ito ng maunawaan nito ang nangyari at ginawa nito. "Are you mad?" nag-aalalang tanong nito sa kanya at ang halik ang tinutukoy nito.

Her eyes were staring straight at him. She wasn't feeling mad about the kiss. The feeling that she felt was rare and she never felt it to Owen. Ang sayang naramdaman niya pagkatapos siyang halikan ni Ethan ay walang katumbas. Ang daming salita siyang naiisip pero wala ni isa sa mga iyon ang makakapaglarawan sa sayang iyon.

All she can see in Ethan's eyes were desire. She felt her heart beating so fast. How could Ethan be so expressive even if she is not the woman he loves? She gulped. Hindi pwedeng isipin niya na may nararamdaman ito sa kanya dahil siya lang din ang masasaktan.

"Hey,"

"No. Hindi ako galit." Segunda niya.

"Really?" anito na tila hindi naniniwala sa kanya. "If you think I took an advantage of you, I'm sorry but I'm not sorry for the kiss."

Hindi man tamang lagyan iyon ng kulay ay hindi niya maiwasan. She felt her heart dancing with so much happiness. All she could do is to absorb it until she convinced herself that his words are true and he was not just kidding. The fact that Ethan loved the kiss was giving her so much joy.

It was her first kiss and it was from Ethan. Bakit si Ethan? She can't help but ask this. Future Boyfriend Checklist #6. Her first kiss will be from The One. "But you're not the one." Hindi niya napigilang bigkasin. Sigurado siya na hindi ito ang The One dahil mayroon ng nagmamay-ari sa puso nito.

"Huh?" salubong ang mga kilay na tanong nito sa kanya.

"Nevermind." nanlulumong sambit niya. Mukhang kailangan na niyang kalimutan ang tungkol sa checklist niya dahil nasira na iyon ni Ethan. Ngingiti-ngiti ito habang nakatingin sa kanya. "Why?"

Umiling ito. "Nothing. C'mon." nagulat siya ng bigla siyang hilain nito.

"Saan mo ako dadalhin?"

"I'll let you find out, don't worry."

I'm Not The Only OneWhere stories live. Discover now