Pinaghandaan talaga ni Sophie ang gabing ito dahil mayroon siyang date kasama si Owen. Dinala siya nito sa isang mamahaling restaurant. Excited siya sa kung anong pwede niyang matuklasan tungkol dito. At kung pormal na itong manliligaw sa kanya.
"Nakapili ka na, Sophie?"
Agaw ni Owen sa atensyon niya. Kanina pa niya hawak ang menu pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakapili. Hindi rin naman kasi niya alam kung anong masarap na pagkain doon dahil ngayon lang siya nakapunta roon. Napakamahal pa man din. "Ikaw na lang kaya ang pumili? Madalas ka dito kaya alam mo kung anong masarap."
"How about steak frites? It's one of my favorite, anyway." tanong nito.
Future Boyfriend Checklist #6 A man has her same food taste. Nagulat siya sa sinabi nito. That was her favorite food at ganoon din ito. There's really no doubt that this man in front of her was The One. "Yeah, sure. It's great." Nakangiting sambit niya. Sinenyasan nito ang waiter at sinabi na ganoon ang order nila. Mataman lang siyang nakatitig dito dahil hindi nga siya makapaniwala sa mga nangyayari. This is a sign.
"Why?" nakangiting tanong nito ng mapansin siya.
"Hindi ko alam basta gusto lang kitang titigan."
"Don't say that, I might think that you're head over heels like me."
Natawa siya sa sinabi nito pero maya-maya ay sumeryoso siya. Gusto niyang makilala ang lalaking nasa harap niya. "Who are you, Owen?"
Nagkibit ito ng balikat. "I don't know exactly who I am. Basta ang alam ko I'm 28 years old. I love hanging out always. I'm the director of the company and the cousin of the President." Nag-iisip pa ito ng ibang pwede nitong sabihin pero wala na itong ibang maisip. "I think that's all."
"Really? Pinsan mo si Sir Ethan?" gulat na sambit niya. Akala kasi niya ay simpleng magkatrabaho lang ang mga ito ng minsang makita niyang nag-uusap ang mga ito. Tumango ito. Naalala niya ang kasal ni Ethan. Bisita si Owen noon at siguradong alam nito ang nangyari. Sa kanya na lang kaya siya makibalita sa kung ano na ang nangyari kay Ethan pagkatapos niyon at sa sinapit ng lovelife nito. "So, ibig sabihin alam mo ang nangyari sa araw ng kasal niya?" ayaw man niyang itanong iyon ay wala siyang ibang choice.
"Yeah. It's the wedding disaster of the year." Walang insulto sa pagkakasabi nito bagkus ay nakitaan niya ito ng awa para sa pinsan nito.
Yumuko siya dahil ganoon pala ang tingin nito sa nangyari at walang ibang may kasalanan kundi siya.
"Wait." umayos ito ng upo. "Did I say something wrong?"
"Hindi naman. I was the woman who made that wedding a disaster."
"Oh, I'm sorry."
"It's okay. Tanggap ko naman na ako talaga ang may kasalanan. But believe me, I really don't mean to do it. Sa maniwala ka at sa hindi ay coincidence lang ang lahat ng nangyari." Nasa mga mata nito ang kuryosidad kaya pinagpatuloy niya ang pagpapaliwanag. "I was supposed to ruin the wedding of my bestfriend's ex-fiancé. But not Sir Ethan's wedding, I swear."
"But why Ethan's—I mean, why—"
"At dahil mahal na mahal ni Isaac, ex-fiancé ng bestfriend ko, ang kaibigan ko ay umatras siya sa kasal. At nagkataon na si Sir Ethan at Hope ang ikakasal. But I didn't know that it wasn't Isaac. Promise." She inhaled. "I've never seen her boyfriend. Kaya wala akong ideya sa kung anong itsura niya."
"Relax. I believe in you."
Kumalma siya dahil tila gusto niyang magwala dahil sa frustration. Sa tuwing magfa-flashback kasi ang mga pangyayari ay gusto na lang niyang malusaw o lumubog sa kung saang lugar man siya naroon. "Thank you." Salamat naman at naiintindihan siya nito.
Napailing ito. "Their wedding should be on 30th. Pero sobrang excited ni Hope na pakasalan si Ethan kaya naman ng malaman niya na nag-back out iyong bride and groom na mauuna sa kanila ay ipina-move niya ang sa kanilang kasal on the 20th."
So, iyon pala ang tunay na nangyari. Hindi na nila muling tinanong ang kaibigan ni Hannah na nagbigay sa kanila ng impormasyon dahil naisip nila na baka hindi rin ito aware sa nangyari. "What happen to Ethan after that?"
Tila ayaw nitong magsabi sa kanya pero sinabi pa rin nito. "The truth is uncle and aunt was so mad at him because they felt like they've been embarrassed, their family, perhaps. And because they really like Hope for Ethan. Lalo na at nagalit ang mga magulang ni Hope kay Ethan na mga kaibigan nina aunt and uncle."
"Hanggang ngayon ba galit pa rin sila kay Ethan?"
"Si Auntie, hindi na. Pero si Uncle, oo yata. Gustong-gusto kasi niya si Hope para kay Ethan. And uncle thinking that Ethan disappointed him."
"Ano ba itong ginawa ko?" Mayaman ang mga ito kaya malamang na ganoon nga ang mangyayari. Mas mahalaga pa sa kanila ang iisipin ng ibang tao kesa patawarin ang kanilang mga anak. Kaya nga kahit na hindi sila mayaman ay kuntento pa rin siya sa buhay niya dahil mas pipiliin siya ng kanyang mga magulang sa anupamang bagay. "Eh, si Hope, anong nangyari sa kanila?"
"Hope left the country."
Nalungkot siya sa sinabi nito at nasaktan para kay Ethan. "Dahil sa akin ay nagkahiwalay sila. Kasalanan ko ito."
"Nah. Don't say that. Maybe there is a reason why it happened."
"But it will be nice if we know that reason, right? Para matanggap ni Ethan na wala na talaga sila ni Hope kung sakaling meron mang ibang rason."
"Masasaktan lang siya."
Nagulat siya sa sinabi nito. May alam kaya itong ibang rason na kung sakaling hindi niya ginulo ang kasal ni Ethan ay magkakahiwalay pa rin ang mga ito. "Paano mong nalaman na masasaktan siya?"
He became uneasy with the topic. "I-I mean, whatever r-reason it is, it's still going t-to hurt him, right?"
"Sabagay, tama ka." Nagbuga siya ng marahas na hangin. "Pero pinagsisisihan ko iyon. If I could just take back the time I will do it just to make things right."
"Let's forget about this. Let's just eat."
Marahil ay napansin nito ang waiter na i-se-serve na ang inorder nila. Pero hindi pa rin niya magawang kalimutan ang naging reaksyon nito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mapakali. Hindi na lang niya papansinin iyon dahil baka may gumulo lang sa isip nito at hindi niya pwedeng sirain ang gabing iyon.
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
