Tinawag ni Mr. Andrino Divero ang atensyon ng lahat. Sinabi nito kung gaano ito ka-proud sa anak nito na si Ethan dahil sa tagumpay nito sa pagpapatakbo ng kumpanya. Nakikita niya sa mukha ni Ethan kung gaano ito kasaya dahil ipinagmamalaki ito ng ama nito. At masayang-masaya siya para rito.
Kanina pa siya hindi mapakali dahil tila may kung sino na kanina pa nakatingin sa kanya. She looked around and she saw a woman looking at her as if she wanted to kill her with the way she looks. Awtomatikong tumalim ang mga tingin niya rito dahil naalala na niya kung sino ito. Ito lang naman ang babaeng kasama ni Owen na nanloko sa kanya.
"Ikaw." mapaklang sambit nito.
"Yes, it's me. What are you doing here?" kunwari'y hindi niya alam kung anong ginagawa nito doon. "Oh, I forgot. Kamag-anak pala ng mga Divero at employee si Owen doon kaya invited din siya at may ka-date siya."
"It's more than that, loser."
Kumunot ang noo niya. "What are you talking about?"
"You wanna know? Follow me." Naglakad ito palayo sa lugar na iyon. Nagpunta ito kung saan walang masyadong tao pero pansininin na lugar. Sumunod siya rito dahil curious siya sa kung anong sinasabi nito. Saktong nagpunta naman ng comfort room si Tyra. "I'm Hope and I'm Ethan's fiancé. Were supposed to get married but you ruined it."
She just can't believe what she has said. "You're Ethan's fiancé and Owen's girlfriend?" Nasaktan siya sa sinabi nito dahil malinaw na malinaw na niloloko nito si Ethan. Ethan loves her so much but she was just playing around.
"Don't look at me like that as if I was the bad person and your not. Kung hindi dahil sa iyo kasal na sana kami ni Ethan and your here in front of me, your now friend of Ethan. Hindi ka man lang nahihiya. Ang lakas pa ng loob mo na isiksik ang sarili mo dito. At nakipag-close ka pa talaga kay Ethan. What are you up to?"
Wala siyang magawa dahil tama ito. Kung hindi dahil sa kanya ay asawa na sana ito ni Ethan. Tatanggapin niya ang mga sasabihin nito dahil kasalanan naman niya talaga. Pero matagal na niyang pinagsisihan ang nagawa niya. Nakahingi na siya ng tawad kay Ethan at tinanggap nito iyon. Oo at naging masama siya pero pinagsisihan na niya iyon. Maykarapatan itong magalit sa kanya pero wala itong karapatang paglaruan si Ethan kaya hindi siya hihingi ng tawad dito dahil mas masakit ang ginagawa nito.
"Nawala lang ako ng ilang buwan pinagpalit mo na agad ako." Naalala niya ang sinabi nito ng mahuli niya ito at si Owen sa restaurant. Ibig sabihin ay matagal ng may relasyon ang mga ito dahil simula ng hindi matuloy ang kasal nito kay Ethan ay nagpunta ito ng ibang bansa at nagkabalikan lang ang mga ito ng magbalik ito ng bansa at parang ganoon din ang sitwasyon nito kay Owen. Kaya pala alam ni Owen na masasaktan pa rin si Ethan kahit na hindi siya nanggulo sa kasal ng mga ito.
Matalim ang tingin niya rito. "You're blaming me for what happened but we both know what the real reason why it didn't happen." Malinaw na sa kanya ngayon kung bakit nagawa niyang guluhin ang kasal nito. Everything has a reason. At sa tingin niya ay ginawa lang siyang tulay ng diyos dahil ayaw nito na mapunta sa walang kwentang babae lang si Ethan. Ethan doesn't deserve that. Pero bakit mahal na mahal pa rin nito si Hope sa kabila ng lahat? Ni hindi ba nito nalaman o napansin na niloloko ito ng pinsan at ng fiancé nito?
She laughed with sarcasm. "What do you mean now?"
"Hindi lang ako ang may kasalanan sa nangyari sa kasal mo. I know you were cheating on Ethan even before the wedding. He doesn't deserve a woman like you."
Humalukipkip ito na tila wala itong kahit na anong kasalanan. Napaka-relax nito. "Oh, really? Sa tingin mo basta ko na lang tatanggapin na may kasalanan din ako? Well, in fact, your the only person to blame."
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
