Paglabas niya ng opisina ni Ethan ay may nakita siyang pagkain sa kanyang mesa. May note na nakadikit sa plastic ng pagkain.
I know you're tired. –Owen
Napakunot ang kanyang noo dahil hindi niya alam kung sino ang Owen na iyon. Tumingin siya sa paligid at nakita ang nakatayong lalaki sa may di kalayuan. Kumaway ito sa kanya at matamis na ngumiti. Ang lalaking bisita ni Ethan sa kasal na si Owen. At ang magiging future boyfriend niya. Future Boyfriend Checklist #3 A man that is caring and sweet. Ito na yata talaga ang lalaking nakatadhana para sa kanya.
"Thank you." nakangiting lip sync niya dahil hindi naman sila pwedeng magsigawan sa loob ng opisina.
"You're..." tinuro siya nito. ".. welcome" at inilahad nito ang mga kamay nito na nagsasabing 'welcome'.
Natawa naman siya sa ginawa nito. Agad naman itong nagtago ng makitang bumukas ang pinto ng opisina ni Ethan. Kunot naman ang noo ng boss niya ng makita siya. Hinihintay naman niya itong magsalita ngunit nakatitig lang ito sa kanya. Kumaway naman si Owen sa kanya at agad na lumayo doon. Hindi niya mapigilan ang hindi tumawa ng palayo ito dahil sa kilos nito na pakengkoy para magpatawa.
Malakas na tumikhim si Ethan kaya't napunta dito ang atensyon niya. Tumigil naman siya sa pagtawa. "Sir, may kailangan po ba kayo?"
"Nothing. I'm just checking on you."
"Checking on me?" nagulat siya sa sinabi nito.
Agad namang nag-iba ang reaksyon nito na para bang may nasabi itong hindi maganda. "I-I mean, I just want to check if you already ate your lunch. Kailangan mo kasi ng lakas dahil marami ka pang kailangang tapusin ngayon dahil marami akong ipagagawa sa iyo. Ayokong maging dahilan pa ang gutom mo kapag hindi mo natapos iyon." Pormal na sabi nito at pumasok na sa opisina nito.
Napabuga siya ng hangin. Akala pa naman niya ay concern na sa kanya ang boss niya. Hindi pa pala. Nag-aalala lang ito na hindi siya kumain dahil baka hindi niya matapos ang mga pagagawa nito.
Ano kayang pwede niyang gawin para mapaamo ito? O para mahingi ang kapatawaran nito? Hindi na rin naman kasi niya alam kung ano ng sinapit ng lovelife nito. Kung tuluyan na ba itong hiniwalayan ng girlfriend nito o kung galit pa ba ang pamilya nito rito hanggang ngayon. Kung ganoon nga ang nangyari malamang na hindi na nga siya mapapatawad nito. Pero hindi pwede, hindi ako papayag na habangbuhay siyang magagalit sa akin. Gagawa ako ng paraan para mapatawad niya ako dahil sobrang pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Tatanggapin ko din kung magtatagal man iyon.
Bumukas na naman ang pinto ng opisina nito. Iniluwa nito doon si Ethan na may dala-dalang napakaraming papel. Inilapag naman nito ang mga iyon sa mesa niya. "I want you to finish this until today." He commanded her with so much authority.
"Y-yes, sir." Sagot niya bagama't hindi siya sigurado kung matatapos nga niya ang mga iyon.
Pagkasabi niya ay agad na itong pumasok sa opisina nito.
Bumuga na naman siya ng marahas na hangin. At mukhang kailangan ko ding tanggapin at pagtiisan ang mga pagpapahirap niya. Alam naman niya na ganoon nga ang ginagawa nito. Pahihirapan siya nito dahil galit ito sa kanya. Pero naiintindihan niya kung bakit nito ginagawa iyon.
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
