Sinadya ni Sophie na pumasok ng maaga. Nagtimpla siya ng kape sa styro cup at tinakpan iyon. Ginawa niya iyon para kay Ethan. Alam niyang hindi na masyadong malaki ang galit nito sa kanya kaya gagawin niya ang lahat para tuluyang mawala iyon. She wrote in a sticky note the words 'Maaga ako ngayon, Sir Ethan.' Wala kasi siyang ibang maisip na pwedeng sabihin dito. Since, she's late sometimes at madalas itong magalit sa kanya kaya iyon ang naisip niyang sabihin para naman tumatak din sa isip nito na mas marami siyang maagang nakapasok kesa sa late. Idinikit niya iyon sa styro cup nito.
Inilapag niya iyon sa mesa nito at nagsimula na siyang magtrabaho. Nakarating na si Tyra pero hindi pa rin ito dumarating. Bakit kaya na-late ito, for the first time.
"Ang aga, ha?" bati sa kanya ni Tyra at tumayo sa tabi niya.
"Hindi naman. Ayoko ng palagi na lang akong napapagalitan. Atsaka, hindi ko naman sinasadya na hindi ma-late."
"Good morning, Sir." bati ni Tyra kay Sir Ethan.
"Good morning din, Sir." binati rin niya ito. Tumango ito at tuloy-tuloy ito sa opisina nito. Napansin niya ang Starbucks na dala-dala nito. Pumila muna ito sa Starbucks bago pumasok kaya pala nahuli ito ng dating. Hindi na nga yata siya nito pahihirapan dahil hindi siya ang inutusan nito. Sayang naman ang ginawa niyang kape kung hindi naman nito iinumin iyon.
"Sophie .." nagulat siya ng agawin nito ang atensyon niya.
"Sir?"
"Thank you for this." iniumang nito ang kape na ginawa niya.
"Walang anuman, Sir." Matamis ang pagkakangiti niya. Tumango ito bago nito isinara ang pinto ng opisina nito. Bahagyang sumilip ito pero napansin pa rin niya ang ngiti nito. Inumin man nito iyon o hindi ay okey lang dahil ang importante ay na-appreciate nito iyon.
Pinagpatuloy na niya ang kanyang pagtatrabaho pero hindi pa rin umaalis sa tabi niya si Tyra. "Ba't di ka pa bumabalik sa pwesto mo?"
May pagtataka sa itsura nito. "Ngumiti siya sa iyo?"
"Kasi nga okey na kami. Hindi na siya galit sa akin."
"Bakit naman siya magagalit sa iyo?"
Dapat kaya niyang sabihin dito ang nangyari kung bakit may galit ito sa kanya? Kaibigan na rin naman niya si Tyra.
"Kami nga na dati na niyang empleyado ay wala naman siyang galit sa amin pero kahit kailan yata ay hindi pa niya kami nginitian simula ng hindi matuloy ang kanyang kasal samantalang wala naman kaming kinalaman doon. Tapos na ikaw na bago lang ay nginitian na niya agad. Hindi kaya unfair iyon?"
"Noon lang ba siya nagkaganoon?" curious na tanong niya.
Tumango ito. "Masayahin kaya si Sir Ethan dati. Lahat ng empleyado dito ay kaibigan ang turing niya. Nagbago lang siya simula noong hindi matuloy ang kanyang kasal. Ayon, parang naging mapait ang buhay niya. Naging sobrang bitter niya. Sa totoo lang ay wala sa itsura ni Sir ang two timer o ang mananakit ng babae kaya nga nagtataka kami ng malaman namin ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal niya." Tumayo ito ng maayos at humalukipkip. "Alam mo ba na napakaswerte ng fiancé niya. Bukod kasi sa napakagwapo na ni Sir ay napakayaman pa at sobra kung magmahal. Haaaay, ewan ko ba kung bakit mahal na mahal siya ni Sir samantalang hindi naman niya deserve iyon dahil ang pangit ng ugali niya."
Nanahimik siya. Mas maganda siguro kung sabihin niya dito ang tungkol sa nangyari sa kasal nito. At para linisin na rin ang pangalan ni Sir Ethan. "Sa totoo lang, ako ang may kasalanan ng lahat." nagulat ito sa sinabi niya pero pinagpatuloy niya ang pagsasalita. Sinabi niya ang dahilan niya kung bakit nagawa niya iyon at kung gaano niya pinagsisisihan ang nangyari. Sinabi niya na handa niyang gawin ang lahat para mahingi ang kapatawaran nito.
"So, iyon pala ang totoong nangyari. Naging tragic ang love story ni Sir. Pero tama lang ang nangyari. In the first place, Hope doesn't deserve Sir Ethan, I swear."
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
