"Bakit ba walang dumadaang taxi dito, Tyra?" nakalabas na sila ng bahay nina Ethan kung saan ginanap ang selebrasyon at kanina pa sila nag-aabang ng masasakyan pero wala pa ring dumadaan. Kung sabagay ay paano naman palang may dadaang taxi samantalang nasa subdivision sila. Ano ka ba, Sophie? Brokenhearted ka lang hindi ka tanga. "Maglakad na lang tayo."
Wala siyang pakialam kung anuman ang itsura niya ngayon. Ang importante sa kanya ay makalayo sa lugar na iyon at kay Ethan. Napakabigat ng pakiramdam niya dahil sa nangyari. At dahil doon ay ayaw na niya itong makita dahil gusto niyang panindigan ang sinabi niya na pinagsisisihan niya ang araw na nakilala niya ito. Pero sa totoo lang ay kahit na nasasaktan siya ay hinding-hindi niya pagsisisihan ang araw na nakilala niya ito dahil masyado lang siyang nasaktan sa mga sinabi nito kaya niya nasabi iyon.
Kahit ang sinabi niya noon kay Owen ay hindi na niya tutuparin. "Pero pinagsisisihan ko iyon. If I could just take back the time I will do it just to make things right." Kahit na nasasaktan siya ay naging masaya pa rin siya sa piling ni Ethan. She will still treasure all those good memories.
Her heart never broke like this. Hindi pa nga nagiging sila ni Ethan ay sinasaktan na siya nito. Paano pa kaya kung alam niyang mahal siya nito ay siguradong mas lalalim ang nararamdaman niya para rito at siguradong mas lalo siyang masasaktan. Mabuti na ang nangyari dahil mas maaga niyang nalaman na ganoon pala kababaw ang tingin nito sa kanya. Ito na nga ang ipinagtatanggol niya ay siya pang pinag-isipan nito ng masama. Ano bang pinakain ni Hope dito at ganoon na lang katindi ang pagmamahal ni Ethan dito?
Ayaw man niyang mainggit sa babaeng iyon ay hindi niya maiwasan dahil alam na niyang pagmamahal ang nararamdaman niya para kay Ethan. She has loving Ethan without her knowing it because she is afraid of many things.
Bagaman nasasaktan siya ngayon ng dahil dito ay hindi pa rin niya magawang magalit dito. Pero hindi siya magpapakatanga. Handa niyang tanggapin na hindi talaga ito ang lalaking para sa kanya. Everybody wants to feel love, to be loved without begging for it. Kung ipagpapatuloy niya ang nararamdaman niya para rito ay magmumukha siyang bata na nagmamakaawa na mabigyan ng kapirasong kendi. Kakalimutan niya ito dahil iyon ang tama.
Huminto siya. She has to smile even though she's dying inside. She shouldn't be weak because she's strong. A guy won't be the reason for her to break down. A shed of tears fell from her eyes. Pinahid niya iyon. Kaya ko ito.
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
