Part 2

4 0 0
                                    

"This is it." bulong ni Sophie sa kanyang sarili.

Nasa simbahan na sila kung saan ikakasal si Isaac at ang future wife nito. At sinumpa na nilang magkakaibigan na hindi ito makakapag-asawa dahil guguluhin nila ang kasal nito at siya ang napiling maging kontrabida sa teleserye ng love story nito. Natatakot siya at medyo nakokonsensya pero hindi na siya pwedeng umatras dahil pinangako na niya ito kay Hannah at umaasa ito na magagawa niya iyon. Perhaps, they will just test if Isaac is really in love with her fiancé. Kung magagawa niyang itigil ang kasal ng mga ito ay pwede pa rin namang matuloy iyon sa ibang araw kung talagang mahal ng mga ito ang isa't isa.

Pagkalipas ng isang linggo mula ng makapagplano sila ay sinabi ni Alona kay Hannah ang mga detalye ng kasal. And here they are. They will be the nightmare of Isaac's fiancé. Alam niyang walang kasalanan ang fiancé nito pero hindi naman niya hahayaang ang kaibigan niya ang magmumukhang kawawa dahil sa mga ito.

Nasa sasakyan siya ni Payton habang tanaw nila ang mga bisita sa kasal. Napakayaman nga ng pamilya ni Isaac.

Ang ga-gwapo pa ng mga bisita nito. She inhaled. Heto na naman siya at nangangarap na sana isa na sa mga gwapong lalaking ito ang lalaking nakatadhana para sa kanya. At pumasa ang mga ito sa kanyang Future Boyfriend Checklist #1. A man who wears suit. Para kasi sa kanya kapag ang lalaki ay nagsusuot ng ganitong klaseng damit ay napakasmart ng dating nito at lahat ng mga lalaking nandoon ay pumasa.

Ever since, she was in college she has this obsession of finding her soulmate, destiny or her The One. Ito kasi ang magiging batayan niya sa kung anong klaseng lalaki ang magiging The One niya. At ang The One niya ay iyong lalaking makakasama niya habang buhay at makakasama niya hanggang sa kanyang pagtanda. Ang magiging ama ng mga magiging anak niya. At ang lalaking magpapasaya sa kanya sa kabila ng lahat. And she believes God will give her that one man who'll love her wholeheartedly. And she just can't wait to meet him.

"Hey, girl. What's up?" uyam ni Payton sa kanya. "Hindi tayo nagpunta dito para hanapin ang The One mo." Kilalang-kilala na nga siya nito.

"Oo na. Oo na. I just can't help it. They are on my checklist." Pero hindi naman ibig sabihin na lahat ng mga lalaking ito ay gusto niya or type niya. They're just simply qualified in her checklist.

Tinitigan siya nito. "Stop it. Hindi iyan ang misyon ngayon. Okey?"

"Oo. Sorry na." Suportado naman siya ng kanyang mga kaibigan sa paghahanap kay Mr. Right ngunit hindi lang siguro ito ang tamang panahon para gawin iyon dahil may misyon sila at para iyon kay Hannah. Speaking of Hannah, ano kayang itsura ng boyfriend nito? Gwapo kaya ito gaya ng mga lalaking ito na naka-suit. She was trying to find if who he is but she can't really figure it out.

"Oh, she's here." Agaw ni Payton sa kanyang atensyon. Ang bride ang tinutukoy nito. Napansin na rin kasi niya ang bridal car at natural na sakay niyon ang bride. "Get ready." bulong nito sa kanya.

She got nervous. What is happening to her? Hindi siya pwedeng kabahan. Para kay Hannah ito kaya walang urungan. "Hindi kaya pwedeng ikaw na lang, Payton?" kumpara kasi sa mga nagawa nilang kagagahan noon ay mabigat naman talaga ang isang ito. There past revenge was just simple. Pagpapahiya kay ex sa pamamagitan ng pagsira sa image nito na kadalasang totoo naman o kaya ay pagpapahiya rito physically. Kumbaga, mga simpleng bagay lang ang mga iyon, madaling makakalimutan. Pero iba kasi ang isang ito, ibang-iba. She can ruin not only the life of Isaac but also the life of the woman his going to marry. And the fact that she's gonna do a scene in the front of their family and they don't know her. May posibilidad na mapagkamalan pa siyang baliw at walang maniniwala sa kanya. "Parang hindi ko kaya ito."

"Ano? Ano ka ba nagpromise ka kay Hannah, di ba?"

"Oo. Pero-"

"Okey. You just have to think about Hannah. Miserable ang buhay niya dahil sa kanilang dalawa. Magiging masaya sila pero si Hannah hindi. Ito na lang ang pwedeng maitulong natin sa kanya. Kasi kung mahal naman talaga ni Isaac si Hannah ay ito ang magiging daan para mapa-realize mo sa kanya na si Hannah ang totoong mahal niya, di ba? Hindi lang iyon. Hindi naman talaga tayo gaganti sa kanya. Tuturuan lang natin siya ng leksyon na hindi tama ang ginagawa niya sa mga babae dahil wala siyang karapatan. Malay mo, matuto siya sa tulong natin at hindi na niya gagawin iyon sa magiging asawa niya. O diba, natulungan pa natin ang fiancé niya."

I'm Not The Only OneWhere stories live. Discover now