Sophie is still in front of the Divero Building. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magtatrabaho na siya sa naturang kumpanya. She is so happy because everything is in place. Matutupad na ang pangarap niya. Ang pangarap ng ama niya para sa kanya dahil ayon dito ay mataas ang magiging tingin sa kanya ng mga tao kapag dito siya nagtrabaho dahil na rin sa tagumpay ng kumpanya. Noong kabataan kasi nito ay iyon din ang pangarap nito kaya lang ay maaga itong nakapag-asawa kaya hindi nito natapos ang pag-aaral dahil kailangan nitong magtrabaho para sa kanila. Kaya naman tutuparin niya ang pangarap nito na hindi nito natupad noon. Hindi naman sila mayaman pero hindi rin naman sila naghihirap. Sakto lang ang naging buhay nila dahil na rin iyon sa napakasipag niyang ama. Ito rin ang nagturo sa kanya na maging matapang at madiskarte sa buhay.
Nagtatrabaho siya dahil pinag-iipon niya ang mga ito. She wanted her father and mother to travel. Gusto niyang maranasan ng mga ito ang mag-enjoy at hindi lang puro siya na lang ang iniisip ng mga ito. At siguradong magiging madali na ang pag-iipon niya dahil nakapasok na siya sa Divero Investment Company. Napakalaki kasi ng sweldo niya rito kaya naman aalagaan niya ang trabahong iyon. Kaya naman kahit na sinong tao ay nangangarap na makapagtrabaho dito.
Nasa kabilang kalsada pa siya kaya naman tanaw na tanaw niya ang kabuuan ng kumpanya. She feels so lucky.
Pumukaw sa kanyang paningin ang lalaking nakatayo sa kabilang kalsada. Pumasa ito sa kanya dahil naka-suit ito ngayon at malamang nagtatrabaho ito sa isang kumpanya. Sa Divero din kaya ito nagtatrabaho? Hindi malayo dahil nakatayo ito sa tapat ng gusali at tila may hinihintay. Pinagmasdan niya ng maigi ang itsura nito dahil napakagwapo nito pero parang familiar ito sa kanya. Hindi lang niya alam kung saan at kailan pero sigurado siya na nagkita na sila nito noon. She inhaled. Ang mabuti pa ay trabaho muna ang atupagin ko. Hindi tama ito. Hindi naman pwedeng mangibabaw ang pangarap niyang makahanap ng boyfriend kesa sa trabaho niya. Love can wait, she believes. Kaya nga hanggang ngayon ay wala pa siyang nagiging boyfriend dahil umaasa siya sa destiny.
Hindi naman sa pangit siya at walang nanliligaw sa kanya kundi masyado lang kasi siyang pihikan. Gusto kasi niyang maramdaman ang kakaibang feeling ng in love tulad ng mga nababasa niya sa mga nobela at napapanood niya sa mga pelikula. Iyon bang pagkakita mo pa lang sa bidang lalaki ay alam mo na agad na siya ang The One. Iyon bang sa tuwing tititig ka sa mga mata niya ay parang wala ng tao sa paligid kundi kayong dalawa na lang. Iyon bang kahit na paulit-ulit ka niyang saktan ay siya pa rin ang hahanap-hanapin mo. At hindi niya kailanman naramdaman iyon sa kahit na sinong lalaking nagkagusto sa kanya.
At iyong Future Boyfriend Checklist niya ay nagsimula lang iyon ng matuto siyang mangarap hindi lang para sa sarili niya kundi para sa pamilya niya. Nangangarap siya na matutumbasan niya ang mga ginawa ng mga magulang niya para sa kanya at syempre, para sa kanyang love life. Pakiramdam kasi niya ay kung mayroon kang pinapangarap na lalaki ay magtiwala ka lang sa diyos at ibibigay niya iyon sa iyo. Kung mangangarap ka na rin lang bakit hindi pa iyong perfect guy. That is why she wanted to meet that perfect man for her. Alam niya na makikilala niya iyon.
Nagsimula na siyang maglakad ng mag-green na ang stop light. Kagabi pa siya excited na makatuntong sa Divero Building at makita ang magiging bagong tahanan niya. Habang naglalakad siya ay sa gusali siya nakatingin at hindi niya napansin ang nilalakad niya kaya't nadapa siya. "Aray!" tili niya. Napapikit siya sa sobrang kahihiyan. Hindi niya alam kung paano siya tatayo.
"C'mon.." hindi man lang niya napansin ang paglapit ng lalaki. Pagkasabi nito niyon ay agad na siyang iniakay nito patayo. "Don't worry, they didn't see it." mukhang nabasa nito ang nasa isip niya. Maging dito kasi ay hindi siya tumitingin.
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
