Kakatapos lang mag-photox ni Sophie sa kabilang opisina ng makatanggap siya ng tawag mula kay Ethan. "Sir?" sagot niya. Nasa opisina sila kaya kailangan niyang maging pormal.
"I have good news."
"What is it, Sir?" pero tila may ideya na siya kung ano ang good news nito.
"The project is successful."
"Really, Sir?" hindi na siya nagulat na tagumpay ang proyekto nito dahil matalino si Ethan at sigurado siya na magiging success talaga ito. And she was very happy for him. Siguradong lalong magiging proud ang daddy nito dito.
Papunta na siya sa kanyang mesa ng magtagpo ang mga mata nila ni Ethan. Abot hanggang tenga ang ngiti nito at ganoon din siya ngunit ang hindi niya maintindihan ay tila may sariling buhay ang kanyang mga paa at patakbo na lumapit dito. At ganoon din ito at excited na niyakap siya nito. "This is so nice, Sophie." Masayang sabi nito habang yakap-yakap siya nito.
"Yes, Sir." Aniya. "I'm sure your dad will be so proud of you."
"Yes. Thank you." At hinalikan nito ang noo niya. Sa sobrang excitement nito ay kung ano-ano na ang pinaggagagawa nito. But she felt the different kind of feeling. Tila hinalikan uli siya nito sa kanyang mga labi dahil ganoon ang impact ng mga labi nito sa kanyang noo. Maya-maya ay dumako ang mga mata nito sa mga labi niya. Napasinghap siya. Hahalikan ba siya ni Ethan ulit?
Sabay silang kumawala sa isa't-isa ng biglang tumikhim si Tyra. "I think I need to go inside my office." Anito na tila walang nangyari. Pero mapapansin pa rin sa mga labi nito ang kakaibang saya at disappointment sa pagsingit ni Tyra.
"Anong nangyari?" nagtatakang sambit ni Tyra.
Nagkibit lang siya ng balikat at naupo sa kanyang swivel chair at nagsimula ng magtrabaho. Hindi niya sinasagot ito dahil hindi rin niya alam kung anong nangyari. It was just so magical.
"Hello, wala yata akong kausap."
Tinapunan lang niya ito ng tingin pero hindi pa rin siya nagsalita.
"Okay, okay, hindi na ako magtatanong. Ang masasabi ko lang, nakakainggit ka. That's all." galit na sambit nito atsaka nagwalk out.
Sinundan lang niya ng tingin ito hanggang sa makabalik na ito sa mesa nito. Hindi niya alam kung seryoso ito o nagbibiro lang ito. Sa tono kasi nito ay nagagalit ito pero parang may halong biro din sa tono niyon. Baka nainggit lang talaga ito pero hindi naman totoong galit ito sa kanya dahil alam niya na may crush ito kay Ethan.
"Sophie, Tyra." Tawag ni Ethan upang kunin ang kanilang atensyon. Nakaumang lang ng bahagya ang pinto nito.
"Sir."
"Ethan—I mean Sir." sabay na sambit nila. Nakuha naman ni Tyra ang atensiyon niya at kunot noong nakatingin ito sa kanya. Ngiti lang ang isinagot niya rito.
"I want you to tell everyone about our celebration party for the company's success." Sinabi rin nito kung saan at kailan gaganapin ang party. Formal ang motif niyon dahil maging ang mga kamag-anak ng mga Divero at mga kaibigan ng mga ito ay dadalo rin.
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
