Pagdating pa lang ni Sophie at Ethan ng boutique ay agad na siyang naghakot ng mga damit na sa tingin niya ay babagay dito. May alam siya sa fashion kaya naman hindi siya mahihirapang maghanap ng bagong outfit para rito. Lalo na at napakagwapo na nito kaya naman kahit na anong damit ay babagay pa rin dito.
Napansin niya ang mga kakaibang tingin ng mga tao sa kanila. Lalo na nang mga babae na kay Ethan lang nakatingin. Muntik pa ngang mabunggo iyong babaeng papasok ng boutique dahil hindi nito maalis ang tingin nito kay Ethan. "Iba ang appeal mo, sir." Ngumiti ito. Alam niyang alam nito kung anong karisma ang meron ito. At hindi nito pinagmamayabang iyon. Hindi katulad ng ibang lalaki diyan. Gwapo nga ang mga ito, presko naman.
"Ang gwapo naman ng boyfriend niya."
"Nakakainggit naman."
"Sana ako na lang siya." nangangarap pang sambit ng isa.
Natawa siya ng marinig ito. Naalala kasi niya ang sarili niya. Hindi ba't noong una niyang makita si Ethan ay ganoon din ang nasabi niya. Lihim niyang hiniling na sana ay siya na lang si Hope kahit na ang pagkakaalam niya ay ito ang ex ng bestfriend niya. Ang swerte ni Hope dahil nagkaroon lang siya ng boyfriend na katulad ni Ethan ay kinainggitan na siya ng lahat. Lalo na ngayon na gusto pa siyang mabawi nito.
"And why you're smiling?" sita ni Ethan sa kanya na nakasunod lang habang kumukuha siya ng mga damit na para rito.
"Wala lang." inabot niya rito ang damit na napili niya. It's a red polo and a denim cargo shorts. Napakunot naman ito ng noo. Napakaformal nito tapos papasuotin niya ito ng shorts. "Ano ka ba, sir? You should try something else." Pilit niya rito.
"Are you sure?"
"Yes. Let's see if you are really an eye catcher."
"So, you're trying my sex appeal." Patango-tangong sambit nito. Wala siyang naaninag na kayabangan sa boses nito. Natatawa pa nga siya kasi na-gets agad nito ang ibig niyang sabihin.
Pumasok ito ng fitting room at umupo siya sa sofa na nandoon para hintayin ito. Malaking boutique iyon kaya naman kumpleto ang mga kailangan nila sa pagsha-shopping. Ano kayang magiging itsura nito? Pakiramdam niya ay matatawa siya rito. Never pa kasi niyang nakitang nagsuot ito ng ibang damit bukod sa suit na laging suot nito.Habang naghihintay dito ay nag-prepare na siya ng damit na ipapasuot uli niya rito. Lumabas ito ng fitting room at muntik ng malaglag ang panga niya. He looks so sexy. Umikot ito para ipa-eksamin dito ang itsura nito at nagmukha itong modelo. Why he is still appealing even with that outfit? Ordinaryong porma lang iyon pero parang ang tindi niyon habang suotsuot ni Ethan iyon. Hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti. Ang gwapo ng boss niya.
"Do I look funny with this?" naiiritang sambit nito dahil naiilang ito. Hindi na lang kasi siya ang nanonood dito dahil pati na ang ibang customer at mga saleslady na nandoon ay kay Ethan lang nakatingin.
"No, sir. You look handsome in there." Anang isang saleslady na halatang crush na crush si Ethan at ngumiti naman ang huli.
Nagulat siya sa naging reaksyon nito dahil ang hirap nitong pangitiin tapos napangiti agad ito ng saleslady. Awtomatikong lumingon naman siya rito. Naalis naman ang pagkakangiti nito dahil salubong ang kanyang mga kilay kaya akala nito ay galit siya. "Sorry, ma'am." Iniisip yata nito na siya ang girlfriend ni Ethan dahil sa naging reaksyon niya.
"Hindi. Okay lang." ngumiti siya rito. Pero bakit nga ba salubong ang mga kilay niya ng tingnan ito? Nagalit ba siya? Maging siya man ay nagulat sa naging reaksyon niya. Kahit saang anggulo mo nga naman tingnan ay iisipin ninuman na galit siya. Awtomatiko namang napatingin siya kay Ethan na halatang alam ang nangyari.
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
