Part 4

4 0 0
                                    


"I hope you won't regret this." Sigaw ni Sophie habang habol-habol ang kanyang hininga.

Dinaluhan naman siya agad nina Payton at Hannah. Maging ang totoong Isaac ay nandoon din. "Anong nangyari sa iyo? Nanaginip ka ba ng masama?" tanong ni Payton.

Tumango siya. "Oo. Napanaginipan ko si Isaac. Napakasama ng panaginip ko." Aniya.

"Porke't ba hindi ganoon kagwapo si Isaac ay masama na agad ang panaginip mo?" naiinis na tanong ni Hannah sa kanya. Si Isaac naman ay tatawa-tawa lang na para bang hindi ito ang tinutukoy sa usapan.

Tinitigan niya ito ng matalim. "Hindi naman siya ang tinutukoy ko."

"E sino?" mataray din na tanong nito.

"Iyong.. iyong.." hindi niya masabi dahil sa tuwing maiisip niya ang nangyari ay gusto na naman niyang mahimatay sa sobrang kahihiyan at guilty.

"Iyong napagkamalan mong si Isaac? Na sobrang gwapo at macho?" exaggerated na tanong ni Payton. "Ang ganda kaya ng panaginip mo kung siya ang napanaginipan mo."

"Hindi mo kasi naiintindihan." Ngayong nalaman na niya ang katotohanan ay paano pa siya makakatulog sa gabi o makakakain ng maayos kung palagi niyang maiisip ang kagagagahan na nagawa niya sa taong wala naman palang kasalanan. Ang masaklap pa ay pinaghiwalay niya ito at ang taong mahal nito. Pinahiya niya ito sa maraming tao. And worst, kung ano-anong masasakit na salita ang mga sinabi niya rito na wala naman palang katotohanan. She was the beast and the jerk. She was so senseless. What have I done? At wala iyon sa plano nila. Ang plano lang nila ay sumigaw siya ng 'tumututol po ako sa kasal'.

Tumabi si Payton sa kanya sa kanyang kama. "Huwag mong sisihin ang sarili mo. Siguro nga nagkamali ka pero hindi lang naman ikaw kundi pati ako. Oo pati ako nagsisisi din dahil ako pa iyong nag-push sa iyo para ituloy iyon pero nagawa lang naman natin iyon dahil mahal natin si Hannah. Atsaka lahat naman ng tao nagkakamali at marahil ay naging malaking pagkakamali itong nagawa natin." hinahaplos nito ang likod niya para pagaanin ang loob niya.

"Hindi lang naman kasi iyon, e." napapikit siya ng maalala ang nangyari sa pagitan niya at ni 'Isaac-kuno'. "I told him a lot of stupid words. Sinabi ko na wala siyang kwentang lalaki, na kung gaano siya kagwapo ay ganoon naman kapangit ang ugali niya, that he was nothing but a jerk." Sa totoo lang ay nakalimutan na niya ang mga sinabi niya noon dito dahil ang akala niya ay deserve nito ang mga iyon. Pero ng matuklasan niya na hindi pala ito ang totoong Isaac ay nag-throwback lahat ng mga masasakit na sinabi niya. "Hindi lang iyon. Sinabi ko pa sa kanya na kahit na siya na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo ay hindi ko siya papatulan." mukhang pati ang mga ito ay hindi makapaniwala sa mga sinabi niya dahil na rin sa reaksyon ng mga mukha ng mga ito. "What a dolt I've been!" lalo niyang kinamuhian ang kanyang sarili.

Kailangan niyang humingi ng tawad dito dahil sinira at ginulo niya ang masaya at tahimik na buhay nito. Pero paano niya gagawin iyon? Ni hindi nga niya alam kung sino ito at kung may mukha pa siyang pwedeng iharap dito pagkatapos ng mga nagawa niya. Kung magkakaroon lang siya ng pagkakataon na ibalik ang nangyari ay hindi na niya uulitin iyon.

Lumapit si Hannah na kanina ay nakatayo. Umupo ito sa tabi niya. "I'm sorry, Sophie. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi dahil sa akin-"

"Hindi, Hannah. Wala kang kasalanan."

"Tama siya, Hannah. Hindi mo naman alam na si Isaac mismo ang uurong sa kasal. At mas lalong hindi mo naman alam na may papalit na ibang tao sa araw at sa lugar ng kasal niya." segunda ni Payton.

Iyon pala ang dahilan. Nagkataon lang na may nag-occupy ng iniwang wedding day ni Isaac at ng fiancé nito. Tinignan niya si Isaac. Bagaman hindi ito gwapo tulad ng inaakala niya ay hindi pa rin niya masisisi si Hannah kung bakit mahal na mahal ito ng kaibigan niya dahil mahal na mahal din nito ang kaibigan niya. Arrange marriage ang nangyari dito kaya biglaang magpapakasal ito dahil sa utos ng mga magulang nito. Pero dahil mahal nga nito ang kaibigan niya ay ito mismo ang umatras sa kasal.

Ngumiti siya ng pilit kay Hannah. Masaya na ito at hindi niya hahayaang mamroblema na naman ito ng dahil sa kanya. "Ang swerte mo kasi nahanap mo na ang The One mo. Atsaka huwag mo akong alalahanin dahil okey lang ako. Promise." She raised her right hand. "Atsaka nagkataon lang ang lahat. Siguro ay iyon talaga ang kapalaran ko. Na kahit na hindi kayo nag-break ni Isaac ay gagawa pa rin ng paraan ang diyos para mangyari iyon. That's what you called destiny." I guess. Hindi rin siya sigurado sa mga pinagsasabi niya. Napakasaklap naman ng destiny niya kung sakali.

Ngumiti ito at mahigpit siyang niyakap. "I love you, Sophie. Alam ko nahihirapan ka ngayon pero ako pa rin ang iniisip mo. Ang swerte ko sa inyo." Anito at hinila din palapit sa kanila si Payton at mahigpit silang niyakap nito.

"We love you, too, Hannah." Sabay na sabi nila ni Payton. "Kaya ikaw, Isaac, huwag mo na uli siyang sasaktan."

"Yes, I won't do it again. Mahal na mahal ko din si Hannah at hindi ko na siya pakakawalan." pagkasabi nito niyon ay may inilabas itong singsing sa kahon na nasa bulsa nito. "Will you marry me, Hannah?" kay Hannah na tumuon ang pansin nito.

Marahas na tumayo si Hannah at inagaw ang hawak na singsing nito dito at ito na ang nagsuot ng singsing sa sarili nito. "Yes, I will marry you."

Masaya siya para kay Hannah at alam niya na hindi na nito muling sasaktan ni Isaac. Marahil ay sinubukan lang ng diyos ang pagmamahalan ng mga ito. And now, they will live happily forever.

Kailan ko kaya makikilala ang The One ko? biglang sumagi sa isip niya si 'Isaac-kuno' at ang ginawa niya rito. Naku, Lord, sana mapatawad pa niya ako.




I'm Not The Only OneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora