Part 27

2 0 0
                                        


"Arrrggh.." nagulat ang lahat ng sumigaw si Ethan at sipain ang upuan na malapit rito. Bakit ba niya hinayaang mangyari ito kay Sophie? Kahit anumang ginawa nito ay hindi ito dapat napahiya ng ganoon. At bakit niya sinabi ang mga bagay na iyon rito? "She doesn't deserve this." Sigaw niya.

"She deserved this." Galit na sambit sa kanya ni Hope. "Kung hindi dahil sa kanya kasal na sana tayo. Kasalanan niya kung bakit napahiya siya."

"Hindi niya sinasadya ang nangyari."

"Ano?" halatang naguguluhan ito sa mga sinasabi niya. Maging ang mga bisitang naroon ay nagtataka dahil ipinagtatanggol pa niya ang babaeng nanggulo sa kasal nila.

"Hindi niya sinasadyang guluhin ang kasal natin. I know that she won't do such things without a reason." Hindi siya dapat magalit kay Hope dahil naging biktima rin ito. Pero sigurado siya na hindi magagawa iyon ni Sophie ng walang dahilan.

"Hindi pa ba malinaw sa iyo na nagawa niya iyon dahil may gusto siya sa iyo kaya nagagalit siya sa akin. Hindi pa ba dahilan iyon?"

"Sophie is not selfish. Hindi niya magagawa iyon ng dahil lang sa mahal niya ako." Masyado lang siya gulong-gulo kanina kaya niya nasabi iyon kay Sophie. And he wanted to take it all back.

"And you're telling me that I'm a liar?"

"I don't know. Pero alam ko na hindi magagawa iyon ni Sophie—"

"You stop right there, Ethan. Huwag mong ipahiya si Hope ng dahil lang sa babaeng iyon. Huwag mo siyang ipagtanggol dahil nakita nating lahat kung paano niya saktan si Hope kanina. And this is not the first time that she ruined. Maraming beses na niyang nagawa iyon kay Hope. I want you to fire her. Hindi pwedeng pagkatapos ng nangyaring ito ay magkakasama pa rin kayo."

"I won't fire her." He said with authority.

"Ethan?" nagulat ang mama niya sa sinabi niya at agad siya nitong dinaluhan.

"What?" nakita niya ang galit sa mga mata ng kanyang ama-amahan.

"I said I won't fire Sophie. I know her more than you do."

"Nagagawa mo sa akin iyan dahil lang sa babaeng iyon?"

"Hindi lang siya basta babaeng iyon, dad."

"Why? You love her too? Iiwan mo si Hope ng dahil sa kanya?"

"There's nothing going between me and Hope, Dad." Aniya.

Nagsalubong ang mga kilay nito.

"Simula ng dumating si Hope mula sa States ay hindi na ulit naging kami, dad."

"Sasaktan mo siya ng dahil lang sa babaeng iyon? She's no good to you, Ethan."

"I owe you this kind of life, Dad. But it doesn't mean you should dictate everything. It doesn't mean Hope saved your life you owe her everything. I've loved her because I saw the woman I wanted to love and because you want me to. But the truth Dad is, she wasn't that woman."

"Ethan, what are you talking about?" Hope became unconscious.

"Ano bang pinagsasasabi mo, Ethan? Nagagawa mo ito sa amin dahil lang sa babaeng iyon? Ano bang pinakain niya sa iyo?" halatang galit na ang daddy niya.

"Bakit ba napakababa ng tingin mo kay Sophie, dad? You don't even know her." Ayaw niyang magalit sa daddy niya pero hindi niya mapigilan dahil kung ano-ano na ang sinasabi nito patungkol kay Sophie. Hindi niya alam ang totoong pangyayari pero alam niyang hindi iyon kasalanan ni Sophie kaya hindi dapat magalit ang mga ito rito.

I'm Not The Only OneWhere stories live. Discover now