"Oh my, God! It's already 7." Tili ni Sophie ng makita ang orasan sa kwarto niya. Mabilis siyang kumilos para hindi siya gaanong ma-late sa trabaho. Hindi niya narinig ang alarm clock sa pag-alarm dahil na rin marahil sa kapaguran niya kagabi at puyat na rin dahil madaling-araw na ng ihatid siya ni Owen sa bahay nila. Masyado siyang nag-enjoy kagabi kaya't hindi niya namalayan ang oras.
Pakiramdam niya ay si Owen na nga talaga ang The One. Thank you, Lord. Dininig nyo na po ang matagal ko ng pinapanalangin. Ethan suddenly popped into her head. Tila na-imagine niya ito na sesermunan siya nito kaya naman tinigilan na niya ang pag-de-daydreaming dahil hindi iyon ang tamang panahon.
Sa wakas ay nakarating na siya ng opisina. Pagdating niya ay napansin agad niya ang itsura ni Tyra dahil sa reaksyon nito. "Bakit?" tanong niya bagaman alam na niya kung bakit ganoon ang itsura nito.
"Kanina ka pa hinihintay ni Sir Ethan."
Hinanda na niya ang kanyang sarili bago pumasok sa opisina nito. Pagkakita pa lang niya rito ay todo na ang pagkabog ng dibdib niya. Mayayari na naman siya nito. "I'm sorry, sir." Yumuko siya dahil nahihiya siya rito.
"I cannot do anything about this because you already did. I just don't want this to happen again, please." Galit na sambit nito ngunit nandoon pa rin ang kalma sa boses nito.
"Yes, sir."
"I want you to finish this presentation until 1:00pm. I will have a meeting, right? So you have to finish it then." May pinakita itong power point presentation sa kanya sa mismong computer nito. "Nagkaroon ako ng biglaang meeting kaya ikaw na ang tatapos nito. Just stay here in my office. Importante ito kaya kailangan mo siyang tapusin bago mag 1pm." Binigyan siya nito ng idea kung ano ang mga dapat niyang ilagay sa powerpoint nito bago ito lumabas ng opisina nito.
Napabuga siya ng hangin. Pagkatingin pa lang niya sa inumpisahang presentation nito ay napagtanto na niyang mahihirapan siya. Paano ba niya gagawin iyon samantalang ito ang presidente at sekretarya lang siya nito. Hindi magkalebel ang mga utak nila. Isa pa, sino ba naman ang makakagawa ng presentation sa loob lang ng apat na oras. Sinadya ba niya ito? Hindi kasi niya maiwasang hindi isipin iyon dahil iyon ang madalas nitong ginagawa. Sa araw-araw na nandoon siya sa opisina ay wala yatang araw na hindi siya pinagtripan nito.
Halos araw-araw na siyang overworked dahil na rin sa dami ng pinapagawa nito. Idagdag pa ang mga rush na palaging pinapagawa nito. Maging ang kasungitan nito ay hindi nawawala na unti-unti na niyang nakakasanayan. Tyra said that she is a very effective as his secretary. Pero sa tuwing makakagawa daw siya diumano ng maganda ay mas lalo daw siya nitong tinatambakan ng trabaho. Na totoo naman na pinagtatakahan nito. Kung pwede nga lang niyang sabihin kay Tyra ang dahilan ng pagsusungit nito ay matagal na niyang ginawa pero hindi pwede.
Tulad nga ng pinangako niya ay hindi niya aatrasan ang mga pagpapahirap nito. Gagawin niya ang lahat para mapatawad siya nito at mapatunayan dito na hindi ito magsisisi sa pag-hire sa kanya.
Inumpisahan na niyang ituloy ang presentation na pinagagawa nito. Noong una ay nahihirapan siya ngunit kahit papaano ay nagagawa na rin niya iyon. Ang pinag-aalala lang niya ay baka hindi magustuhan ng boss niya ang ginawa niya at tiyak na magagalit na naman ito.
Paglipas ng dalawang oras ay naramdaman na niya pagsakit ng kanyang likod kaya naman sumandal na muna siya sa swivel chair nito para magpahinga sandali. Napapikit siya dahil sa sarap na hatid ng upuan nito. Napatayo siya bigla ng sumagi si Ethan sa isip niya. Kung makikita lang siya nito ay siguradong magagalit na naman ito. Binabayaran siya nito kaya dapat lang na magtrabaho siya ng magtrabaho kahit na sumakit pa ang katawan niya.
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
