Part 11

4 0 0
                                        

"Thank you."

Tama ba ang narinig ni Sophie? Si Ethan nagthank you sa kanya? "Sir?" hindi pa rin siya sigurado sa narinig niya.

"Nothing." anito at nagpatiuna na sa paglalakad.  

Lihim siyang napangiti dahil sa sinabi nito. Kahit naman pala may galit ito sa kanya ay marunong pa rin itong magpasalamat at mag-appreciate. Siguro nga ay mabait talaga ito at galit lang ito sa kanya kaya mas nangingibabaw iyon. Pero kahit papaano ay alam na niya na hindi magtatagal ang hidwaan sa pagitan nila at darating ang araw na mapapatawad din siya nito. Masaya siya kasi nagustuhan nito ang ginawa niya. Atleast ngayon, hindi ito magsisisi sa pagtanggap sa kanya kahit na may malaki siyang kasalanan dito.

Paupo na siya sa kanyang swivel chair ng lumabas si Tyra mula sa opisina ni Ethan. "Sophie, pinatatawag ka ni Sir Ethan. Mukhang galit na naman."

Wala naman siyang naaalala na may ginawa siyang hindi nito magugustuhan. Pumasok siya ng opisina nito.

"Double shit." pagpasok pa lang niya ng opisina nito ay iyon agad ang nabungaran niya mula dito. "Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na pakialaman ang mga files ko?" galit na bungad nito sa kanya.

Naalala niya ang wedding vow nito. Oo nga pala at pinakialaman niya iyon. At nakalimutan niyang i-close iyon kaya sigurado ito na may nakialam doon. Nakaligtaan na niya iyon dahil kailangan pa niyang tapusin ang presentation nito at ayusin ang board room. Si-nave lang niya sa usb ang presentation at hindi siya nagshut-down ng computer kaya naman hanggang ngayon ay nandoon pa rin iyon. Paano siya magpapaliwanag ngayon?

"Tell me." nanggagalaiti ito sa galit. "Ang ayoko sa lahat ay ang pinakikialaman ang pribadong buhay ko. Ayoko din na pinakikialaman ang mga bagay na hindi dapat pakialaman. I can sue you for this, Ms. Gallano."

She can't speak. Wala siyang alam na sabihin dahil kasalanan naman talaga niya. Alam naman niya na kahit siguro kaninong tao mangyari iyon ay siguradong magagalit din ito. Hindi lang talaga niya sinasadya ang nangyari. Napalunok siya dahil hindi siya sigurado kung mapapatawad ba siya nito. Nagkapatong-patong na ang kasalanan niya rito. "Sir, sorry. Hindi ko naman sinasadya na mabasa iyon. Nakabukas lang kasi iyong folder na iyon at aksidenteng nakita ko lang iyon—."

"So you're telling me that it's my fault? Na kasalanan ko kasi iniwan kong nakabukas iyon kahit na alam ko na gagamit ng computer ko?"

"Sir, hindi naman sa ganoon. Pasensya na, hindi na mauulit. Pangako." She raised her right hand to prove to him that she won't do it again.

"Lahat na lang ng bagay dinadaan mo sa sorry. But the truth is your sorry cannot do anything. Hindi mo na maibabalik ang mga bagay na nangyari na."

"Sir .." bulong niya. She realized how boneheaded she was. Hindi niya masisisi ito dahil tama ang sinabi nito.

Umupo ito at pinigilan ang sarili nito na may masabi pa. Napailing ito. "Just get out." Pagtitimpi nito.

"Sir, alam ko wala ng magagawa ang sorry ko. Pero gusto ko pa ring sabihin iyon dahil nagsisisi ako. Alam ko kasalanan ko ang nangyari. Kahit na alam ko na hindi ko dapat pakialaman iyon ay pinakialaman ko pa rin." Bahagya siyang ngumiti upang huwag siyang mapaiyak dahil pakiramdam niya ay masyado na siyang nagiging pabigat dito. Napakarami na niyang kasalanan dito. "Pakiramdam ko kasi napakaswerte ni Hope dahil mahal mo siya."

Mayroong kunot sa noo nito ng tumingin ito sa kanya ngunit wala na ang galit sa mga mata nito.

"Na-curious kasi ako sa wedding vow na ginawa mo para sa kanya. Kasi iyon ang pangarap ko. Pangarap na balang araw may isang lalaki na gagawan ako ng wedding vow dahil mahal na mahal niya ako." She wanted to find that guy who will love her. "Hindi ko lang alam kung darating siya." Wala siyang dahilan para sabihin iyon dito pero sinasabi pa rin niya at hindi niya alam kung bakit. Pakiramdam kasi niya ay nag-iisa siya. Kahit na nandyan ang mga kaibigan at pamilya niya ay parang may kulang pa rin. At iyon ang lalaking matagal na niyang hinihintay.

Ngayon lang niya napagtanto na hindi pala siya ganoon kasaya dahil wala pa siyang nakikilalang lalaking totoong magmamahal sa kanya. At kung meron pa nga ba siyang makikilala. "Hindi tulad ni Hope, Sir Ethan, dahil dumating ka na sa buhay niya. She's lucky." tinignan niya ito at mataman lang itong nakatingin sa kanya. "And what the hell am I telling you this?" aniya dahil wala siyang dahilan para sabihin iyon dito. Ano nga namang paki nito sa love life niya na napaka loveless. "Sorry, sir." Pero dahil doon ay gumaan ang pakiramdam niya.

Hindi naman talaga niya intensyong basahin ang wedding vow nito. Gusto lang niyang malaman kung gaano kaswerte si Hope kay Ethan dahil ang gusto lang din niya ay makakilala ng tulad nito na totoo kung magmahal.

Palabas na siya ng opisina nito ng biglang magsalita ito.

"That guy is lucky because you are waiting for him."

Napangiti siya. Lumakas na naman ang pag-asa niya na makikilala pa niya ito. "Sinabi mo iyan, sir, ha? Magdilang anghel ka sana." She heard his chuckled. For the first time in history, she heard him laugh. "Sa wakas, sir, nakita na kitang ngumiti." Gulat na gulat na sambit niya. Kailangan lang pala niyang mag-senti para makita iyon.

Napangiti naman ito sa sinabi niya. "Pero galit pa rin ako sa iyo." anito bagaman halatang nagbibiro na ito.

Siguro nga ay galit pa rin ito sa kanya dahil sa mga nagawa niya pero hindi na ganoon katindi.

Ang hiling niya na sana ay ito na ang simula ng magandang relasyon nila bilang magkatrabaho at hopefully bilang magkaibigan.

I'm Not The Only OneWhere stories live. Discover now