Kanina pa tapos kumain sina Sophie at Tyra pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating si Ethan. Kanina pa nagsimula ang party pero kahit anino ni Ethan ay wala siyang nakita. Tinxt niya ito pero hindi naman ito nagrereply. Sa tingin din niya ay nandoon na ang buong pamilya nito pero wala pa rin ito hanggang ngayon. Maging si Owen ay nakita na niya at napatunayan niya na wala na siyang galit dito. Siguro ay dahil na rin sa pinakita at pinatunayan ni Ethan na hindi lang ito ang lalaki sa mundo.
"Hinahanap mo si Sir, noh?" agaw ni Tyra sa kanyang atensyon.
"Hindi naman."
"Kunwari ka pa." makabuluhang sabi nito. "Huwag kang mag-alala dahil hinahanap ko din siya."
Hindi na niya pinansin ang sinabi nito dahil nahagip na ng mga mata niya si Ethan at papalapit na ito sa kanila. "Hey.." anito.
"Hi, Sir." bati ni Tyra rito.
"Sir." aniya.
"You look stunning." anito habang titig na titig sa kanya.
She examined herself. She was just wearing shirt, a satin party skirt, and a high heels shoes. She was just simple but for Ethan she was stunning. Gusto naman niyang ngumanga dahil napakagwapo nito. She doesn't know what was new about him but she knows that he look more handsome now than before. Pero kahapon lang ang naging huling pagkikita nila. Nababaliw na siya. "Ang gwapo mo naman."
"Oh, by the way, I just want to see you girls." Tila may kung anong naalala ito dahil nagising ito sa pagkakatulala sa kanya. "I have to go—"
"San ka galing? Bakit ngayon ka lang?" malumanay na tanong niya. She wanted to know what happened to him. Kung bakit ngayon lang ito dumating.
"I picked up someone."
"Si Hope ba?"
"Y-yeah. But—" May sasabihin pa sana ito ngunit hindi na nito naituloy iyon dahil tinawag na ito ng daddy nito. "I have to go. See you around."
Tango lang ang naging sagot nila ni Tyra.
She saw his dad with a woman and maybe that was Hope and the reason why Ethan is happy. She felt something pricked her heart and she doesn't know what that is for.
Hindi rin naman nakaiwas sa kanya ang matalim na tingin sa kanya na si Hope. Hindi na kasi niya naaalala ang mukha nito pero hindi siya pwedeng magkamali na hindi si Hope iyon. Naalala kaya siya nito kaya matalim ang tingin nito? The strange thing is, it seems like they saw each other lately as well.
"Okay ka lang?" agaw ni Tyra sa kanyang atensyon.
"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?"
"Ikaw na ang Denial Queen. Iyong-iyo na ang korona."
Matalim na tingin lang ang ipinukol niya rito.
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
