Part 9

8 0 0
                                        

"Sa wakas natapos ko din ang lahat ng task ngayon Haaaaay," tili ni Sophie ng matapos niya ang lahat ng pinatatapos sa kanya ni Ethan. Okay lang din naman kung tumili siya ng tumili doon dahil siya na lang ang nandoon. Nag-overtime siya para tapusin ang lahat ng pinapagawa sa kanya ni Ethan. Ayaw niyang may masabi ito sa performance niya bilang empleyado.

Nag-unat siya dahil sobrang masakit na ang likod niya at nahihilo na rin siya dahil sa gutom. Inayos na niya ang lahat ng dapat niyang tapusin at nagligpit na rin siya para makauwi na. Gusto na niyang lasapin ang sarap ng higaan.

"Ma'am, nandito pa po kayo?"

Si manong guard iyon. "Opo." Matanda na ito kaya naman namomopo din siya rito. "May kailangan po kasi akong tapusin." pagod na pagod na sagot niya sa tanong nito.

"Wow, ma'am. Bagama't bago pa lang kayo ay napakadedicated ninyo sa trabaho ninyo. Mukhang magtatagal po kayo dito dahil gusto iyan ni Sir Ethan. Gusto niya ang masipag na empleyado."

"Wish ko lang po." Pabulong na sambit niya. Sa totoo lang ay gusto niyang sabihin dito na parang hindi siya magtatagal sa kumpanya ng Sir Ethan nito.

"Ma'am?" mukhang nahalata yata nito ang sarcasm sa boses niya.

"Aah, wala ho. Sana nga po. Mauna na po ako."

"Sige, ma'am. Ingat po kayo. Teka ma'am, nakakain na po ba kayo? Para po kasing mukhang namumutla na kayo. Gusto po ba ninyo na maupo na muna at ibibili ko po kayo ng makakain kung gusto po ninyo. Baka po kasi ano pang mangyari sa inyo sa daan."

"Salamat po sa offer, Manong. Pero okey lang po ako. Kaya ko pa naman po."

"Sige, Ma'am kung iyan po ang gusto ninyo. Sasakay po ba kayo ng taxi? Pagtatawag ko na po kayo."

"Okey lang po. Mauuna na po ako."

"Ingat po." ulit nito.

Nginitian niya ito. Napakabait ni Manong Guard kahit na nabubulag ito sa totoong kulay ng boss nito. "Salamat po. Kayo din."

Nakalabas na siya ng gusali at naghihintay na lang siya ng taxi ng maramdaman niya ang hilo. Matutumba siya ng bigla siyang saluhin ng kung sino. "Owen?" tila natuwa ang puso niya pagkakita rito. Future Boyfriend Checklist #5 His man was her knight and shining armor. Parang nagtititili ang puso niya dahil sa ginawa nito.

"Thank God, napaaga ako kung hindi ay baka iba ang nakasalo sa iyo. Mahirap na."

Natawa siya rito. "Bakit naman mahirap na?"

"Baka kasi maunahan pa ako ng iba na yayain kang makipagdate kung nagkataon."

"Date?" She had never expected that from him. At parang sobrang bilis yata nito? O sadyang ganoon lang talaga ang mga lalaking alam na malaki ang chance ng mga ito sa babaeng nagugustuhan nila.

Tumango ito. "That is if you want but if you don't—"

"Yes, papayag ako." Mahirap na kung magpapakipot pa siya. Matagal na niyang hinintay ang pagkakataong ito kaya hindi niya pwedeng palampasin iyon.

"Really?" umabot hanggang tenga ang ngiti nito.

Tumango siya. "Oo naman."

"Can we do it tonight?" tanong nito.

"Sure." Aniya. Kakalimutan na muna niya ang hilo at pagod niya. Isa pa, kakain na din naman sila.

I'm Not The Only OneWhere stories live. Discover now