Part 7

4 0 0
                                    

"Nakuha ko na ang Chestnut Praline Latte ni Sir Ethan." Pagkasabi niyon ni Sophie kay Tyra ay dali-dali siyang lumabas ng Starbucks.

Sa wakas ay makakaupo na siya. First time niyang pumila ng ganoon kahaba sa Starbucks. Hindi niya akalain na ganito ka-obssesed ang mga tao sa naturang brand ng kape dahil hindi nawawalan ng tao doon dahil sa sobrang haba ng pila. Pumila siya ng napakatagal dahil lang sa isang kape.

"Hello, Sophie. Nakalabas ka na ba ng Starbucks?"

"Oo. Kakalabas ko lang. Bakit?"
"Ang sabi kasi ni Sir. Ayaw na niya ng Chestnut Praline Latte. Peppermint Mocha na lang daw." May pagdadalawang-isip sa tono ng boses nito habang sinasabi sa kanya.

"Pero nakabili na ako. Paano ito?"

"Okey lang daw iyan. Ibigay mo na lang daw sa batang palaboy-laboy diyan."

Kahit na magdahilan pa siya ay wala naman siyang magagawa dahil ang boss na ang nagsabi at nag-utos. Pagkakita niya sa batang pulubi ay agad niyang ibinigay iyon dito. Abot hanggang tenga naman ang ngiti ng bata at ipinagmayabang pa iyon sa mga kaibigan nito.

Pumasok siya ng Starbucks at abot hanggang pinto na naman ang pila. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakabili na siya. Tila bumalik ang sigla niya dahil makakaupo na siya ngunit kailangan pa rin niyang maglakad dahil hindi naman siya pwedeng mag-commute dahil malapit lang iyon sa opisina nila. Napakainit pa man din ng panahon ngayon. Papasok na siya ng gusali ng tumawag muli si Tyra sa kanya.

"Tyra?"

"Asan ka na?"

"Nandito na ako sa may entrance."

"Pasensya na, Sophie, pero pinapasabi ni Sir na Caramel Brulée Latte na lang daw kesa Peppermint Mocha."
"Pero nakabili na ako ng Peppermint Mocha."

"Ibigay mo na lang daw iyan kay Manong Guard." Narinig pa niya ang utos na iyon mula kay Ethan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magalit dahil tila nananadya na ito. Pero hindi siya magpapadala dito. Sasakyan niya ang mga good time nito sa kanya kung iyon lang ang tanging paraan para mapatawad siya nito.

Ibinigay niya kay manong guard ang kape. "Ipinabibigay po ni Sir Ethan."

Kinuha naman iyon ng gwardiya. "Thank you po pakisabi kay Sir Ethan. Napakabait talaga niya."

"Mabait daw." Maktol niya.

"Ma'am?" nagulat ito sa sinabi niya.

"Aah, wala po." ngumiti siya ng pilit at naglakad na papuntang Starbucks sa pangatlong pagkakataon.

Buti na lang at ng makarating siya ay wala ng gaanong tao kaya't hindi na niya kinailangang pumila pa. Pagkabigay ng order niya ay dali-dali na siyang naglakad para agad na siyang makarating ng opisina at wala na itong magagawa kapag nandoon na siya.

Inilapag niya agad ang Caramel Brulée Latte rito pagpasok niya ng opisina nito. Agad naman nitong kinuha iyon at uminom ngunit agad din nitong inilapag ulit iyon. At mukhang hindi pa nito nagustuhan iyon. "Walang lasa." anito at agad na bumalik sa ginagawa nito kanina bago pa siya pumasok.

"What do you want me to do this time? Na bumalik sa Starbucks at papalit iyang kape mo. At maglakad sa ilalim ng mainit na araw habang suot-suot ang mga high heels na ito?" exaggerated na sabi niya sabay taas ng isa niyang paa para ipakita rito ang sapatos niya.

Walang reaksyon ang mukha nito.

Matalim niya itong tinignan. Nag-iba siya ng reaksyon ng mukha ng maisip kung sino ito. Kahit anupaman ang mangyari ay hindi niya dapat sagut-sagutin ito dahil ito pa rin ang boss niya at malaki pa rin ang kasalanan niya rito. Hindi lang talaga niya maitago ang inis niya dahil sa ginawa nito. "Sorry. Hindi ko dapat sinabi iyon. Babalik na lang uli ako doon." aniya.

Nahawakan na niya ang kape ng pigilan siya nito. "No need. I'll still drink it even its tasteless." Walang reaksyon sa mukha nito.

Hindi man lang niya nakitaan ng awa ito sa kanya. Mukhang mahirap din para rito na pakisamahan siya dahil na rin sa nangyari. Kahit na nagagalit siya sa ginawa nito ay hindi naman niya maiwasan ang hindi makonsensya at maawa dito dahil mukhang malaki ang pinagdadaanan nito dahil na rin sa nangyari o dahil na rin sa kanya.

"Babalik na ako sa mesa ko."

Nasa may pinto na siya ng marinig niyang magsalita ito. "Kumain ka na muna bago ka magtrabaho."

Kahit pagod na pagod na siya ay hindi niya naiwasan ang hindi matuwa dito. Kahit na malaki ang galit nito sa kanya ay may concern pa rin ito.

I'm Not The Only OneUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum