Part 5

5 0 0
                                        

Nanlulumong umuwi ng bahay si Sophie. Sa kamalas-malasan kasi ay wala na siyang trabaho ngayon. The company where she is working with was bankrupt. Kaya ngayon wala siyang magagawa kundi ang maghanap ng bagong trabaho. Hindi naman pwedeng sayangin niya ang pinag-aralan niya. Sa totoo lang ay nagulat silang lahat ng i-announce iyon sa kanila kani-kanina lang. Napakaganda ng pagpapatakbo ng boss nila sa naturang kumpanya kaya nagulat silang lahat kung anong nangyari. Pero mukhang tama ang hinala ng mga katrabaho niya na nalulong sa sugal ang boss nila at nalulong pa sa utang. Napakatalino nito ngunit nasayang ang pinagtrabauhan nito ng dahil lang sa bisyo. Well, siguro nga ay ganoon ang buhay. Minsan nasa taas ka at minsan nasa baba. Sa kasamaang palad lang ay nadamay pati silang mga trabahador sa gulong ng buhay na iyon.

Pagpasok pa lang niya ng bahay ay napansin na agad siya ni Payton. "Anong problema? May nangyari ba?"

Padabog siyang umupo sa sofa. "Wala na akong trabaho."

"That is good news." masayang sambit nito.

"Good news? Masaya ka pang nawalan ako ng trabaho?"

Lumapit ito sa kanya dala-dala ang mga manicure kit nito at sa tabi niya naglinis ng kuko. "Hindi naman sa ganoon. Nasabi lang sa akin ng kaibigan kong nagtatrabaho sa isang investment company na hiring daw sila ngayon. Napakalaking kumpanya niyon. Kaya mas bagay ka doon kesa diyan sa kumpanyang pinanggalingan mo."

"Hoy, huwag mo ngang ginaganyan-ganyan lang ang kumpanyang pinanggalingan ko. May sinabi din naman iyon, no! Nagkataon lang na nasira na siya ngayon." Malungkot na sambit niya. Kahit paano naman ay minahal niya ang dating trabaho. Dalawang taon na rin naman siya doon at ang dami niyang natutunan. Nalulungkot lang siya na sa ganoong paraan pa niya iiwanan iyon.

"Hindi ko naman minamaliit iyon. Nagkataon lang na mas magandang kumpanya ito ngayon." Tumingin ito sa kanya. "Guess what?"

"Anong guess what?" naiirita siya rito. Sumandal siya at pumikit. Full of stress ang araw niya ngayon.

"Sige, kung ayaw mo e di wag. I-o-offer ko na lang sa iba ang pagtatrabaho sa Divero Investment Company." Akmang aalis na ito ng pigilan niya ito.

"Divero Investment Company? Oh my gosh, Payton. Bakit hindi mo agad sinabi?" Kung kanina ay wala siya sa mood. Ngayon ay ginanahan na siya. She was dreaming of this company. She wants to work there because of the success of the company and because of her father. "Totoo ba iyan?"

Tumayo ito. "Oo naman. Sayang naman dahil malakas pa naman ang backer natin. Kung ayaw mo okey lang—" pagpapakipot pa nito.

Hinila niya ito paupo. "Huwag ka ng magpakipot. Sabihin mo na sa akin kung anong dapat kong gawin." Matagal na niyang pinapangarap iyon at hindi niya palalampasin ang pagkakataon na ito. Pagkagraduate pa lang niya ng college ay nagtangka na siyang mag-apply sa naturang kumpanya ngunit sa kasamaang palad ay walang bakanteng posisyon para sa kanya. Hindi man siya naging mapalad noon sisiguruhin niya na magiging maswerte siya ngayon. Kahit anong mangyari ay magiging parte siya ng Divero Investment Company. Bukas na bukas din ay mag-aapply na siya doon.

I'm Not The Only OneWhere stories live. Discover now