Part 14

3 0 0
                                    


Kanina pa busy si Ethan at si Sophie. Kailangan nilang magtulungan dahil mayroon itong meeting kasama ang ama nito. Ang ama pa rin nito ang nagtayo ng kumpanya kaya kailangan pa rin nitong i-impress ito. Lalo na ngayon at may alitan ang mga ito.

Mayroon kasing proposal si Ethan para sa kumpanya at kailangang mapapayag nito ang ama nito at syempre ang ibang stockholder ng kumpanya. At pakiramdam niya ay magiging successful iyon. Ilang araw nilang pinaghandaan ang araw na iyon at sana maging matagumpay sila.

"Sir, it's already time." Agaw niya sa atensyon ni Ethan dahil hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin nito ang proposal nito.

"Yeah." Anito. "Let's go."

Pagtayo nito ay sumunod naman siya agad dito. "Sir, okey ka lang?" halata kasi dito na kinakabahan ito.

"I'm okay." tumango-tango pa ito para i-assure sa kanya na okey nga ito.

"Sir, ha, iyan ang nakakatawang joke na narinig ko ngayon." aniya habang tumatawa. Pakiramdam kasi niya ay nagbibiro ito. Sinabi kasi nito na okey ito kahit na halatang-halatang kabado ito.

Narinig naman niya ang tawa nito. "Is it really that obvious?" huminto ito sa paglalakad at hinarap siya.

"Yes, Sir." Huminto rin siya. Alam niya na hindi ito natatakot sa kung anong sasabihin ng ibang stockholder. Ang kinatatakot nito ay ang disappointment na pwede nitong makuha sa ama nito. He wanted to have his father's forgiveness. Kahit naman na wala naman talaga itong naging kasalanan dito. "But don't worry, Sir Ethan. Everything will be alright. Ang galing mo kaya."

"Really?" tila isang bata ito na hindi makapaniwala na sinabihang magaling ito.

"Bakit, Sir? Hindi ka naniniwala na magaling ka?"

Nakitaan niya ito ng lungkot sa mga mata. "No one has told me that."

Hindi nga? Gusto man niyang itanong iyon rito ay nagdalawang-isip siya. Tila may kung anong lungkot siyang nararamdaman para rito. Sa palagay niya ay may malalim itong pinagdadaanan pero hindi na muna niya ito tatanungin ngayon dahil hindi iyon ang tamang panahon. Hindi rin ito pwedeng magpadala sa emosyon nito ngayon dahil baka hindi nito magawa ng tama ang proposal nito. Pero sisiguruhin niya na dadamayan niya ito sa kung anuman ang mangyari. Sa ngayon ay kailangan niyang palakasin ang loob nito.

"Their here."

Nagsimula na ulit itong maglakad ngunit pinigilan niya ito. "Wait lang, Sir." napansin kasi niya ang tie nito na hindi maayos ang pagkakalagay niyon. Inayos niya iyon. "Kailangan, Sir, maayos din ang tie ninyo. Hindi mapapansin iyang kagwapuhan mo kung madi-distract sila sa tie mo." aniya. Pagkatapos niyang ayusin iyon ay ginaya niya agad ito papasok ng board room.

I'm Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon