Pumasok si Sophie sa opisina ni Ethan para dalhin ang kape na ginawa niya para rito at naabutan niya itong abalang nagtatrabaho. Masyado itong masipag at hindi pa niya itong nakitang nagpahinga. She always does that everyday. Mukhang nasasanay na nga siya sa ginagawa niya. Simula noong unang dalhan niya ito ng kape ay nagkataon naman na dumaan ito ng starbucks para bumili. Pero nang maabutan nito ang kape na ginawa niya ay nagpasalamat ito. Ang hindi lang niya sigurado ay kung iinumin ba nito iyon o hindi. Nang pumasok siya sa opisina nito para magtanong ay nakita niya ang kape na dala-dala nito na halatang hindi naman nagalaw. At ang kape na ginawa niya ay styro cup na lang ang natira. Kaya naman enjoy na enjoy siya na laging dalhan ito dahil na-a-appreciate nito iyon.
"Sir, para sa iyo." masayang bungad niya rito.
Umabot ang ngiti nito hanggang sa tenga nito. Mukhang nasasanay na rin yata siya pati sa mga ngiti nito. "Thanks, mukhang sobra-sobra na iyang pangbabawi mo."
"Mukhang hindi pa nga, eh." inabot niya rito ang kape na dala niya. "Masarap iyan, Sir."
Kinuha naman nito iyon. "Thanks. And how did you say that?"
"Cause' the one and only love of yours is still not here." Malungkot na sambit niya.
"You're wrong in there." Anito. He changed the topic. "What happen to your date last night? I didn't know you're dating Owen."
"Now you know, sir. If you have a disaster wedding, I had a date calamity." Hindi na sila nagkakailangan sa tuwing pag-uusapan nila ang tungkol sa nangyari sa kasal nito. Mukhang unti-unti na itong nakaka-move on at masaya siyang malaman iyon.
Natawa ito sa pagbibiro niya ngunit ng mapansin nitong seryoso siya ay pinigilan nito iyon. "Sorry, I just can't help it. What happened?"
Kinuwento niya rito ang nangyari. Sa muntikang pagtatapat na sana nito. "Naiinis nga ako sa sarili ko kung bakit tinulak ko pa siya. E di sana, boyfriend ko na siya ngayon."
"You love him?" he was serious.
"Hindi ko pa siya gaanong kamahal ngayon, sir. Pero alam ko na siya ang lalaking nakatakda para sa akin. I know my feelings will grow for him."
"How did you know that he is the right man for you?"
Umupo siya sa upuan na nasa tapat ng mesa nito. "Sa maniwala ka at sa hindi, sir. I have this checklist for my future boyfriend." she paused. She was waiting for him to laugh. Pero naghihintay lang din ito sa kanya sa kung ano pa ang ikukwento niya. "Hindi ka natatawa, sir?"
Umiling ito. "No."
Kunot lang ang kanyang noo dahil hindi siya sigurado kung totoo ba ang sinasabi nito. Sa tuwing ikukwento kasi niya sa kahit na sino ang tungkol doon ay inaasahan na niya ang nakakatawang reaksyon mula sa mga ito. Parang tanga lang ang tingin ng mga ito sa kanya dahil ang tanda na niya ay may nalalaman pa siyang ganoon. At katwiran ng mga ito ay wala siyang makikilalang lalaki na nasa kanya na lahat ng mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki. IMPOSIBLE daw iyon!
"Why? Something wrong?" anito dahil sa hindi niya pagsagot.
"Hindi ka nakokornihan, sir? Don't you find it funny?"
"Why should I?" nagtatakang tanong pa nito.
"Are you sure?"
"Yeah." seryosong sabi nito habang mataman na nakatitig sa kanya ngunit may kakaibang ngiti sa mga labi nito.
"Pinagti-tripan mo ba ako, sir?" hindi kasi siya sigurado kung totoo ba iyon o baka ayaw lang siya nitong ipahiya sa sarili niya. Idagdag pa ang kakaibang ngiti nito habang titig na titig ito sa kanya.
"I don't found it funny, I swear. But by just staring at you, I can't help it but to smile." Nag-isip naman ito. "I don't know why."
Nagrigidon ang puso niya dahil sa sinabi nito. Alam naman niya na wala lang iyon dito dahil na rin sa reaksyon nito. Noong tinitingnan kasi niya ito habang sinasabi iyon ay wala namang reaksyon sa mukha nito. Kaya siguradong wala lang iyon dito. Kaya bakit ba siya biglang na-tense. She shouldn't feel that way because he is not the man of her dreams. "Patawa." Iyon lang ang nasabi niya. She changed the topic. "I'll go back, sir." Tumango ito. "Sigurado kang hindi ka natatawa?"
Nagbuga ito marahas na hangin. "Pangako, hindi ako natatawa. That's your belief and I don't think I should laugh about it."
Napanganga siya sa sinabi nito. "Kung gaano ka kagwapo ay ganoon naman kapangit ang ugali mo. Kaya nga pinagtatakahan ko kung anong nagustuhan sa iyo ng best friend ko." Naalala niya ang sinabi niya noon dito. She was taking all back all the stupid things she told him. Ngayon siya naniniwala na hindi totoo ang lahat ng iyon. She will rephrase it. "Kung gaano ka kagwapo ay ganoon din kagwapo ang ugali mo." nakatulalang wika niya.
"Sophie?" nagtatakang tawag sa kanya ni Ethan.
"You are not a jerk, Sir Ethan." Ethan was different from all the guys she met because he has this extra quality that makes him special from the crowd.
"Heeey." Nagising siya sa pagwasiwas ni Ethan sa kamay sa mukha niya upang i-check kung okay ba siya. "Okay ka lang?"
"Yes, Sir." ano bang nangyayari sa kanya?
"Let me know about your cheklist." seryosong usisa nito.
She came back in daydreaming every time she thought about her checklist. "Naniniwala kasi ako na kung may pinapangarap kang lalaki panindigan mo lalo na kung imposible ka ngang makakilala ng katulad niya kasi imposible mang makilala mo siya ay posible pa rin basta magtiwala ka lang sa diyos. You have to trust him because he will give you the best person that will love you uncondtitionally." Aniya habang nakatingin sa kisame habang nangangarap. Tumingin siya rito. "At nakita ko lahat ng iyon kay Owen. I think he is the man that will fulfill my dreams."
"Are you sure? He is the right man for you?"
"Yes, sir."
"Maybe, I should be happy for you because you already found the man that you've been waiting for."
"Thank you, sir."
"And you should be happy for me, too."
"Bakit, sir?" he looks very happy, indeed.
"Hope is in the country. She wants to see me." Abot hanggang tenga ang ngiti nito.
"I'm h-happy for you." Labas sa ilong na sambit niya. Naloloka na ba siya? Hindi pwedeng hindi siya maging masaya para rito. Ito na ang matagal na niyang hinihintay. Ang magkaayos si Ethan at si Hope para matuloy na ang naudlot nilang happy ending. Isa pa, wala siyang dahilan para maging malungkot. Di ba? Tanong niya sa isip niya pero wala naman siyang nakuhang sagot. "I'm happy for you." ngayon ay mula na iyon sa puso. Kahit na anong mangyari ay iyon ang dapat niyang maramdaman. Pinilit niyang isapuso iyon dahil hindi tama na maging malungkot siya dahil magkakaayos na ito at ang ex-fiancé nito. She promised herself that she will be the way for Ethan to be happy again and that is to win Hope back. At tutuparin niya ang pangako niya. "Sir, sa tingin ko kailangan mo ng bagong outfit. Siguradong sanay na si Hope sa look na iyan, eh." Ang outfit nito na pang-office attire ang tinutukoy niya. "She needs to see something unusual."
CZYTASZ
I'm Not The Only One
Romans"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
