Part 17

3 0 0
                                        

"Sophie .."

"Hmmmm?" hindi niya ito tinitignan dahil busy siya sa kanyang pagkain.

"I want to tell you something."

She stared at him. He was so serious and she feels like she knows what his going to say. "Ano iyon?"

Lumapit ito sa kanya. He held her hand. "Sophie, I know you to know what I feel for you. And I'm serious about it. I'm serious about you."

Hinaplos nito ang kanyang pisngi. And his face was coming closer to her. Future Boyfriend Checklist #5. Her first kiss will be from The One. She can't move but she wants to feel his kiss, her first kiss and it's from Owen. Pumikit siya. Si Owen na nga yata ang matagal na niyang hinihintay. Teka lang! Naalala niya na nasa restaurant pa sila. She wants to have her first kiss with The One but not in a public place. She doesn't want to experience Public Display of Affection. She opened her eyes. Sa gulat niya rito ay malakas niya itong naitulak. "Sorry." Konting-konti na lang kasi at mahahalikan na siya nito. Narinig niya ang pag-aray nito. Mukhang nasaktan ito dahil sa tulak niya rito. Matindi ang pagkakasandal nito sa upuan nito at muntik pa iyong bumaligtad kung hindi lang nito napigilan iyon. "Sorry talaga. Hindi ko sinasadya." Dinaluhan niya ito. "May masakit ba sa iyo? Nasugatan ka ba?"

"No, I'm okay. Don't worry. Ang lakas mo pala." anito habang tumatawa.

Hindi naman niya alam kung nagbibiro ba ito o seryoso ito. "Nagulat lang kasi ako. Pasensiya na. Galit ka ba?"

"No, it's okay." Paniniguro nito sa kanya.

Bumalik siya sa kanyang upuan. "Ano nga pala iyong sinasabi mo?"

"Oh, that. Just don't mind." Anito at pinagpatuloy nito ang pagkain na kinakain nito kanina. "Kain ka na ulit."

Nawala ang ngiti niya. Akala pa naman niya ay magtatapat na ito sa kanya ngayon. Magtatapat na sana siya kung hindi mo lang sinira. Hindi naman kasi niya sinasadya iyon. Ayaw lang niya ng PDA. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya matinong babae kung gagawin niya ang bagay na iyon sa harap ng maraming tao. Iyon ay ayon sa pakiramdam niya. Hindi naman niya sinasabing hindi matitinong babae ang mga gumagawa niyon baka lang kasi hindi lang nila maitago ang bugso ng damdamin nila sa ibang tao. Baka showy lang talaga ang mga ito.

Sa ngayon ay hahayaan na lang niyang ang diyos ang magtakda sa tamang panahon ng pagtatapat nito. Hindi na lang muna siya magmamadali. She will just go with the flow. And wait for Owen to realize how important she is to him.

I'm Not The Only OneWhere stories live. Discover now