Part 15

3 0 0
                                    

"Congratulations, Ethan." Mr. Andrino Divero said after Ethan's presentation. He was Ethan's father.

Nagsitayuan pa ang mga stockholder para ipakita ang pagsangayon ng mga ito sa ama ni Ethan. Nagsitayuan ang mga ito para personal na i-congratulate ito. Pero ang alam niya na ang gusto lang nitong marinig ay ang congratulation ng ama nito.

Lumapit naman si Mr. Andrino kay Ethan. "I'm proud of you, Ethan. This is a wonderful proposal." Tinapik nito si Ethan sa balikat.

"Thanks, dad." Pagkasabi niyon ni Ethan ay agad na nagpaalamanan ang mga ito. Ang ama na lang nito ang nasa loob ng room at ng makalabas ito ay agad siyang nilapitan ni Ethan at mahigpit siyang niyakap nito. "Thank you, Sophie, for helping me out with this proposal."

Hindi na niya ikinagulat ang pagyakap nito sa kanya. Sa itsura pa lang kasi nito kanina habang kausap ang ama nito ay tila gusto na nitong magtatalon sa tuwa. Ang hindi lang niya inaasahan ay ang paraan ng pagkakayakap nito sa kanya. Napakahigpit niyon na tila ba matagal na silang magkaibigan. At ang tibok ng kanyang puso, solid sa pagrigidon. Hindi niya papansinin ang kakaibang nadarama niya dahil baka naninibago lang siya dahil alam niya na unti-unti na siyang napapatawad nito. "Walang anuman, Sir. Gagawin ko ang lahat para sa iyo."

Nagulat naman ito sa sinabi niya dahil nakatitig na lang ito ngayon. "What?"

Maybe this is the right time to talk about the past. "Malaki ang kasalanan ko sa iyo, Sir. Dahil sa akin ay hindi natuloy ang kasal mo at nagalit sa iyo ang pamilya mo. Nagkahiwalay kayo ng fiancé mo at alam kong masakit iyon para sa iyo. Hinusgahan ka ng ibang tao kahit na hindi naman totoo ang mga panghuhusgang iyon. Pinagsabihan pa kita ng masasakit na salita kahit na hindi naman pala ikaw iyon." Mataman niya itong tinititigan sa mata para patunayan dito na sincere siya sa mga sinasabi niya. Ikinuwento niya rito ang totoong dahilan kung bakit niya nagawa iyon. Walang labis at walang kulang. Gusto kasi niyang patunayan dito na hindi siya masamang tao at nagawa lang niya iyon dahil sa pagiging sobrang mapagmahal niya sa kanyang kaibigan. "Noong malaman ko na hindi pala ikaw si Isaac. Halos araw-araw kitang napapanaginipan. Natatakot kasi ako dahil napakalaki ng naging kasalanan ko sa iyo. Kaya noong malaman ko na ikaw ang boss ko. Sobrang natatakot ako kasi baka maging dahilan iyon para alisin mo ako sa trabaho ko."

"I won't do that." umupo ito sa upuan na malapit dito. "Yeah, I've been through a lot. I hated you for what you have done. Pero hindi ako nananamantala ng tao. Especially, if she works really hard just like you." Anito. "Pero aaminin ko na sinadya kong pahirapan ka." Lumungkot ang boses nito. "When I saw you again? Everything went back, the hurt and pain I felt. It doesn't matter what other people will say. I just don't want to disappoint my family and I don't want to let Hope go but she already did. She left me."

"I'm sorry."

"No, don't be." Ngumiti ito pero halata namang pilit iyon. "If she really loves me, she'll believe in me but she didn't."

Sa araw-araw na nagkakasama sila nito ay madami siyang natututunan dito. Hindi lang sa trabaho pero pati na rin sa usaping puso.

"So, I think I have to move on. And with your case, I cannot do anything. Lagi mong nakakayanan ang mga pagpapahirap ko dahil mukhang nakatulong pa nga iyon sa iyo. Look at you, you're so efficient and effective with your work. "

She laughed. Totoo ang sinabi nito dahil totoo namang nakatulong pa nga iyon sa kanya. "Atleast, hindi mo na kailangang i-train pa ako." Nagtawanan sila dahil sa sinabi niya. "Pero hindi ko pa tatanggapin ang kapatawaran mo. Sisiguraduhin ko muna na deserve ko nga iyon. Huwag kang mag-alala, Sir Ethan, palagi kong pinapanalangin na sana bumalik na ulit si Hope at kapag bumalik siya sisiguraduhin ko na maikakasal na kayo. Pangako ko iyan." she raised her right hand like what she always do. "At sa family mo, I think hindi na sila galit sa iyo ngayon."

"Yeah, that's why I'm so happy." Lumapit ulit ito sa kanya at niyakap siya. Binuhat pa siya nito at inikot-ikot.

"Sir, tama na. Nakakahilo." Hindi niya akalaing ganito katindi kung maka-react ito.

Binitiwan naman siya nito. "It won't be successful if it's not because of you."

"Bakit ako, Sir?"

"Because its your idea, remember?"
Idea lang naman kasi ang naitulong niya pero ang buong proposal ay ito na ang may ideya niyon pero sumobra ang pasasalamat nito. Nakatulong siya dito pero konting-konti lang. "Sir, pa-humble ka pa diyan samantalang iyon nga lang iyong naitulong ko."

"I still owe you this."

Ngiti lang ang naging sagot niya dahil masyadong mapilit ito. At ang pangako niya dito. Sisiguraduhin niyang matutupad niya iyon.

I'm Not The Only OneWhere stories live. Discover now